Chapter 16 - Jiya's Realization

236 36 7
                                    

Chapter 16 : JIYA's REALIZATION

Never expect too much. The higher the expectation, the bigger the disappointment.

Napailing si Renz. Sobra ba siyang nag expect that Jiya will love him back again?

Bakit ba hindi sya nito maappreciate?

Bakit ba ang tigas ng puso nito?

Bakit ba ayaw nitong buksan ulit ang puso para sa kanya?

Andaming tanong sa puso't isipan ni Renz. Pero maging sya, hindi nya alam ang sagot.

At siguro nga, hindi na sya dapat umasa.

He drink the last glass of brandy saka tumungo sa kwarto.

He looks at the child inside the crib."You know what Rhed, I'm praying na sana you will grow up ng hindi na kami ganito ng mommy mo. I don't want you to witness all the shits we're having. I want you to grow up in a normal family."

Sandali syang natahimik bago nagpatuloy. "Pero sorry huh? Mukhang malabo eh. I can feel it. One of these days, Jiya will leave. It's either isasama ka nya or iiwan ka nya sa akin. Mas ok kung iwan ka nya, para naman may makasama ako diba? Pero mas ok kung mag-stay ang mom mo. Your mom. She's my life. She's my everything. Pero kelangan kong tanggapin na hindi kami magkakaroon ng Happy ending. Iba ang mahal ng mommy mo eh."

Tumulo ang mga luha ni Renz. He must be crazy now. Haha. Eh sino ba namang matino ang magsisenti sa harap ng sanggol?

"Hey Rhed. Sana paglaki mo, ako ang mas mahal mo kesa dun sa totoong ama mo. Total ako naman ang mas naunang nagmahal sayo. Please, wag mong gagayahin ang mommy mo?"

Renz is totally out of his mind. Maybe because of too much pain he was feeling inside.

Inayos nya ang higaan ng bata saka nahiga sa kama malapit dun, for him to hear kapag umiyak ito.

Natawa sya sa sarili nya. Two weeks na syang nakaleave sa trabaho to take care of the baby. Thanks to Google huh, at least alam nya kung paano mapalaking healthy ang baby without his mother's care.

Naisip nga nya, kung sa ibang lalake kaya gagawin din ang ginagawa nya? Oo siguro, sa totoong nagmamahal. Hindi nya iniisip na sobrang tanga nya. Inisip nya na lang that he was doing was what normal people usually do. After all, this kid don't know what's going on with his and Jiya's married life.

Mariing pumikit si Renz. But before oblivion hits him, he prayed that Jiya would realize her wrongdoings before it's too late.


On the other hand, Jiya is lying inside her room with her eyes staring at the ceiling.

Nanggaling sya kanina sa kwarto ni Renz at narinig nya ang parang tangang pakikipag-usap ng asawa sa baby nya.

Matagal syang nakatayo sa pinto kanina at sa di malamang dahilan ay tumulo ang luha nya.

Mahal nya ang anak nya. At kaya nya nasabi ang sa hospital dahil gusto nyang sukatin kung hanggang saan si Renz. At akala nya, susuko na ito. But she was wrong. Oo, nagalit ito ng sobra. Pero sinunod nito ang gusto nya. Akala nya pa nga kukuha ito ng yaya to take care of Rhed pero ito mismo ang personal na nag-alaga.

Naalala nya pa ng minsang dumalaw ang kuya Jasper nya at nakinig sya sa pag-uusap ng mga ito.

Galit na galit noon na dumating ang kuya nya at kinompronta sya.

"Anong klaseng ina ka Jiya? If you can't be a good wife to your husband at least be a mother to your child!" bulyaw ni Jasper.

"Oh kuya, nagsumbong sayo ang bestfriend mo?" nakasimangot kong tanong.

"Hindi ko kelangang magtanong Jiya dahil nakikita ko naman! Alam mo, dapat nga magpasalamat ka at pinagtityagaan ka ni Renz eh! Dahil kung ako ang nasa katayuan nya, tang-ina papatayin na lang kita sa kahayupan mo!" galit na dinuro sya ng kapatid. Nanginig sya nun sa takot. Kung kay Renz, kahit lamok ayaw syang padapuan, mukhang sa kuya nya ay di uubra ang kagagahan nya.

Good thing dumating nun si Renz. Umalis sya sa harapan ng mga ito pero hindi lumayo. She intentionally listen on their conversation.

"Bro, hindi mo na dapat pinagalitan ang kapatid mo." mahinahong simula ni Renz.

"Ang mahirap sayo bro masyado kang nagpapaunder kay Jiya." sagot ni Jasper.

"Mahal ko eh. Bro, pag nagmahal ka na balewala na ang pain and sacrifices." si Renz.

Tumawa si Jasper. "Bro, mahal ko ang girlfriend ko ngayon at alam ko kung paanong magmahal ang normal na tao. Pero ikaw, abnormal ka eh. Ginawa ka pang yaya ng asawa mo."

"Hindi ko naman pwedeng idamay ang bata. Sige na bro." balewalang sagot ni Renz.

Jiya sigh with the memory.

It made her cry more. Anong klaseng ina nga sya? Napakawalang kwenta nya.

Oo, hindi nya mahal si Renz pero hindi na tama ang ginagawa nya.

Pero teka? Hindi na nga ba nya ito kayang mahalin o hindi nya lang binibigyan ng chance si Renz na makapasok ulit sa puso nya?

Bakit nga ba sya umaasa pa sa pagbabalik ni Mharky?

Pinunasan ni Jiya ang mga luha.

Then she heard the baby's cry from the other room.

Bumangon sya at kumatok sa kwarto ni Renz. Pinagbuksan sya nito habang karga-karga si Rhed.

Napalunok sya while staring at the helpless look of Renz. Nanikip ang dibdib nya. Paano nyang nagagawa 'to sa lalakeng walang ibang alam gawin kundi ang mahalin sya?


Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon