Chapter 26 - Mharky is back?

92 11 3
                                    

Chapter 26 - Mharky is back
06/10/2015

After 3 years...

"Daddy, I want a new robot! The one you bought me last month is sira na!" malakas na request ng tatlong taong gulang na si Rhed.

Napangiti si Renz pero bago pa sya makaoo sa bata ay sumingit na si Jiya. "No, big boy. Daddy already fixed Green (Rhed's robot name) so you don't need to buy a new one."

"But mommy.." the cute kid started to protest but shut his mouth up as Jiya glared at him. Yumakap na lang ang bata kay Renz para makahanap ng kakampi. "Daddy, mommy's mad at me again." pagsusumbong pa nito.

Ginulo ni Renz ang buhok ng bata. "No baby, mommy's not mad. But you must put on your mind na kuripot si mommy." natatawang paliwanag ni Renz na dahilan ng pagsimangot ni Jiya.

"I'm not. I was just trying to tell him that he don't need a new robot." pagtatanggol ni Jiya sa sarili.

"Telling things with your eyes on fire scares our son to death." pigil ang ngiting wika ni Renz.

"Konyatan kita eh." Jiya rolled her eyeballs.

Natatawang iginiya ni Renz si Rhed sa Timezone. "Here baby, mag play ka na muna. Mommy and I will watch you."

"Okay daddy!" masiglang sagot ni Rhed na agad tumungo sa isang pambatang rides.

Inakbayan ni Renz ang asawa. "Babe, it's just a robot."

"Exactly! It's just a robot. He don't need a room full of robots."

"Eh sa yun ang hilig ng bata eh."

"Ini-spoil mo?"

"Nag-iisa naman." Renz grinned.

"What?" taas ang kilay pero bahagyang nakangiti si Jiya.

"Sundan na natin para hindi na maspoiled." hirit ni Renz na ngiting-ngiti.

Kinurot ni Jiya sa tagiliran ang asawa. "Babe, nasa labas tayo."

"I know right. " ani Renz na kinindatan ang asawa.

"Dahan-dahan big boy!" paalala ni Renz sa anak sa di kalayuan saka muling binalingan si Jiya. "Babe, sa C.R lang ako saglit."

"Ok. Kakain na tayo pagbalik mo ha? Gutom na ako eh." sagot ni Jiya.

Nilapitan ni Jiya ang anak ng makaalis si Renz para punasan ang pawis ng bata. Nilagyan nya ng towel ang likod nito pero sa sobrang likot ng bata ay nalaglag iyon. "Big boy.."

"Here.." anang isang pamilyar na boses na kasalukuyang may hawak ng towel na nailaglag ni Rhed.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Jiya in a slow motion causing her to spot every detail of the man's body in front of her. Ang tindig nitong akala mo ay hari.

"Hey, you!"

Lumipat ang paningin nya kay Rhed na biglang lumapit sa kanila at sinita yung lalake.

"I'm not doing anything bad young man, I just handed her this!" the guy chuckled.

Napalunok si Jiya ng laway nya at tila biglang nanlamig ang buong katawan nya. Hinablot nya ang towel mula sa kamay ng lalake at hinawakan ang kamay ni Rhed ng mahigpit, still without taking a glance at the man's face.

"Thank you." wika nya saka akmang tatalikod ng biglang may tumawag sa lalake.

"Mharky!"

This time ay deretso syang napatingin sa lalakeng nag-abot ng towel sa kanya kanina.

"Jiya?" kumunot ang noo ni Mharky pero agad ding napangiti. "Ikaw nga, I thought namamalikmata lang ako. Kumusta?"

Kumusta? Umalingawngaw sa utak ni Jiya ang way ng pagtanong ng lalake na para bang long-lost friend lang sila. Napatiim-bagang sya at tila gusto nya itong sampalin. "I'm fine!" anya saka ngumiti. "Excuse me." wika nya saka hinila si Rhed. Malalaki ang mga hakbang nya..

He's back!

He's back!

Mharky is back!

"Mommy, I'm still not done playing." reklamo ni Rhed.

Napatingin sya sa anak at bigla nya na lang itong niyakap.

"Mommy, what's wrong?" inosenteng tanong ng bata.

"Big boy, promise me you won't leave mommy and daddy." napapraning nyang wika.

"Mommy, i'm not going anywhere."

"Just promise me."

"I promise mommy. I love daddy and you."

"I love you too baby."

Unstable pa rin ang paghinga at tibok ng puso ni Jiya pero sigurado syang hindi iyon dahil sa may nararamdaman pa sya kay Mharky. Iyon ay dahil kay Rhed. Si Rhed. Ang anak nila ni Mharky. Dapat nya pa bang ipaalam ang tungkol sa anak nila? Paano kung kunin ito ni Mharky? Paano ang mararamdaman ni Renz kapag iparealize dito ni Mharky kung gaano katanga si Renz sa pag-ako ng anak nito?

Renz' parents know about Rhed's true identity and she knows that time will come na malalaman yun ni Rhed pero dapat nya pa bang ipaalam sa bata kung sino ang tunay nitong ama?

"Babe!"

Humiwalay si Jiya ng yakap sa anak at tumayo at hinarap si Renz na may pagtataka sa mukha.

"Pinahabol mo ba si mommy baby?" tanong nito sa bata na agad nagpakarga kay Renz.

"No." maikling sagot lang ng bata.

"Babe?" Renz eyed her.

She smiled and hugs him. "I told you earlier gutom na ako kaya lang ang tagal mo, so we decided to went out and look for you."

"Ganun ba? Sorry. May pila sa C.R." natatawang wika ni Renz at umakbay sa asawa. "Let's go, kakain na tayo."

"No." biglang tanggi ni Jiya. She don't have plans to stay any longer inside this mall knowing that Mharky is around.

"Akala ko ba gutom ka na?"

"Yeah but... I don't want to eat here. Pwede sa bahay na lang? I want you to cook for me." paglalambing ni Jiya.

Umarko ang kilay ni Renz pero agad ring ngumiti. "Ok babe, fine. Hindi ka na nagsawa sa luto ko?"


Jiya rolled her eyeballs. "I love you, what can I do?"

Nagsimula na silang maglakad papuntang parking lot habang karga pa rin ni Renz si Rhed sa kanang kamay at nakaakbay kay Jiya ang kaliwa while her right hand is wrapped around Renz's back.

Both of them are smiling widely pero biglang napawi ang ngiti ni Jiya ng masagi ng isang bahagi ng paningin nya ang isang lalakeng nakapwesto sa driver's seat ng isang sasakyan na nakabukas ang bintana.


It was Mharky.

And he was directly looking at their direction!

Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon