Chapter 32

58 4 0
                                    

Chapter 32


"Jiya."

Mahinang sambit ni Renz habang nakatingin sa pintuan ng inuokupahang kwarto ni Jiya na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed.

Hindi sumagot ang maybahay, panaka-nakang maririnig ang pagsinghot nito habang hawak ang naninikip na dibdib. Hindi si Renz makatingin sa asawa. Nagkamali sya, sinaktan nya ito ng sobra-sobra. Sa sobrang selos nya kay Mharky ay kung anu-anong masasakit na salita ang nasabi nya sa asawa. At hindi lang yun, pinaramdam nya pa iyon. Nagpakalango sya at nakagawa ng bagay na labag sa batas ng Diyos dahil sa paninibugho at mga maling hinala niya kay Jiya.

While he was in Tagaytay with Rhed and Ella, he even turned off his phone so Jiya won't get the chance to contact them. Masyadong nag-alala si Jiya ng ilang araw silang hindi na-contact nito. Bumyahe itong mag-isa pero nagkasalisihan lang sila. Dala ng pagod, puyat at pag-alala, Jiya had an accident while on her way back home. Napaidlip ito habang nagmamaneho at nabangga sa isang truck na sa kabutihang palad ay nakahinto lang at hindi kasalubong dahil kung nagkataon ay baka ikinamatay iyon ni Jiya.

"Babe, i'm sorry." nakatingin na sya this time kay Jiya na patuloy pa rin sa pag-iyak.

Namalayan na lang ni Renz ang pagpatak ng mga luha nya ng hindi sya inimik ni Jiya. Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok sila Jasper at parents ni Jiya. Hindi makatingin si Renz sa mga ito. Alam nyang masama ang loob ng pamilya ng asawa nya pero wala syang narinig na kahit ano mula sa mga ito. Lalo lang tuloy naghihirap ang kalooban nya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" nakangiting tanong ni Mrs. Reyes.

"Ok lang ako Mom." Bumangon si Jiya habang inaalalayan ni Jasper. "Gusto ko na pong lumabas dito."

Tila may nagdaang anghel sa sinabi ni Jiya.

"Pero sabi ng doktor--"

"Mom ako ang may-ari ng katawan ko at alam ko kung kelan ako ok!" Mataas ang boses ni Jiya.

Napabuntong hininga si Mrs. Reyes. "Ok fine, kakausapin ko ang doktor at aasikasuhin ko na ang paglabas mo at baka pwede ng bukas--"

"I want to go home today. Mom, ilang araw na ako dito at hindi ko na naaalagaan si Rhed. Please naman, napatay ko na ang isa kong anak dahil sa kapabayaan ko kaya hindi pwedeng pati si Rhed ay mapabayaan ko." si Jiya.

"Babe, ok lang naman si Rhed. Sa ngayon kelangan mo na munang magpahinga." singit ng di makatiis na si Renz.

Walang emosyon ang tinging ipinukol ni Jiya sa kanya saka ito nagtangkang tumayo na pinigilan lamang ni Jasper. "Kung gusto nyo, kayo ang magpahinga rito dahil ako, uuwi ako!" Nagpumilit na tumayo si Jiya na naging hudyat para kay Renz na kumilos.

"Ok. Aasikasuhin ko na muna lahat ng hospital bills mo then..."

"Binayaran na namin Renz, wag ka ng mag-abala. Kakausapin ko na lamang ang doktor para sa permit ni Jiya na makalabas bu--- today."

Nais magprotesta ni Renz sa biyenan but step back when he realized that this is not the right time for any argument. Nainsulto sya sa ginawa ng mga ito pero hindi sya pwedeng magmarunong dahil sa mga nangyari. Natatakot si Renz sa mga pwede pang mangyari lalo pa't hindi pa alam ni Jiya ang tungkol kay Ella.

Speaking of Ella, nag-ring ang phone nya. Inilabas nya yun at napatitig lang sya sa screen. Ng mapatingin sya kaya Jiya ay nakatitig rin pala ito roon, the pain plain on her eyes. He cancelled the call and looked at Jiya apologically.

____

Matapos pa ang ilang diskusyon sa pagitan nila Jiya at mga magulang nito ay pinayagan na ring lumabas si Jiya.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na byahe ay nasa harap na sila ng bahay nila. Paghinto ni Renz sa kanilang parking lot ay pinigilan nya munang bumaba si Jiya.

"I've done lots of mistakes while I was away and I know, na maaaring hindi mo na ako mapatawad pero may isang bagay na gusto ko ay lagi mong tandaan--" he paused and took a glance on Jiya who is just looking at the window side.

"Jiya mahal na mahal kita at walang makakapalit sa lugar mo sa puso ko but..." natigilan si Renz dahil sa hindi malaman kung paano nya aaminin ang mga kalokohan nya. "I know gasgas na ang dahilang tao lang ako at nagkakamali rin but yeah, i'm just a human. I commit mistakes. I get hurt and..." muli syang napahinto sa pagsasalita ng umayos ng upo si Jiya at deretso na sa unahan ng sasakyan ang tingin nito at nakikita nya ang kabilang side ng mukha nito. "Ilang gabi kaming nagkasama ni Ella at dumating sa puntong lumagpas kami sa border line knowing na may asawa na ako." Renz's voice broke dahil nasasaktan sya sa isipang niloko nya ang asawa. Nakita nya ang pagtulo ng mga luha ni Jiya kasabay ang impit na pag-iyak nito na tila batang inagawan ng lollipop. But she didn't say a word, she just let her tears fall.

"I'm sorry. I'm really sorry. Please forgive me."

Pinahid ni Jiya ang mga luha bago humarap kay Renz. Pilit itong ngumiti pero nangibabaw pa rin ang pait at sakit. "I deserved what I got. I deserved these all. The accident, the death of our baby at itong pagloloko mo, I deserved it all. Don't be sorry." Anito saka bumaba ng kotse, leaving Renz behind while he's crying for breaking the gem he had always wanted to love wholly.



Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon