Chapter 13.2
Bago pa magpanic ng husto at mawala sa sarili ay lumabas na si Renz para umalis. He decided to go sa bahay nila Jiya.
"Bro, what's up?" salubong na bati ni Jasper.
Hindi alam ni Renz pero bigla yung galit na naramdaman nya. Parang bigla nya kasing naisip na, tinatago ng mga ito si Jiya. Ginamit sya ng mga ito!
"Where's Jiya?" tanong nya, looking at no one in particular.
"What?" gulat na react ng mag-asawa at ng kaibigan nya.
"Of course you know what I am talking about right? Siguro nga uto-uto ako dahil hindi ko naisip na magagawa nyo sa akin 'to!" galit si Renz and at the same time is in pain with the thought that these people are helping Jiya out to run away from him. Parang after all the favors he did for the whole family ay ganito pala ang igaganti nila. Hindi sya nanunumbat, nasasaktan lang sya ng sobra. As in sobra-sobra.
"Bro, ano bang sinasabi mo?" si Jasper na nanatiling kalmado.
"Ilabas nyo si Jiya!"
"Teka--"
"What? Bakit ba kelangan nyo syang itago? Anong klase kayong tao? *hinarap ni Renz si Mr. Reyes who is not still in with the moment* At least be a man! You know and witnessed how I love your daughter right? Bakit nyo sa tinutulungang lumayo sakin?" mataas at puno ng galit ang boses ni Renz, causing the old man to feel insulted.
Then out of the blue, Mr. Reyes gave Renz a hard punched.
"Gago ka pala eh! Susugod ka dito and seriously asking where is Jiya? Ikaw ang asawa, at wala ka namang ginagawa sa ngayon hindi mo pa nabantayan ang asawa mo? Tapos dito mo hahanapin? What the hell Villarama? You just made me realized na sana hindi ko ipinagkatiwala ang anak ko sayo!"
"Hon, calm down." si Mrs. Reyes na kinakalma ang asawa. Saka nito hinarap si Renz. "Renz , wala dito si Jiya. Mali ang iniisip mo."
Pinahid ni Renz ang dugo sa gilid ng labi nya saka tumingin sa mag-asawa. "Pasensya na po. And please, kung pumunta dito si Jiya, let me know." nagsimula na syang tumalikod.
Nakailang hakbang na sya ng magsalita ulit si Mrs. Reyes, "Renz, I want you to know na, pumayag kami na ikasal si Jiya sayo hindi lang dahil sa kumpanya, kundi dahil we TRUST YOU at alam namin na you'll be the best partner of Jiya for life. And we are so disappointed of what you thought about us."
Naiyak na si Renz.
"Dad, maghahanap na rin ako kay Jiya." si Jasper na mas nauna pang lumabas ng bahay kesa kay Renz na mabibigat ang mga hakbang.
Nung nasa loob na sya ng kotse nya ay nag drive sya ng walang direksyon.
Walang direksyon. Parang buhay nya ngayon. Walang kasiguraduhan. Awang-awa sya sarili nya. Hindi nya inakalang unti-unti na syang pinapatay ng dahil sa pagmamahal.
While Jiya on the other hand was laughing like there's no tomorrow. She's on a bar with some friends at nagsisimula ng tumagay.
"Ang galing mo kanina umakting friend, paniwalang-paniwala ang mister ko na di mo alam kung nasaan ako." tumawa si Jiya.
Oo. nandun sya ng tumawag kanina si Renz. That was before she asked Beatrice to go in a bar and here they are.
"Ang mahirap lang kung si Bea ang mapagbuntunan ng galit nun." wika ni Jen, kaibigan din nila.
"Oo nga Jiya, tawagan ko na kaya si Renz at ipaalam kung nasaan ka?" si Beatrice.
Tila nakunsensya na si Bea.
"Sus, hayaan mo yun. Di naman magagalit yun. Mahal ako nun."
"Sabi mo yan."
Kaya nag-inuman na silang magkakaibigan. Si Jiya ay walang pakialam sa kalagayan nya. Gusto nyang lunurin ang sarili nya sa alak. Hanggang ngayon hindi nya pa rin matanggap ang ginawa ng pamilya nya at ni Mharky. Naisip nya kung paano nyang minahal ang mga ito pero mas pinili pa ng mga ito ang iwan sya. And now she's with Renz! Damn the guy! At tulad ng isinumpa nya dati, she will make him suffer.
10:00 PM
Si Renz ay di na alam ang gagawin ng mga oras na yun. Natawagan nya na lahat ng kakilala na posibleng puntahan ni Jiya but still no sign of her. Maya-maya ay nagring ang phone nya.
It's Jasper.
"Bro, I think she's in a bar." salubong neto.
"In a bar?" lalong nag-alala si Renz. Minsang napainom si Jiya dati at alam nyang mababa ang tolerance nito sa alak.
"Yup. I called her and she accidentally hit the answer button. And with the boom boom music and the noise in the background, I guesss she's in a bar."
Nasapo ni Renz ang ulo.
"Bro, ang laki ng Maynila. There are lots of bar and --"
Saktong napadaan sa Tiki Resto. If he's not mistaken pag-aari iyon ng pamilya nila Beatrice. Dito rin unang nalasing si Jiya, and that was the time na nanlalamig na ito sa relasyon nila.
"Bro, I think I found her. I'll call you later. And thanks bro."
Renz parked his car on the designated space. He then got out and pumasok sa loob ng bar. And he was right! Agad nyang nakita si Jiya dahil sa counter ang mga ito nakapwesto.
Si Bea ay nagulat ng makita sya. Agad din itong namutla.
"Let's go home Jiya." anya ng makalapit sa asawa.
"Renz, sorry about kanina." si Bea.
"I'm so disappointed Bea. Hindi mo ba alam na buntis ang asawa ko? Paano kung may masamang mangyari sa kanya ng hindi ko alam?" galit nyang bulyaw sa kaibigan ng asawa. Wala na syang paki sa mga nakakarinig.
Inalalayan nya na si Jiya pero bigla sya nitong itinulak. "Don't blame my friend. Ako naman ang may kasalan and I'm fine see?" pero halatang lasing na lasing na ito dahil pagiwang-giwang ang pagtayo nito at muntik na itong matumba kung di nya nasalo.
"Lasing ka na eh. Let's go home." Yumakap si Jiya sa kanya saka ito patawa-tawang humarap sa mga kaibigan. "Una na ako." paalam nito.
"Pasensya na ulit Renz, I did'nt know she's pregnant." si Bea.
Biglang tumawa si Jiya. "Yun ba friend, don't worry. Kahit naman may mangyari dito *hinawakan ni Jiya ang tiyan* wala syang paki dun. Eh di nya 'to anak eh."
Napanganga ang mga kaibigan nito.
Si Renz ay nagulat and at the same time ay hindi alam ang gagawin. Jiya hits the nerve!
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
RandomMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...