Chapter 18 - Jiya's FearYou know you love somebody when you don't care about how hard the situation is, as long as you are with him/her.
Friends huh? WTF! Sigaw ng kontrabidang bahagi ng isip ni Renz.
But it's the only way to make her stay for a little more time.
Dahil sa totoo lang, kahit pa sinabi nyang he will let go Jiya if things doesn't work for good, ay hindi pa rin sya ready. At kahit kelan ay hindi sya magiging ready na mahiwalay sa babaeng minamahal. Kaya kung pagiging magkaibigan nila ang tanging paraan para maging ok ang pakikitungo nito sa kanya ay gagawin nya. Dapat naman talaga diba na magkaibigan rin ang dalawang taong nagmamahalan? It would make the love stronger. Siguro nga ay iba ang sitwasyon nila pero friendship is a good start.
Nanatiling nakatitig si Renz sa tulog ng si Jiya. He wants to hug her badly pero pinigil nya ang sarili nya. Nakuntento na lang syang masilayan ang maamo nitong mukha til oblivion hits him.
__
The plan last night was papasok na sa trabaho si Renz today pero tanghali syang nagising dahil madaling araw na rin sya nakatulog.
Nagmamadali syang bumangon ng makitang wala na sa tabi nya ang mag-ina. Bigla na naman syang kinabahan.
Paranoid na kung paranoid pero paano kung iniwan na sya ng mga ito?
Saktong pagbukas nya ng pinto ng kwarto ay nandun si Jiya na papasok sana.
Nagliwanag ang mukha ni Renz.
"Babe!" wika nya saka niyakap ng mahigpit si Jiya.
Saglit na nagulat si Jiya sa yakap na yun.
Saglit lang. Dahil ilang sandali pa ay namalayan nyang niyakap nya na pabalik si Renz.
She don't know why does it feel so good to be on his arms. Hindi nya naman ito mahal ah? And last night, nadala lang sya sa awang nararamdaman nya.
But she woke up this morning realizing that she's not supposed to feel it towards Renz. Pero nagdesisyon syang papaniwalain ito na nagbago na sya kahit papano. Na pwede sya nitong ituring na kaibigan. Pero ang plano nya ay iiwan nya rin ito kung kelan confident na ito na di na sya mawawala.That was her plan from the very start. Ang saktan ito ng sobra up to the point na ito na mismo ang makikipaghiwalay sa kanya.
Pero bakit ngayong yakap sya nito ay iba ang nararamdaman nya? NO WAY. Hindi sya pwedeng mafall kay Renz. Correction, ayaw nyang mafall sa lalakeng pinilit lang syang magpakasal.
Bahagya nya itong itinulak. "A-ano..." she don't know why she stammered. She's staring at his messy look pero bakit biglang bumara ang lalamunan nya?
Humiwalay ito ng yakap sa kanya.
"Sorry babe, tinanghali ako ng gising. Gutom ka na ba? Magpapadeliver na lang--."
"No need. I already cooked for our breakfast." putol ni Jiya sa sasabihin ni Renz.
Gulat ang ekspresyon ni Renz. Well, paanong hindi? For the first time in forever, nagluto si Jiya?
'Thank you Lord!' unti-unting napangiti si Renz.
Ng mapansin yun ni Jiya ay sumeryoso sya. "Wag kang assuming, nagluto ako dahil gutom na gutom ako. It's already 10:00 am." Jiya sounded defensive kaya lalong nagdiwang ang puso ni Renz.
"Sorry again. So, let's eat?" yaya ni Renz saka hinawakan si Jiya sa kamay at hinila papuntang kusina.
Wala namang nagawa si Jiya dahil sa hindi nya malamang dahilan ay hindi nya alam kung paano magrireact.
BINABASA MO ANG
Game Over : PRESS 'R' TO TRY AGAIN (Not Edited)
De TodoMay mga taong handang ibigay sayo ang lahat-lahat kahit sariling kaligayahan nila ang nakasalalay. May mga taong sobra kung magmahal. Mga taong handang isugal ang kahit na ano kapalit ng pag-ibig ng taong gusto nilang makasama habang-buhay. Ngunit m...