Chapter 17 - Can we be Friends?

265 33 6
                                    

Chapter 17 - Can we be Friends?

"Pasensya na kung naistorbo ang tulog mo. Hindi ko kaagad mapatahan eh." wika ni Renz na umiwas ng tingin sa kanya.

Naglakad ito papuntang kama saka naupo at akmang padidedein si Rhed sa hawak nitong babyron ng hawakan ni Jiya ang kamay ng asawa.

Nagtatakang napatingin si Renz kay Jiya. "Bakit?"

"Ako na." saad ni Jiya.

"Sure ka?" nag-aalangan pa rin si Renz.

Pero ng inabot ni Jiya ang dalawang braso ay ipinakarga na ni Renz sa asawa si Rhed.

Lalo itong nagulat ng i-breast feed ito ni Jiya. Napangiti ng bahagya si Renz. "Thank you." mahina nyang saad sa asawa ng tumahan na si Rhed.

Tahimik lang si Jiya kasi hindi nya alam kung ano ang sasabihin. 

"Gusto mo ba syang itabi matulog? Dito na kayo sa kama ko, babantayan ko kayo." hindi magkaugaga na wika ni Renz.

Ngumiti si Jiya at marahang inilapag si Rhed sa kama. She stared at her baby for a while. Iba ang tuwang naramdaman nya. "Pwede ba?" tanong nya ng bumaling kay Renz.

"Oo naman. You're the mother, remember?" nakangiting wika ni Renz saka kumuha ng ekstrang kumot at unan sa kabinet.

Akmang maglalatag na ito ng higaan sa sahig ng magsalita si Jiya. "Kasya naman yata tayo sa bed mo."

Bahagyang napanganga si Renz. "Oo, pero baka kasi di ka maging komportable kaya dito na ako. Ok lang naman."

"Wag na. Dito ka na rin." Nahiga na si Jiya sa left side ni Rhed. "Mas sanay si baby na ikaw ang katabi." dagdag nito.

Nagdiwang ang puso ni Renz. Hindi nya alam kung anong nakain ng asawa pero sobra-sobra ang pasasalamat nya mentally.

Nahiga si Renz sa right side ni Rhed. 'Buti na lang baby, umiyak ka. Naantig ang puso ni mommy.' napangiti si Renz sa naisip.

"Bukas pwede ka ng pumasok sa opisina Renz. Ako na ang bahala kay Rhed."  saad ni Jiya.

"Kaya mo na ba?" tanong ni Renz.

"Duh. I'm the mother. And thank you for making me realized na walang kasalanan si Rhed sa mga nangyari sa atin. Thank you for taking care of my son." si Jiya, medyo senti.

Gustong matawa ni Renz sa biglang pagbabago ni Jiya pero pinigilan nya ang sarili. He don't want to ruin the moment. "Anak ko rin sya." sagot nya.

Gustong maiyak ni Jiya sa narinig. Renz will always be the best guy on earth at siguro kung hindi nya nakilala si Mharky, hindi sana sila ganito ngayon. Dahil awa lang ang nararamdaman ni Jiya sa asawa as of now.

"You know what babe, andami kong plano for us. Pero syempre hanggang plans na lang yun." maya-maya ay wika ni Renz.

"Babe kung babalik na ba si Mharky, babalik ka na rin ba sa kanya?" tanong nito.

Hindi napigilan ni Jiya ang pagtulo ng mga luha. Puno kasi ng hinanakit ang boses ni Renz. Pero ipokrita sya kung sasabihin nyang hindi nya na gustong bumalik kay Mharky dahil sa totoo lang, hindi nya alam ang gagawin just in case. "Kahit naman hindi ako mabuting tao, alam ko naman ang do's and don'ts ko. I'm a married woman Renz."

"Sorry huh. Pero alam ko namang hindi ka masaya sa piling ko. Kaya kung gusto mong magfile ng annulment, makikipagcooperate na ako."

Doble ang gulat ni Jiya sa sinabi ni Renz. Bigla syang napabangon pero hindi nakapagsalita.

"Pero may request ako sakaling maghiwalay tayo."

Napatitig si Jiya kay Renz, hindi pa rin makapagsalita.

"Can I get the child's custody? Favor mo na lang sa akin. Saka promise, aalagaan ko at papalakihin ng tama si Rhed. A-ayaw ko kasing tumandang mag-isa. Mabuti ka, may iba kang mahal at mahal ka rin. Ako, I don't have anything kasi ang puso ko hindi na 'to titibok ulit pag nawala ka." nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Renz.

"Bakit kasi tayo umabot sa ganito? Renz galit na galit ako sayo dahil pinilit mo akong makasal sayo without giving me the chance to have a closure with Mharky at hindi ko alam kung anong level na ang hinanakit ko sayo dahil sa totoo lang, napakabuti mong tao and I want to give you a chance. Pero wala eh, Mharky still has the place in my heart kahit sinaktan nya ako. Sana lang kasi, hinayaan mo muna ako na maayos ang sarili kong problema kesa sa sinalo mo lahat-lahat para lang makasama ako. Ang unfair mo kasi!" sumbat ni Jiya.

"Sorry kung naging sobrang selfish ako Ji. Sobrang mahal lang kita." yun lang ang nasabi ni Renz.

"Kung magfile ako ng annulment, alangan namang magsinungaling lang ako to give the court a reason." si Jiya.

"E di gagawa ako ng kasalanan so the court will grant it." parang tangang sagot ni Renz.

"Ang ewan mo talaga eh, nuh? Matulog na nga muna tayo." iwas ni Jiya. Hindi nya alam kung bakit may takot syang naramadaman sa mga sinasabi ni Renz. Takot ba syang mawala ito? Wasn't she's suppose to be happy that finally Renz wanted to let her go?

"That's the least that I could do para makabawi sayo." si Renz.

"Eh ako Renz, paano akong makakabawi sayo? Ilang beses kitang nasaktan at patuloy na sinasaktan."

Napaisip si Renz.

Saka napabangon at humarap kay Jiya.

He offered his hand to her. "Can we be friends?"

Saglit na tinitigan ni Jiya ang kamay ng asawa.

It's funny how a husband ask his very own wife to be friends with him.

Inabot yun ni Jiya. "You are both my best friend and my lover Renz. At pag nawala ka sa akin, I don't know kung alin dun ang mas mamimiss ko."

"Pwede naman akong manatili sayo eh." sagot ni Renz.

"But I don't deserve you. Hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal mo." nahihiyang sagot ni Jiya.

"You deserve me Jiya. You need someone like me. Believe me, hindi kita pipilitin na mahalin mo ako agad-agad. But we could take one step at a time. Just give me a chance. Please?" nakikiusap ang mga mata ni Renz.

"What if, wala pa rin Renz?"

"Then I'll let you go. I-ibabalik kita sa kanya." Renz voice cracked.

Ibabalik nya si Jiya? Saan galing ang ideyang yun?

Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon