Chapter 33

90 6 5
                                    

Chapter 33 -

After one month...

Ilang minuto ng kapwa tahimik ang mag-asawa habang nasa veranda ng kanilang bahay at nakatingin sa busy na kalsada ng kamaynilaan sa gabi. Buwan na rin pala ang nakalipas simula ng madisgrasya si Jiya at ang pag-amin ni Renz sa nagawa nila ni Ella. Nagkaharap na rin ang dalawang lalake-- sila Renz at Mharky at alam na ng huli ang tungkol sa anak nito kay Jiya. Hindi naman nanggulo si Mharky, ang gusto lang nito ay ang wag sana itong pagbawalang malapitan ang anak dahil gusto rin nitong makabawi. Naging mahirap ang pagpaunawa nila kay Rhed pero alam naman nilang sa tamang panahon ay unti-unti ring magiging ok ang lahat. Isa lang ang hindi alam ni Renz sa kasalukuyan at iyon ay ang pagsasama nila ni Jiya. Hindi sya nito kinakausap at madalas ay nakikita nya itong umiiyak na lang sa isang tabi at isang himala para kay Renz itong moment na sinabi ni Jiya sa kanya na kelangan nilang mag-usap.

"Tama sila, ang mga bagay na nagsimula sa mali ay mahirap ng itama." basag ni Jiya sa katahimikan at tila nabasag ring bote ang dating ng boses ni Jiya sa pandinig ni Renz dahil tila hindi maganda ang punto ni Jiya.

"May mga bagay, tao at pangyayaring kahit pilit mong kakalimutan ay patuloy pa ring ipapaalala sayo ng mga pagkakataong di mo inaasahan." patuloy ni Jiya habang sa highway pa rin nakatingin, ni hindi ito nag-aksayang sulyapan si Renz na ngayon ay titig na titig sa kanya.

"Alam ng Diyos at araw-araw kong ipinagdarasal na turuan nya akong makalimot at magpatawad. Gusto kong buksan ang puso ko and believe me, Renz..." this time ay tumingin si Jiya sa kanya. "gusto kong maging ok tayo. Gusto kong mag-move on sa lahat ng sakit na naidulot ng mga nangyari pero hindi ko pala kayang gawin yun habang nakikita ko ang mga pwedeng makapagpaalala sa akin." halata ang pag-nginig sa boses ni Jiya.

"I'm sorry for being one of those reminders..." apologetic na wika ni Renz na hinawakan ang kamay ng asawa.

"Please stop saying sorry. Para kasing lalo mo lang ipinapaalala sa akin na dapat talaga kitang sisihin sa lahat ng ito. Pero alam ko naman eh, aminado naman akong ako rin naman talaga ang puno't dulo ng lahat pero diba Renz pinilit ko namang magbago? No, mali. I never force myself dahil natagpuan ko na lang ang sarili kong nagbago na. M-minahal kita ulit. Nahulog ako sayo ulit. Renz totoo lahat ng yun pero bakit hindi mo kayang paniwalaan?" garalgal at puno ng hinanakit ang boses ni Jiya at nagsimula na rin itong umiyak. "Habang sinasaktan mo ako dahil sa maling iniisip mo sa akin ay isinasaksak ko na lang sa kukote ko na, I deserved all the pains kasi ginawa ko rin yun sayo. Gusto kong tumbasan ang mga naibigay mo. Gusto kong tapatan ang kakayahan mong magtiis ng panahong ako ang nananakit pero lumagpas ka sa limitasyon eh. Ikaw pala ang kayang gumawa ng ibinibentang mo sa akin.. ang hirap na tuloy paniwalaan ngayon na mahal mo talaga ako, na kaya mo akong panindigan hanggang sa dulo, na..."

"Babe, tama na.. please tama na.." umiiyak na niyakap ni Renz ng asawa. "Nagkamali ako oo pero ako pa rin 'to. Ang taong nagmahal, nagmamahal at patuloy na magmamahal sayo."

Inilayo ni Jiya ang sarili. "Sinasabi mo lang yan dahil ako ang kaharap mo at nadadala ka ng emosyong kumukonekta sa akin. Pero alam mong kaya mo akong palitan dahil may babaeng mas higit pa sa akin..."

"Hindi totoo yan, I never see anyone better than you." his voice was full of conviction.

"Pero diba nambabae ka? Renz ipinamukha mo na sa akin na may pwedeng lumamang sa akin!" mariin ngunit may pilit na hinahon ang boses ni Jiya.

Ang paghikbi lang ni Renz ang naging sagot nya kasabay ng pagluhod nya sa harapan ni Jiya.

"Tumayo ka dyan, hindi mo kelangang lumuhod sa isang katulad ko lang."

Hindi nakinig si Renz, nanatili itong nakaluhod sa harap ng asawa habang walang ampat ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Pangako, hindi na mauulit ang lahat. From this day on.."

Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon