(Dedicated to Awezomiikerbii na hindi nakakalimot magvote at magcomment from Facebook hanggang dito. Thank you :)Chapter 21.1 - The End?
Sa pagmamahal, kapag sobra na ang sakit na nararamdaman mo- darating ka sa point na mapapagod ka.
At sa ngayon ay sobrang pagod na ang puso ni Renz. He was so tired na parang gusto nya ng tapusin ang buhay nya.
But NO. Hindi sya ganun kapraning para gawin yun. Natulog sya that night ng buo na ang desisyong bigyan ng break ang sarili nya sa pagpapakatanga.
_
The next morning ay nagising si Jiya ng wala na si Renz at wala ring nakalutong pagkain.
Nag-iwan lang ito ng pera.
Sa inis nya ay hinintay nya ang asawa na dumating pero lalo lang syang nabwisit ng around 11:00 PM na ito dumating at nakainom pa.
"At kelan ka pa natutong umuwi ng ganitong oras?" salubong nyang tanong.
He laughed huskily. "At kelan ka pa natutong sitahin ang oras ng uwi ko?"
Saglit na natahimik si Jiya bago sumagot. "Hindi mo 'to dating ginagawa Renz."
"Bakit ba, eh wala namang may paki! Baka nga kung hindi na ako uuwi baka mas mapasaya pa kita eh." saad nito in a pained voice.
Natahimik si Jiya.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong ni Renz.
"I hate you!" asar na sagot ni Jiya.
Muling natawa si Renz. "What's new with that? You hate me every single day naman eh."
Natahimik ulit si Jiya.
"But you know what? Kapag ginawa ko sayo ang mga nagawa mo sakin, you will hate me more. And if I let you feel how much pain you've gave me, you would never be able to look me in the eye again." puno ng hinanakit na wika ni Renz.
He then turn his back and go upstairs, leaving Jiya dumbfounded.
_
The whole night na hindi nakatulog si Jiya dahil sa mga huling sinabi ni Renz.
Not just that because she also cried the whole night.
She don't know kung bakit sya nasaktan sa mga sinabi ni Renz.
Or maybe, just maybe she knew the reason why but she's too scared to admit it.
Kaya naisipan nyang bumawi kay Renz the next day.
She woke up early and for the second time in forever, she cooked for their breakfast. She readied it at the table before she decided na tawagin ang asawa pero pababa na rin ito at nakabihis na.
"Magbreak fast ka na." she invited him pero pormal lang ang mukha dahil ayaw nyang bigyan yun ng lalake ng kahulugan.
"Hindi na. Sa office na ako kakain. Sige. Ingat kayo dito, kiss Rhed for me and just text or call me in case you need something." sagot nito saka nagmamadali ng umalis.
Nanlulumo si Jiya na naiwan ulit.
She felt pain again but she never mind it.
Kumain syang mag-isa at inasikaso na lang ang anak. Ng makatulog si Rhed ay pinagdiskitahan nya ang maglinis ng bahay, hoping that Renz would appreciate it.
She still can't admit the reason why she needs an appreciation from Renz.
Mas maaga ng umuwi si Renz pero dinaanan lang sya nito at ni ha o ho ay wala syang narinig mula sa asawa.
Jiya realized na malalim na ang sama ng loob ng asawa when two weeks pass by at halos hindi sya nito kinakausap.
Kay Rhed naman ay wala itong pagbabago. Renz always make it sure na ok ang baby kahit sa kanya na tumatabi ang anak nya.
Nagsisimula nya ng mamiss nun ang dating Renz pero ayaw nyang ibaba ang pride kaya hinayaan nya lang ito.
Ang importante ay umuuwi ito araw-araw.
Para lang silang mga deafs and mutes na nagsasama sa isang bahay pero nagtititigan lang.
Kapag day off ni Renz, he just spend the whole day to take care of Rhed.
At habang lumilipas ang mga araw, linggo hanggang naging months na ganun si Renz ay si Jiya na ang nakaramdam ng sakit sa puso dahil sa pambabalewala ng asawa.
Matagal bago natanggap ni Jiya sa sarili na sya ang nahihirapan sa sitwasyon dahil ang inakala nyang makakalimutan nya ang kunting love na bumabalik ng panahong kinikulit sya ni Renz almost everyday ay kabaligtaran ang nangyari.
Dahil mas narealized nyang mahal nya pala si Renz ngayong lumalayo ito.
Isang linggo nyang pinag-isipan para kausapin ang asawa.
Pero nagulat sya ng araw rin na balak nya itong kausapin ay divorce paper ang sumalubong sa kanya first thing in the morning.
Ihinatid iyon ng attorney ng family Villarama.
"Anong ibig sabihin nito?" naiiyak na tanong ni Jiya.
"For the past 2 months, ito ang inaasikaso ng asawa mo, don't tell me you don't know about this? Matagal mo na raw itong hinihingi and it was granted yesterday at pirma mo na lang ang kelangan to make your marriage null and void."
(A/N: I don't know anything about Annulment and I don't bother to research about it haha. Isipin nyo na lang po that what's written here is true.)
"Pumasok po muna kayo atty. Aakyat lang ako para kausapin ang asawa ko."
"You also don't know?" gulat na tanong ng attorney.
"Ano pa pong di ko alam attorney?" kinakabahang tanong ni Jiya.
"Mr. Villarama left this morning. 4:00 ang flight nya kanina paalis ng bansa." sagot ng Atty.
"What?" nanlaki ang mga mata ni Jiya. Maya-maya ay nanghina sya at napaupo habang umiiyak.
"Ok lang po kayo Mrs. Villarama?" nag-aalalang tanong ng tagapagtanggol.
"I'm fine. You can leave now. Thank you for the information."
Inilapag ng Atty. ang mga dala nitong papel saka umalis na.
Napahagulhol sya ng iyak ng mapag-isa.
Is this the end?
She can't help but cursed herself dahil kung pinahalagahan nya ang asawa ay hindi mangyayari 'to.
She cried and cried some more.
Pero ng mahimasmasan ay pinuntahan nya ang kwarto ng asawa.
Naka-on ang laptop nito at may camera na nakaset-up sa loob ng kwarto.
Pinakialaman nya na yun hoping that her husband left some message to explain everything.
And right, Renz left a video message.
Nanginginig ang buong katawan nya after she hits the play button to watch it.
Note: I divided the Chapter in two parts para may kunting echoss haha. So yeah. Next part will be what's on the video. Let us listen to Renz's side and cry our hearts out. Haha ano raw? Basta yun na yun . :D
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
RandomMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...