Chapter 20 -

290 28 11
                                    

This chapter is dedicated to lljacinth16ll dahil no. 1 fan ko raw sya haha. Thank you :D

Note: I can't decide about the chapter's title. Magsuggest po kayo after reading. TIA

Chapter 20 -

Marahas na napabuga ng hangin si Renz sa pag walk out ni Jiya.

One part of him wants to console Jiya and tell her na nagbago na ang isip nya at sasamahan nya na ito. But another part of him wants to get even and tell her, See, ang sakit mabalewala diba?

The truth is, sya pa yata ang mas nasaktan sa ginawa nya kay Jiya.  Dahil as much as possible ay ayaw nyang makita na nagkakaganun ang asawa. Gusto nya ng sapakin ang sarili dahil sa guilt na nararamdaman.

Ng maalalang hindi pwedeng magpalipas ng gutom ang asawa dahil baka mabinat ito ay tumungo sya sa kusina para magluto. Nag-order na rin sya ng mga paborito nitong pagkain at baka ayaw nitong kainin ang iniluto nya.

Damn it. Pero hindi nya kayang tiisin si Jiya.

Ng mai-ready nya na ang mga pagkain ay inakyat nya ang asawa. Hindi naman nakalock ang pinto ng kwarto nito kaya agad syang nakapasok.

Nakahalukipkip ito sa taas ng kama, ni hindi sya tiningnan pagpasok nya.

"Nagluto ako. Tara na, kain tayo." yaya ni Renz.

Nakasimangot si Jiya na bahagyang tumingin sa kanya saka ito nahiga at nagtalukbong ng kumot.

Renz laugh on his mind dahil sa childish gesture na yun ni Jiya.  Naalala nya nung magkasintahan pa lang sila- yung mga panahong mahal na mahal nila pareho ang isa't-isa. Sa kumot ito palaging nagtatago. Napailing si Renz. Kaya pala kahit nasasaktan sya ay hindi sya napu-fall out of love kay Jiya dahil sa masasayang pinagsamahan nila na inaasahan nyang mauulit muli.

Pero alam nya namang ang mga actions ni Jiya ay dahil lang naaapakan nya ang pride nito at hindi dahil mahal sya nito kaya babawasan nya na ang pagpapaunder dito.

"Sige. Kung ayaw mo pang kumain, mauuna na ako." paalam nya saka nagsimulang humakbang.

Nasa pinto na sya ng may maisip.

Binuksan nya na ang pinto, nagkunwaring humahakbang saka isinara ng medyo malakas.

Pero hindi sya lumabas, gusto nya lang makita ang magiging reaksyon ni Jiya.

Naupo sya para hindi nito agad mapansin ang bulto nya.

Ilang saglit lang ay nagliparan na ang mga unan. "Nakakapikon sya! Hindi nya man lang ako pinilit katulad ng dati nyang ginagawa. As if I don't know na ginagantihan nya lang ako. Makikita nyang lalake sya! Pag ako napuno hinding-hindi ko na sya kikibuin hanggang kamatayan! Feeling nya naman affected ako? No way! Hinding-hindi ko na sya mamahalin."

Gustong matawa ni Renz but at the same time ay sumasakit din ang kalooban sa mga narinig pero nanatili syang tahimik at si Jiya naman ay walang kamalay-malay na nandun sya.

Nagulat sya ng makitang bigla itong umiyak.

"Oo na. Sige na. Affected na nga ako. But that doesn't mean na mahal ko na sya. I'm just considering the friendship he offered. Pero kung ayaw nya, bakit ako ang mamimilit?"

Nakita nyang muli itong nahiga.

End of the show. Paano syang lalabas ngayon?

Think Renz, think.

Naghintay sya ng ilang minuto saka tumayo at binuksan ang pinto. Agad syang nakapwesto na kunwari ay galing sya sa labas. Good thing mabilis ang kilos nya bago bumangon si Jiya.

Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon