Chapter 2 - Breathe

544 64 20
                                    

Dedicated to WP_Princess

____

Chapter 2 : Breath

Feeling ni Jiya ay isa syang ibon na nakawala sa hawla. Guilt? Oo siguro nagui-guilty sya. Pero mas mabuti ng hiniwalayan nya ng maaga si Renz dahil mas lalo lang itong masasaktan kung patatagalin nya. Minahal naman nya si Renz, pero hindi nya sinadyang magmahal ng iba.

"Hey! Don't be nervous. Mabait ang family ko." Si Jiya.

Kasama nya ngayon si Mharky. Ang bago nyang boyfriend. Yeah . Right. May bago na sya. And Mharky was the reason why she broke up with Renz.

Mharky is the new University Heartrob. Kalilipat lang ng lalake this semester sa University na pinapasukan ni Jiya. Marami ang nagpapacute dito and Jiya felt so lucky that Mharky chose her over other girls.

They're inside Mharky's car right now at papunta sa bahay nila Jiya. Her family doesn't know about Mharky yet. Ang alam ng mga ito, si Renz pa din and she thinks this is the right time for her family to meet her boyfriend.

One week pa lang ang nakakalipas since she and Renz parted ways. Scratch that. One week na. Seriously. Jiya considered it long enough.

On the other hand, nasa bahay nila Jiya si Renz. Best friend kasi nito ang kuya ni Jiya na si Jasper. Sila ang magkaedad. Matagal na silang magkaibigan at ito pa ang nagpush ng panliligaw nya sa kapatid nito. Four years ang tanda nya kay Jiya.

"Bro, ano bang meron?" tanong nya sa kaibigan.

"Kalma bro. Hintay lang. Wag excited." Natatawang sagot ni Jasper.

Tiningnan nya ng seryoso ang kaibigan. Wala itong alam na nag break na sila ni Jiya. "Bro, alam ba ni Jiya na nandito ako?"

"Nope."

"What?" napanganga sya. What the hell is  this?

"Bro , family dinner lang 'to. Ang OA mo talaga. Mas matutuwa si Jiya kapag nakita nyang nandito ka."

Medyo napaisip sya for a while. Hindi kaya, Jiya wants him back? Narealized na ba nito that she can't live without him?

He gets excited with the thought.

"Mam, Sir dumating na po sila Jiya ." tawag nung kasambahay nila.

Nasa sala silang dalawa ni Jasper dahil sila nga daw ang sasalubong kay Jiya habang sa dining area naghihintay ang parents ng mga 'to.

Tumayo si Jasper at napatayo din sya para sumunod dito.

And when the door opens. He was nailed to where he is.

He stared at Jiya and the other guy.

Renz gulped.

BREATHE. Utos nya sa sarili nya.

____

Note: Itutuloy ko 'to kahit kunti lang ang mag vote at mag comment. Ewan ko nga ba, andaming nagmimessage for update pero di ko naman naramdaman ang support haha.

So thank you sa 6 votes and 3 comments. It means a lot . :D

And kung napansin nyo po, I don't revise this chapter. 100% copy paste ito from Facebook. Sorry sa mga nakabasa na neto.

Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon