Chapter 30 - Have Fun!

41 5 0
                                    

Chapter 30 - Have Fun!

Napabalikwas ng bangon si Jiya mula sa ilang minuto nyang pagkakaidlip sa sofa ng may marinig syang bumusina sa labas.

Lumabas sya ng bahay  at agad binuksan ang gate. Napasigaw pa sya ng muntik syang mahagip ng kotse na pagewang-gewang na minamaneho ni Renz. Ng maipark yun ay nakita nyang bumaba si Renz from the driver's seat at binuksan ang back seat.Agad syang lumapit dito. "Ako na ang kakarga kay Rhed." she offered.

"K." Renz answered, prolonging that single word. 

Ipinasok nya na sa loob ng kwarto ang anak at  binihisan muna bago ito pinatulog ulit. Paglabas nya ay nasa sala si Renz at nakahiga sa sofa. Naniningkit ang mga mata nito sa kalasingan. Ng makita sya nito ay pagak itong tumawa saka ipinikit ang mga mata. Nilapitan nya ito at ibinangon. Lasing na lasing na naman ito. Hinayaan sya nitong mag-stay pero halos hindi nya makasama buong araw ang mag-ama nya. Maaga pa ang mga itong umaalis at gabi ng umuuwi. Nag-aalala na nga sya dahil lasing palagi si Renz kapag umuuwi. Hindi nya alam kung sinasama ba nito si Rhed sa bar o ano plus baka madisgrasya ang mga ito. "Next time kung lasing na lasing ka, pwedeng tawagan mo naman ako para sunduin ko na kayo! Paano kung maaksidente  kayo?" naiinis pero concern ang tono ni Jiya.

"Wala ka namang paki kung may mangyari sa amin eh. Dun ka sa lalake mo, dun ka naman masaya diba? Sabi ko sayo dun ka na. Kaya naming mabuhay ng anak ko na wala ka." mahina ang pagkakasabi ni Renz dala ng kalasingan pero parang sinasaksak si Jiya sa bawat pangungusap na binitawan nito. Gabi-gabi nitong isinusumbat sa kanya ang tungkol kay Mharky at sa gabi-gabing iyon akala nya ay masasanay na sya at magiging manhid na pero patuloy at paulit-ulit lang syang nasasaktan dahil sobra na itong nawalan ng tiwala sa kanya. 

Tahimik lang syang umiyak at inalalayan itong umakyat sa kwarto nila. 

"Do you still remember Ella?" out of nowhere, Renz asked. They are both inside the washroom and Renz is now brushing his teeth while she is looking at him.

Kumunot ang noo nya. "Ella who?" well of course, she still remember the girl. Nag-iisang Ella lang naman ang kilala nya eh. The only girl na na-link kay Renz way back in Paris but she pretended not to remember.

"Ella. As in Ella Norin Rigg. Ring a bell?" anito saka nagpunas ng tuwalya sa mukha habang naglalakad palabas ng washroom.

Sumunod sya rito papasok sa kwarto nila. "Uhm. What about her?" 

"Well, she's here at Manila and she texted me to meet her tomorrow at gusto ko lang ipaalam sayo that I'll be meeting her with Rhed." sagot nito saka nahiga na sa kama.

"No, I won't allow you --"

"It's not like i'm asking for your approval Jiya." putol nito sa sasabihin nya. "Sinasabi ko lang sayo kahit na pwede namang hindi. Wala eh, hindi kasi ako sanay magsinungaling." malamig nitong patuloy.

Napahinga sya ng malalim. Ayaw nya sa babaeng iyon dahil base on her observation before,  may gusto ang babaeng iyon sa asawa nya.  "Ok but i'll go with you." wika nya pero pagtingin nya sa asawa ay nakatulog na ito. Napailing syang kinumutan ito.

Ilang minuto nya itong tinitigan, memorizing every detail of his body.She then trace his lips with her thumb. God! She misses this lips so much! Simula ng isyung yun kay Mharky last week ay iniiwasan na ni Renz ang kung anumang physical contact nila. Kahit ultimong yakapin sya ay hindi na iyon ginagawa ng lalake.

Muli na namang tumulo ang mga luha nya. Hindi nya alam kung kelan ito makikinig sa kanya, kung kelan sya nito bibigyan ulit ng chance na magpaliwanag pero pinangako nya sa sarili nyang hindi nya basta na lang susukuan ang asawa nya- ang taong mahal na mahal nya at alam nyang mahal rin sya. "Ang dami mo ng isinakripisyo sa akin Renz kaya kahit nahihirapan ako sa pakikitungo mo sa akin ngayon, hinding-hindi kita susukuan dahil mahal na mahal kita at sana, sana dumating ang araw na maintindihan mo kung bakit ginusto kong ipaalam kay Mharky ang tungkol kay Rhed.  Renz, ama sya eh. Kahit hindi nya deserved, hindi natin maitatago ang katotohanang iyon dahil may iba pa maliban sa atin na nakakaalam tungkol dun. At ayaw kong dumating ang araw na may maisusumbat si Rhed sa akin. Oo alam ko, kaya mong gampanan ang pagiging ama kay Rhed pero  diba ayaw mong magsinungaling? Babe, kapag itinago natin habang-buhay ang pagkatao ni Rhed, pagsisinungaling rin yun. Pagsisinungaling." umiiyak nyang wika kahit na alam nyang hindi na sya naririnig ng natutulog na asawa.Pinahid nya ang mga luha nya saka hinalikan sa noo ang asawa. Lumabas sya ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Rhed at tinabihan ang anak. Maya-maya ay tiningnan nya ang anak. "Diba nak, kahit naman makilala mo ang tunay mong tatay si Daddy Renz pa rin ang the best dad in the world? Mahal na mahal tayo nun eh." anya saka niyakap ang anak bago tuluyang ipinikit ang mga mata.

___

On the other hand,  pinahid ni Renz ang mga luhang malayang kumawala sa mga mata nya. Yes, he's crying and it's because he heard every single word na sinabi ni Jiya sa kanya, nagkunwari lang syang tulog pero gising na gising ang diwa nya. Gusto nya itong yakapin at himingi rito ng tawad but a thought stopped him. What if Jiya knew that he's awake at kaya ito nagdrama para mapaniwala sya? Muli na namang umalsa ang galit nya. No! Not again Jiya. Believe me, hindi mo magugustuhan ang mga pwedi kong gawin. Hindi sya dapat magpadala sa mga pinapakita nito katulad ng dati.

__

"Why do you have to leave this early?" tanong ni Jiya habang nakasunod kay Renz papuntang parking lot. For pete's sake, it's only 5:00 in the morning. Where the hell are they going this early?  

Renz just ignore her.

"Can't you go with us mom?" Rhed asked ng makapwesto na sa backseat.

"Big boy, I want to but..."

"Your mom's busy big boy." dugtong ni Renz sa sasabihin ni Jiya.

"Y-yeah. I-I'm busy." utal na sang-ayon ni Jiya.

"Why is that you're always busy for the whole week and you can't even go with us at Tagaytay?" si Rhed.

"Tagaytay?" Jiya looked at Renz askingly.

Umiwas si Renz ng tingin at saka hinarap ang bata. "Wait there big boy. I have to talk to your mom. Promise, next time mom will go with us."

"Promise?" malaki na ang ngiti nito.

"Yes!" anito saka isinara ang pinto ng sasakyan.

"Tagaytay huh? With that girl at Tagaytay?" sarkastikong komento ni Jiya.

"Yeah and know what? You should ask Mharky sometime to bring you to the place and not just on some cheap--"

Before he could finish speaking, Jiya gave her a one hard slap on his face. "How dare you!" gigil nyang wika.

Tumawa ito. "Really. How dare me!"

Napailing si Jiya. "Kung mambababae ka, sana itago mo na lang sa bata. Alam mo kasi Renz kahit na ganyan kakitid yang utak mo, ayaw kong masira ang respeto sayo ng anak ko. Wag mo sana syang bigyan ng dahilan na mawalan ng amor sayo katulad ng ginagawa mo sa akin. " mahabang litanya ni Jiya which caused Renz to shut up.

Kinatok nya ang bintana ng sasakyan and Rhed's head showed up. She kissed her son. "Take care my baby. Take care of yourself and your dad."

"Yes mom, I will! I love you!"

"I love you too!" anya saka tumalikod na.

She was looking down kaya nabangga sya sa dibdib ni Renz. Nagkatitigan sila at ngumiti sya ng pilit. "Have fun at Tagaytay!" wika nya saka lumihis ng daan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay nila.

Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon