Chapter 12.2 - No. I won't do that!
"Bakit?" yun ang salubong ng tinawagan nya.
Napahinga si Renz ng malalim, hindi alam ang sasabihin ng muling magsalita ang nasa kabilang linya.
"Jiya, please understand. You know I love you right? Pero narealized ko that we can't really make it. Hindi ko kaya ang LDR. So we need to let go. Promise naman, once na bumalik ako dyan and pareho pa tayong malaya, pwedeng tayo ulit. But for now, mas ok ng wala tayong commitment at ---"
Hindi na pinatapos ni Renz ang sinasabi ng kausap. He ended the call.
Now he knew. Nakipaghiwalay si Mharky kay Jiya. For one stupid reason: Long Distance Relationship.
Napatitig sya kay Jiya with mix emotions. Naaawa sya dito but part of him ay masaya to think na pinalaya na ito ni Mharky.
Naupo sya sa gilid ng kama at hinawi ang strands of hair na bahagyang tumakip sa mukha nito.
"Promise, ako, I won't leave you no matter what." he whispered. Napatingin sya sa bahaging tiyan nito na hindi pa naman halatang may laman. Inilapit nya ang gilid ng mukha dun. "Baby, wag mo pahirapan sa pagbubuntis si mommy huh? Ok lang na si daddy ang mahirapan kasi malakas naman ako eh, wag lang ang mommy ok?"
Natawa sya sa ginawa nya. Naisip nyang tama si Jiya na tanga at baliw sya.
"Haha. What-eva."
Hinayaan nya na lang na matulog ang asawa at lumabas na ng kwarto.
Maghapon syang nag-ayos ng bahay. Inaayos nya na ang mga gamit nya sa kwarto nila ng magising si Jiya. Naupo ito sa gilid ng kama paharap sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" si Jiya.
"Nag-aayos?" tumaas-taas ang kilay ni Renz.
"Umalis ka nga sa harapan ko!" highblood na naman si Jiya.
Nagsimulang maglakad si Renz. Naupo sya sa kama katabi ni Jiya. "Ayan. Wala na ako sa harap mo, happy?" napangiti si Renz sa ginawa nya.
Pero dahil may pinagdadaanan si Jiya ay galit nyang itinulak si Renz. "Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo! Hindi ako natutuwa!" sigaw ni Jiya.
"Sorry, sorry."
"Sorry your face! Get out of here! Get out of my life! I hate you! I hate you!" nagsimula ng umiyak si Jiya habang patuloy na itinutulak si Renz.
"Ano bang problema mo?" mahinahon pa rin ang boses ni Renz.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Manggagamit ka! Ginamit mo ang pera mo kaya napilitan akong magpakasal sayo! Ngayon wala na! Wala na ang taong mahal ko!!! Iniwan nya ako ng dahil sayo!" Jiya keeps shouting.
"Jiya ano bang sinasabi mo?" takang tanong ni Renz.
"Inosente kunwari? Aminin mo na kasi, tinakot mo ba si Mharky para hiwalayan ako? Anong klaseng pananakot ang ginawa mo? Mas malala pa ba sa ginawa mo sa pamilya ko?"
Napanganga si Renz sa mga sinasabi ni Jiya. "Wala akong alam sa sinasabi mo... Jiya, we both know na hindi totoo ang ibinibentang mo!"
"Alam mo, hindi ka lang kasi basta manggagamit eh, sinungaling ka pang hayop ka! Tanga ka na gago ka pang desperado ka!" Galit na galit si Jiya dahil sa sakit na nararamdaman ng pakikipaghiwalay ni Mharky at wala siyang pakialam sa mga salitang binibitawan nya kay Renz ng mga oras na yun.
"Sobra ka naman Jiya. Oo na sige na, tanggap ko namang tanga ako, gago ako, manggagamit ako at desperado dahil sa pagmamahal ko sayo. At oo, siguro nga sinungaling ako, pero sana naman Jiya maniwala kang wala akong kinalaman sa ginawa ni Mharky sayo! Wag ako ang gawin mong dahilan kung inayawan ka nya!" Renz tried hard not to cry pero sadyang WEAK yata talaga sya pagdating kay Jiya kaya umiiyak na naman sya. "Kahit naman minsan Jiya paniwalaan mo naman ako!"
"Paano ba akong magtitiwala sa isang taong katulad mo Renz? Sa isang selfish na katulad mo! Alam mo namang hindi ako magiging masaya sayo pero ipinilit mo pa din! Palibhasa sariling kaligayahan mo lang ang iniisip mo!" Hindi tumalab kay Jiya ang litanya ni Renz.
"Selfish ba kamo Jiya? Ako pa ba ang selfish? Sariling kaligayahan? Bakit Jiya, nakita mo bang naging masaya ako? Binigyan mo ba ako ng chance na maging masaya? "
"Dapat lang sayo yan Renz! Dahil wala kang karapatang maging masaya!"
"Oo alam ko. Wala akong karapatang maging masaya sa ngayon after what I did to you! Pero sana dumating yung araw na, marealized mo na may karapatan pa din tayong maging masaya." humarap sya kay Jiya at hinawakan ang mga kamay nito. "Jiya please? Bigyan mo ako ng chance na mapasaya ka." nakikiusap sya. No. Mali. Nagmamakaawa sya. Nagsusumamo. It's deeper.
"Chance? How about no? I mean, NEVER. Igi-give up mo na ba ako?"
Natahimik si Renz ng saglit then finally bluff courage to speak up and said one of his stupid lines. "Maghihintay pa rin ako. Even if it will take forever bago mo ibigay ang chance na yun."
"Wow. Just wow! Grabe! Hanga na ako sa fighting spirit mo! Akala ko nga ang tapang-tapang mo kaya umabot tayo sa ganito. Pero ngayon ko lang nalaman, duwag ka rin pala. Dahil hindi mo kayang lumaban ng patas against Mharky." Jiya is not crying anymore.
"Walang nangyaring laban sa amin Jiya, the war was all between myself and my feelings for you, well, do I really have to explain? Hindi ka rin naman maniniwala eh."
"Wala ka namang kelangang i-explain. Ang hinihingi ko lang, aminin mong may kinalaman ka sa pakikipaghiwalay sa akin ni Mharky. As simple as that. Why can't you just admit it? Naduduwag ka?" Jiya glared at Renz.
"Why should I have to admit something na hindi ko naman ginawa? Hindi kaya ikaw ang naduduwag Jiya? Bakit ba hindi mo kayang aminin sa sarili mo that even without me, na kahit hindi ka ikinasal sa akin, makikipaghiwalay pa din sayo si Mharky! Why do you have to put the blame on me? Diba matapang ka? At least admit that thing to yourself! Admit the fact na mababaw lang ang nararamdaman ni Mharky para sayo.!"
"No. Hindi totoo yan. Mahal nya ako." in-denial pa rin si Jiya.
"Well,maybe, but he still left you. At ang swerte nya nga eh, dahil ipinapasa mo sakin ang kasalanan nya. Pero ok lang, kung dyan ka mas masaya. Yun lang naman ang gusto ko eh, ang mapasaya kita."
Tumayo na si Renz and he was about to exit ng magsalita si Jiya. "Gusto mo ba talaga akong mapasaya Renz?"
Lumingon sya. Marahang tumango. "Lahat gagawin ko to make you happy."
"Then, palayain mo na ako maghiwalay na tayo."
Nafroze si Renz sa kinatatayuan. Palayain? Heaven knows that he is willing to sacrifice everything for Jiya just to make her stay.
He could do anything for love but not to give up Jiya!
Selfish na kung selfish! But who cares?
"Alam mong kahit ano kaya kong gawin para sayo. Kahit anong hirap at sakit ang iparanas mo handa akong magtiis. Kahit alipinin mo ako, saktan mo ako ng paulit-ulit hindi pa rin ako magbabago. Kahit impyerno susuungin ko para sayo. Pero Jiya ang pakawalan ka? No . Sorry, I won't do that."
Tumalikod na sya. Mabibigat ang hakbang nya but yeah, Seriously -- he would do anything for love. He'll run right into hell and back. But to let go? No he can't and he won't do that.
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
RandomMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...