Chapter 29 - Renz's Other Side

66 9 1
                                    

Chapter 29 - Renz's Other Side

Ayaw rumehistro sa utak ni Jiya ang mga narinig mula kay Renz nung una pero ng maunawaan nya ang nais nitong iparating ay namalayan nya na lang ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha nya. Pero hindi nya maintindihan kung bakit kaya ng makakuha sya ng lakas ng loob para makapagsalita ay sinamantala nya iyon. "But why? What's going on with you babe? With us? Wala naman tayong problema diba? Ok naman tayo ah. At kung meron man, pwede ba pag-usapan muna natin?"

Tumawa ng mapakla si Renz at napailing. "Akala ko din nga eh, ok tayo. Akala ko ok na tayo. And really Jiya, pag-usapan? Ano pa bang dapat pag-usapan? Pagkatapos kitang balikan at pagkatiwalaan muli ganito pa rin ang igaganti mo sa akin? Anong klaseng tao ka?" nagbabaga sa galit ang mga mata ni Renz at sa tanang buhay ni Jiya ay ngayon lang nakitang ganito ang asawa.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan eh, anong--"

"Sinungaling at manloloko ka! Yun! Yun ang problema!" sigaw ni Renz na nilapitan si Jiya at hinawakan ng napakahigpit sa mga balikat saka sinalubong ang mga titig nito. "Narinig mo ako? NAPAKASINUNGALUNG MO! Ano? Kelan pa kayo nagkikita ng lalake mo? Magkakabalikan na kayo?"

"Renz ano ba? Nasasaktan ako!" impit ang iyak at boses ni Jiya at naramdaman nya ang pagluwag ng hawak ni Renz sa kanya. "Wala akong lalake!"

Patulak syang binitiwan ni Renz kaya napaupo sya sa kama. Napasabunot si Renz sa sariling buhok. "Kitang-kita ng mga mata ko Jiya! Nakipagkita ka kay Mharky!"

Napanganga si Jiya sa narinig. "Yun lang Renz? Nakipagkita lang ako sa kanya..."

"So, inamin mo rin? P*t*ng-*n* Jiya! May asawa kang tao tapos makikipagkita ka sa ex mo ng wala akong alam? Kelan nyo pa ito ginagawa? Ano? Kelan mo pa ako tinataehan sa ulo? Bakit mo 'to ginagawa? Dahil mas magaling sya sa kama? Dahil sya ang mahal mo?" Punong-puno ng hinanakit at galit ang boses ni Renz at tuluyan na itong nilamon ng nararamdaman kaya wala itong pakialam sa mga masasakit na salitang binibitawan nito para kay Jiya.

"Renz maniwala ka mali lahat ng iniisip mo! Ikaw ang mahal ko, maniwala ka! Renz wag namang ganito, pakinggan mo naman muna ako. Oo, alam kong may insecurities pa rin dyan sa puso at alam kong hindi buo ang tiwala mo sa akin dahil hindi ikaw ang nakauna sa akin. Oo alam ko rin na ilang beses na kitang nasaktan dati pero dati yun. Iba na ngayon Renz at kaya ako nakipagkita sa kanya ---"

"Stop!" Renz cut her off. "Tama na Jiya. Ayaw ko ng marinig yang iimbentuhin mong kwento. Umalis ka na lang."

"Renz, please..." tumayo si Jiya at nilapitan ang asawa saka ito niyakap. "Let me explain first..."

"Wala na Jiya. Ayaw ko na. Suko na ako." tinanggal nito ang pagkakayakap nya. "Susunduin ko na si Rhed. Ayaw ko ng maabutan ka namin dito. At please lang, ayaw kitang makita. Dahil baka hindi ko na makontrol Jiya. Baka mapagbuhatan pa kita ng kamay. Sobra ka na kasi. Sinagad mo ako." nagsimula ng tumalikod si Renz.

Gustong magprotesta ni Jiya. Gusto nyang makiusap dito pero natatakot siya. Ngayon nya lang nakita ang ganitong side ni Renz at alam nyang hindi talaga ito makikinig sa kanya. Napatingin sya sa mga gamit nya na nakakalat. Nagsimula syang iligpit yun pero sa halip na sa maleta katulad ng gusto ni Renz ay ibinalik nya ang mga iyon sa closet. Naisip nya na kung aalis sya ay lalabas lang na guilty sya. Wala naman syang ginawang masama kaya mananatili sya. At kung sasaktan sya ni Renz physically? Siguro deserved nya lang yun dahil totoo namang nagsinungaling sya. Itinago nya ang tungkol kay Mharky.

__

"Daddy, are you ok? Your eyes are red." tanong ni Rhed kay Renz. They are heading home. 7:00pm na. Sinadya nyang magpagabi para inaantok na si Rhed at matutulog na lang pagdating. Ayaw nya munang mag-explain ngayon sa bata kung bakit wala ang mommy nito.

"Napuwing lang ako nak." isang pagsisinungaling na paulit-ulit na nababasa sa mga pocketbook at napapanood sa T.V. kapag ayaw ipaalam ng isang indibidwal ang kahinaan nito at mukhang nagwork naman iyon kay Rhed.

Ilang saglit pa ay nakatulog na ito. Ilang ulit syang napahinga ng malalim ng nasa tapat na sya ng gate ng bahay nila. Bumusina sya only to realized his foolishness. Dapat na pala syang masanay na wala ng Jiya na magbubukas ng gate kapag dumarating sya. Wala na ito. Malamang sumama na sa lalake nya. Nakaramdam sya ng lungkot pero agad ring napalitan ng galit. Pababa na sana sya para buksan ang gate ng makita nyang bumakas na iyon. And there she is! The girl he loves but hurts him so much. Sa halip na komprontahin ito kaagad kung bakit pa ito nandun ay ipinasok nya na muna ang sasakyan sa garahe nila.

Kinarga nya papasok ng bahay si Rhed at inihatid na ang bata sa kwarto nito baga nya hinarap si Jiya. Nakaupo ito sa sofa at ng tumingin sa kanya ay nakita nyang magang-maga ang mga mata nito dahil sa kakaiyak. Renz back off, ayaw nya ang nararamdaman nyang awa. Ayaw nyang malinlang na naman dahil sa maamo nitong mukha.

Gusto nya itong saktan katulad ng warning nya dito pero by just looking at her right now, kahit isang salita ay walang nasabi si Renz. Nilagpasan nya ito at umakmang aakyat na sa kwarto nila ng biglang magsalita si Jiya.

"Alam kong ayaw mo ng nandito ako p-pero, hindi ko kayang umalis babe." she pressed her lips together to stop her tears pero hindi ito nagtagumpay, napaluha ito.

Habang nakatingin dito ay tila gusto nya itong yakapin at sabihing ayaw nya rin itong umalis. Galit lang sya pero ayaw nyang iwanan sila nito. But no, kung gagawin nya ang kagustuhan ng puso nya, paulit-ulit lang syang sasaktan ni Jiya. "You really want to stay?" tanong nya.

Tumango si Jiya.

"Look Jiya, kung iiwan mo lang rin kami wag mo ng patagalin pa."

"Renz, alam mong hindi ko kayo iiwan." tumayo si Jiya at nilapitan si Renz at akmang hahawakan sya nito but Renz stopped her, napaatras si Renz.

"Hindi ko alam yan Jiya." he said coldly.

"Paano ba kitang mapapaniwala na wala na kami ni Mharky? Paano ko ba papatunayan sayo na ikaw ang mahal ko?" pasigaw na tanong ni Jiya na sa totoo lang ay napipikon na at sobrang nasasaktan sa mga ginagawa ni Renz.

"Magtitiwala lang ako Jiya kung makita ko ng inililibing na sa hukay nya ang lalakeng iyon. By that, sigurado na akong hindi na kayo magkikita and if you could manage not to cry on that day, then maniniwala na akong mahal mo nga ako."

Napaiyak lang lalo si Jiya sa narinig. Renz is so unreasonable and she don't know what to do. She can't believe this side of Renz.

Pagkatapos maghari ang ilang segundong katahimikan ay tumalikod na si Renz. Pinalipas ni Jiya ang sampung minuto bago sinundan ang asawa sa kwarto nila. Nakahiga na ito pero gising pa. He threw her a cold stare but it didn't stop her to come near him. Nahiga sya sa tabi nito kahit na alam niyang hindi iyon gusto ni Renz. Kahit alam niyang masasaktan lang sya. Niyakap ni Jiya ang asawa. Ilang segundo pa ay naramdaman nyang tinanggal ni Renz ang pagkakayakap nya. She bit her lower lip, she don't know until when she could deal with his coldness.

Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon