Note: Please play the song It's Not Easy Letting Go by Daryl Ong on the multimedia while reading Renz's message.
Chapter 21.2 - Good Luck
Jiya is looking intently at the computer screen with her heart beating so fast.
Napahawak pa sya sa monitor when Renz face appeared. He looks like he hadn't sleep for a week. His eyes were bloodshot. How come she hadn't notice it gayung magkasama sila sa isang bahay?
"Babe.." that was the first word na sinambit ni Renz sa video.
"Sinabi ko sayo ng hindi lang minsan kundi sa napakaraming pagkakataon na I will never give up on us. Nag promise ako na hinding-hindi ko kayo iiwan ni Rhed no matter what. God knows kung gaano ko kagustong tuparin ang promise na yun. But then, I also promised you na gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. And I was thorn between those promises. Then I realized at the end na isa lang ang kaya kong tuparin sa dalawang promises na yun. Coz I can't stay and make you happy at the same time. That's why I chose to leave because I want to choose your happiness." Renz paused and closed his eyes as if to hide his emotions.
Patuloy ang pagtulo ng mga luha ni Jiya habang pinapanood ang video.
"Babe, aaminin ko na hindi ako masaya sa desisyon kong ito. Sobrang hirap. Sobrang sakit. Pero mas hindi kaya ng konsensya ko na nasa tabi nyo nga ako at nababantayan ko kayo pero tinu-torture naman kita araw-araw dahil hindi ako ang gusto mong makasama at hindi ako ang dapat nyong kasama. I decided to leave dahil gusto kong lumaki si Rhed ng may masayang pamilya. Kaya ko inasikaso ang annulment, pipirmahan mo na lang yun para mapawalang-bisa ang kasal natin. Kapag ok na, hanapin mo si Mharky." Renz paused again at hindi na nito napagilan ang mga luha.
"I'll pray na tatanggapin ka nya kahit na ikinasal ka sa akin nung wala sya. In the first place, wala ka namang kasalanan dahil ako naman ang puno't dulo ng lahat. At saka sya naman ang ama ni Rhed."
"Hindi sa kinukunsensya kita pero sobra-sobra akong nasasaktan ngayon. I'm hurting badly that you can live without me. You can be happy without me. It's killing me to think that you don't need me."
Another paused.
"But you know what? Ayaw kitang masaktan kahit nasasaktan ako. Ayaw kitang makitang umiiyak kahit pinapaiyak mo ako. Ayaw ko ng makitang nahihirapan ka kaya lumayo na ako. Pero alam mo, kung siguro nakikita ko na napapasaya kita kahit papano baka hindi na kita papalayain. Buti na lang vocal ka sa galit mo sa akin kaya narealized ko na you can't really love me again. Minsan nga gusto kong makiusap sayo na magkunwari ka man lang sana na mahal mo ako para naman ganahan akong magpakatanga pero wala eh." He chuckled on the last part.
"During the days na inaasikaso ko ang annulment papers natin parang ayaw ko ng mabuhay nun. Para akong unti-unting pinapatay habang papalapit ang araw na kelangan kong lumayo. Pero mas pinili kong maging malakas dahil gusto ko pa kayong maalagaan at makasama sa mga natitirang mga araw."
"At ito, the day has finally come. Ibinalita ni attorney na early this morning ay ihahatid nya na ang mga papers para mapirmahan mo and damn it! I can't stand seeing you signing it. "
Napahagulhol na si Jiya at hindi nya na halos narinig ang iba pang sinabi ni Renz.
She was about to close the video because she can't stand it anymore pero may nakita syang iniangat si Renz sa video.
"Here's the house and lot title. I transferred it all sa pangalan ni Rhed. Then use this ATM para may magamit kayong panggastos while Mharky is still not here to take care of you. "
Pagkatapos nun ay ngumiti ng pilit si Renz.
"Jiya please take care of Rhed. And please kiss him for me. I will miss you both. At kaya hindi ko na ipinilit na makuha ang custody for him, dahil at the end of the day ikaw naman talaga ang may karapatan. Mamimis ko ng sobra ang batang yan. Mag-iingat kayo ha?"
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
RandomMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...