AN: Isiningit ko ito kahit busy ako at late na dahil kay @unicashine. Hello, ate. This chapter is dedicated to you.
Oo nga pala, birthday ko sa Tuesday hahaha sana batiin ako ni Kuya Da. *crossing fingers*
Chapter 34 - Walking Away
She watches him as he walks away. This is what she wants. The solitude. A time alone. She wanted to think. She's lost. She wants to find herself. But why does it hurt? Why does it feel so hard watching him walking away? Bakit gusto niya itong sundan? Bakit gusto niya itong pigilan? Namalayan niya na lamang ang muling pagtulo ng mga luha niya.
She's on her way upstairs ng mapatingin sa wall clock. It's 12:45am. Bigla syang nag-alala. Bakit nga ba hindi niya ito pinigilang umalis dahil dis-oras na ng gabi? Bakit kasi gabi sila nag-usap? Bago pa mapraning ay tumungo na s'ya sa kwarto ni Rhed at nahiga sa tabi nito. Pinilit n'yang ipikit ang mga mata at nakaidlip s'yang umaagos ang mga luha.
Nagising siya sa malalakas na katok sa pintuan niya. Tumingin s'ya sa orasan at nakitang alas-siyete na ng umaga.Napasarap ang tulog nya, buti na lamang ay linggo at walang pasok si Rhed. 'Sino naman kayang mambubulabog ng ganito kaaga?' Tiningnan n'ya ang phone n'ya at nakitang marami s'yang missed calls. Not registered number at sa kuya Jasper n'ya. Bigla s'yang kinabahan at baka may nangyari sa bahay nila. Nagmamadali s'yang bumangon at bumaba. Ang kuya Jasper nya ang bumungad sa pagbukas n'ya ng pintuan. "Inakyat mo na naman ang gate, kuya?" natatawang salubong n'ya.
"Anong nangyari sa inyo ni Renz kagabi?"seryosong tanong ni Jasper.
Natahimik s'ya. Alam n'ya namang si Jasper ang sumbungan ni Renz kaya marahil ay alam na nito ang nangyari at itatanong lamang ng kuya n'ya ang detalye saka s'ya si-sermon-an nang bonggang-bongga.
"Jiya alam naman nating ginagawa n'ya ang lahat para makabawi pero bakit--ah."
Napaatras s'ya nang mapasuntok si Jasper sa hangin. "Kuya Jas, I made it clear naman sa kan'ya that I just need space. Bakit ba mas stress ka pa sa akin? Kuya mahal ko si Renz at hindi ito madali sa akin."
"Mas stress ako sa'yo dahil wala kang alam na nag-aagaw buhay ngayon ang asawa mo!" Jasper finally spilled it out.
"Kuya naman wag ka ngang magbiro ng ganyan..."
"Magbiro? Aba't talagang hindi ako magbibiro ng gano'n. Kasama ang sasakyan ni Renz sa karambula ng tatlong kotse at isang taxi around 2:00am. Tatlo ang namatay sa aksidente. Isa sa mga maswerteng nakaligtas ang asawa mo," paglalahad ni Jasper na pigil ang pag-iyak.
"Tito? Did something happen to daddy?" tanong ni Rhed na pumupungas na bumaba ng hagdanan.
"Big boy, magpalit muna tayo sa taas. Kelangan nating puntahan ang daddy mo," anya saka nagmamadaling umakyat. Mabilis nyang pinaliguan at binihisan si Rhed saka pinababa. "Tell tito Jasper to wait for me, ok?"
"Ok mommy."
Mabilis rin n'yang inasikaso ang sarili at pilit n'yang pinipigil umiyak dahil gusto n'yang maging malakas para kay Rhed. Sa puntong ito, ang anak n'ya ang pinakamasasaktan dahil sobrang close ito sa kinikilalang ama pero hindi n'ya na napigilan ang patuloy n'yang paghikbi.
"Hindi ko alam Jiya kung anong klaseng katangahan meron ka. Pero alam mo, quotang-quota ka na," naiiling na wika ni Jasper habang nagmamaneho.
"Kuya naman, maayos naman kasi kaming nag-usap kagabi. Ni hindi ko nga inaasahang aalis sya nang dis-oras ng gabi." She felt stupid explaining to her brother knowing he'll never be on her side anyway. Minsan nga gusto n'ya nang magselos dahil parang si Renz ang kapatid nito kung umasta.
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
RandomMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...