Chapter 28 - Leave

106 10 2
                                    

Chapter 28 - Leave (06/19/2015)

A week passed pero hindi nakuhang magkwento ni Jiya kay Renz about what's bothering her. She tried to act normal though. The thing was, Renz was always looking closely at her for the past days kaya alam nyang, something was really bothering her. He didn't asked though kahit minsan ay gustong-gusto nya na itong kausapin about it. As much as possible, ayaw nya itong pangunahan.

"Are you sure hindi ka sasama sa office? Baka ma-bored ka sa paghihintay kay Rhed?" tanong ni Renz.

They were both outside Rhed's classroom at sya ang naghatid sa mag-ina. He's also trying to convince Jiya to go with him at the office but she insisted to wait for Rhed.

"No babe, sanay na akong mag-stay dito plus you're going to pick us up at lunch right?"

Oo nga naman. Ewan ba, Renz himself don't know why he's asking Jiya to go with him. "Yes. Ok. Just call me to remind me of the time." anya saka humalik sa noo ng asawa bago tinungo ang kotse nya.

He don't know, but while driving, isang kilometro pa lang yata ang natatakbo nya from Rhed's school ay parang gusto nyang balikan si Jiya. Gusto nyang kutusan ang sarili, he's being paranoid for no reason. He tried to fight against the urge but at the end, he found himself making a u-turn.

"Come on! What's going on with you Renz?" napapailing nyang tanong sa sarili.

Don't you trust her?

Of course I do, I always do but...

What the hell? Ilang ulit syang napakurap habang papalapit sa campus gate nila Rhed. He's slowing down...

Nakita nyang lumabas si Jiya sa gate. Agad syang kinabahan ng pumara ito ng taxi at agad sumakay. OA na kung OA pero nasanay syang pinapaalam sa kanya ni Jiya ang mga whereabouts nito.

Hindi nya hinayaang mawala sa paningin nya ang taxi na sinakyan ni Jiya. Sinundan nya iyon habang sinisiguradong hindi mapapansin ang ginagawa nya.

Malayo-layo rin ang tinahak nila bago nya nakitang bumaba si Jiya sa isang mataong lugar. Nagpalinga-linga ito bago tuluyang nakihalo sa kumpol ng mga tao sa malaking parkeng iyon. Nag-park si Renz bago bumaba at tinahak ang daan kung saan rin dumaan si Jiya.

Nakita nya itong naupo sa isang mahabang bench na walang ibang nakaupo. She looks at her wristwatch from time to time at palinga-linga sa paligid kaya obvious na may hinihintay ito. Pumwesto si Renz sa isang medyo may kalakihang puno, ilang metro ang layo mula kay Jiya. Nagmumukha syang tanga sa pwesto nya, with his suit and tie while spying his wife but Renz don't care about anything aside from wanting to know kung sino ang hinihintay ng asawa nya.

Ilang saglit pa ay nakita nyang may lalakeng dumating. Nakatalikod ito mula sa pwesto nya kaya hindi nya makilala kung sino iyon. Tumayo si Jiya at parang awkward na nagharap ang dalawa. Makalipas ang ilang segundo ay napalingon sa gawi nya ang lalake.

Nanlamig ang buo nyang katawan. Nakaramdam sya ng takot at galit. He is now breathing harshly. For a moment ay sumagi sa isip nyang sugurin ang mga ito and kill the guy in front of her. He felt so stupid thinking na all along ay pinaniwala siya ni Jiya na ok na sila at masaya na ito sa piling nya. Dahil hindi pala. Gustong-gusto nyang pumatay sa mga oras na ito but no, hindi nya hahayaang masira ang buhay nya para sa mga walang kwentang tao.

Hindi nya na nagawang tingnan pa sila Jiya. Umalis na sya sa lugar na iyon at ng makasampa sya sa loob ng kanyang kotse ay nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata nya. Sa unang pagpatak ng mga luha nya ay sumakit ang mga talukap nya. Marahil dahil hindi na sya sanay umiyak. Masaya na sila diba? Masaya na. How could Jiya did that?

Pinukpok nya ang steering wheel. 'Believe me Jiya, pagsisisihan mong sinaktan mo ako ulit.'

---

On the other hand ay naghari ang katahimikan sa pagitan nila Jiya at Mharky. Oo, nakipagkita siya sa lalake dahil gusto nyang masukat ang feelings nya. Wala silang closure ni Mharky kaya gusto nyang pormal na maisara ang kung ano mang meron sila. Plus, gusto nya ring obserbahan kung deserved ba nitong malaman ang tungkol sa anak nila. While on her way kanina to meet him ay nakaramdam sya ng guilt dahil hindi nya napaalam ang lahat ng ito kay Renz pero balak nya itong kausapin pagkatapos ng lahat ng ito, at alam nyang maiintindihan sya nito.

"So? Namiss mo ba ako kaya gusto mo akong makita?" Mharky gave her a familiar grin.

She rolled her eyeballs mentally. Funny. Wala syang maramdamang kahit na ano.

"Yeah, I know that won't be possible coz you're married already. So, Jiya what now?"

Tinitigan nya ito saka sya naupo sa bench samantalang nanatili itong nakatayo. "Gusto ko lang na magtapos ng maayos ang lahat tungkol sa atin. Ayaw ko kasing.."

"Oh come on Jiya, we broke up already before you get married with that idiot. So, tungkol saan ito?"

One word to describe Mharky - MAYABANG. No, mali. NAPAKAYABANG! So? He's really thinking na may iba pang dahilan ang pagkikitang ito? "But still, I still want to clear things out and please.. stop calling him an idiot."

"Wow really Jiya, really?" Mharky said sarcastically. "But he's an idiot. And that guy don't have any balls. Haha, kalabanin ba ako ng patalikod."

"Tapos na yun."

"Yeah, I know and I don't have any plans to get you back. Duh, I'm not that desperate." natatawang wika ni Mharky.

Nag-init ang ulo ni Jiya sa narinig. Namalayan nya na lang na napatayo sya at sinampal ito. Wala itong kakwenta-kwenta! Tumalikod sya at iniwan ang lalake. Nawala na ang kagustuhan nyang ipaalam rito ang tungkol kay Rhed. Namumula sya at gusto nyang maiyak to think kung gaano kagago ang tunay na ama ng anak nya.

Tiningnan nya ang oras. Maaga pa kaya sa halip na bumalik sa school ni Rhed ay sumakay sya ng taxi pauwi sa kanila. Tatawagan nya na lang si Renz to explain everything.

Pero nagulat sya ng makitang nasa garahe nila ang kotseng ginamit ni Renz kanina. Pagpasok nya sa sala ay wala ito doon kaya tinungo nya ang kusina. "Babe?" malakas nyang tawag ng hindi pa rin nakita ang asawa dun. Tinungo nya na ang kwarto nila. Nakatayo si Renz sa harap ng closet nilang nakabukas at nagkalat ang ilang personal na gamit nya sa kama at may isang malaking maleta na nakahanda sa tabi nun. Kinabahan sya.. "Babe, ano 'to?" Lumapit sya sa asawa pero tinabig sya nito.

"Leave. Lumayas ka na sa pamamahay ko at wag na wag kang babalik kahit kelan! At para sabihin ko sayo, ikaw lang ang aalis. Hindi mo pwedeng isama si Rhed. Hindi mo pwedeng dalhin ang anak ko.."

Mariin at puno ng galit ang bawat pagbitaw ng mga salita ni Renz. Nanginig si Jiya at hindi agad nakapagsalita. Wala syang ideya kung ano ang nagyayari. Ang alam nya lang, naninikip ang dibdib nya at namalayan nya na lang na pumatak ang mga luha nya.


Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon