Part 13.1 - This is not a Good Joke!
"Good morning!" nakangiting bati ni Renz sa asawa saka inioff ang TV. 10:00 am na pero kakagising lang ni Jiya. Buryong na nga si Renz dahil tapos nya na lahat ng dapat gawin kaya nanood na lang sya. 6:00 am pa sya nagising para magluto ng almusal nila pero hindi din pala babangon ng maaga si Jiya.
Jiya just rolled her eyeballs saka tumungo sa kusina.
"Wait lang huh, iinitin ko na muna ang ulam at malamig na. Antagal mo kayang magising." ani Renz na nakasunod kay Jiya.
Sinimangutan lang sya neto saka dire-diretsong naupo sa dining table.
Hinayaan nya na lang ito. Hayyysss... naisip ni Renz na ilang weeks pa bago sya papasok ulit sa trabaho dahil one month syang nakaleave, mamamatay na yata sya sa sobrang boring nyang buhay. Pero ok lang. At least, magkasama sila ni Jiya sa iisang bubong, enough reason to forget all the boredom.
He was putting the last set of food when their landline phone rings.
Sya na ang tumungo dun saka sinagot.
"Vi--"
"Jiya!" hindi pa sya natapos sa sasabihin nya ay tumili na ang nasa kabilang linya.
"Hey, this is Renz. Who's on the line please?"
"Oh sorry. Hi Renz! This is Beatrice, Jiya's friend remember? Can I talk to her?"
"Oh sorry, can you call again later? She's ---"
"I'll take that.." singit ni Jiya na nasa tabi na pala ni Renz.
"Uhm. She's here na pala."
Iniabot ni Renz ang phone kay Jiya.
Iniwan nya na ito sa sala at hinintay na lang sa kitchen. After 10 minutes pa bago ito bumalik.
Nagsimula na silang kumain. Di rin umiimik si Renz dahil seriously, gutom sya.
Nanibago naman si Jiya dahil nung nasa hotel sila, twing kumakain ay ang ingay nito. "Naubusan ka na ng sasabihin?"
Tumingin lang si Renz kay Jiya, still not saying a word.
"May kausap ba ako?" asar na tanong ni Jiya then glared at Renz.
Naalarma naman si Renz kaya agad uminom ng tubig saka nagsalita, "Sorry naman, gutom lang ako."
"Whatever." Jiya rolled her eyeballs again. She loves rolling her eyeballs these days haha.
Renz also rolled his eyeballs awkwardly, imitating Jiya. "Trade mark mo yang pag-ikot ng eyeballs mo haha." tumawa si Renz.
Si Jiya kahit na natatawa na ay inirapan lang si Renz.
Napangiti si Renz. He feels like rolling his eyeballs forever para palaging matatawa si Jiya. Renz chuckles with the thought.
"May pupuntahan pala ako mamaya." si Jiya. Nakaupo pa rin ito habang naghuhugas ng plato si Renz.
Tinapos ni Renz ang ginagawa saka naupo sa upuan malapit kay Jiya. "Saan?"
"Mall. Kasama si Beatrice. Ok lang naman sayo diba?"
Tumango si Renz. "Ok lang. Anong oras ka aalis?"
"Susunduin nya ako before 12:00, sa labas na kami maglalunch."
Napasimangot si Renz pero agad ding pinasaya ang expression. "Ok. Text me kung pauwi ka na, I'll pick you up."
"No need. Magpapahatid na ako kay Beatrice." Tumayo na si Jiya at umakyat sa taas ng di man lang nagpaalam kay Renz.
Napailing si Renz na sinundan si Jiya ng tingin. Plano nya pa naman sanang yayain itong kumain sa labas for lunch pero wala eh. Alangang di nya ito payagan? Magpaplan na lang sya ng for dinner, nakauwi na rin siguro ito by dinner time.
Kakausapin nya na lang muna ang sarili maghapon. Ugh. It never cross his mind na ganito ang magiging married life nya.
Pero umaasa pa rin sya na dumating yung time na, magiging ok din ang lahat. Tiwala lang.
____
Lahat na ng pwedeng gawin sa bahay ay ginawa na ni Renz to keep himself busy. Nakailang text sya kay Jiya pero hindi naman ito nagrireply kaya hinayaan nya na.
Mga 6:00 PM ng tinawagan nya ito dahil hindi pa rin nakakauwi at nag-aalala na siya. Imposible din kasing nagsashopping pa rin ito. One year nya ding naging girlfriend si Jiya before Mharky entered the picture. Ugh, enough of Mharky the monkey . So one year nga, at alam nyang di ito mahilig magshopping.
Nakailang dial na sya ay hindi pa rin ito sumasagot.
Naghintay pa sya ng isang oras pero hindi pa rin nagpaparamdam si Jiya.
Biglang kinabahan si Renz, di nya alam kung bakit.
Hinanap nya sa Directory ang no. sa bahay nila Beatrice at tinawagan nya.
"Jiya!" lalong kinabahan si Renz.
"Bea, si Renz 'to. Si Jiya kasama mo ba?"
"What? We just ate lunch. Pinauna nya akong umuwi kasi susunduin mo naman daw sya." gulat na bulalas ng kausap nya.
"Paanong ---" nabitawan ni Renz ang phone. Tila bigla syang nawalan ng lakas.
Isa lang ang nasa isip nya.
Jiya left!
Iniwan sya nito!
"No--." Ayaw nyang tanggapin ang iniisip.
But what if she really run away from him?
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
De TodoMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...