Waves 2

287 3 1
                                    









Suot ang aking puting bestida at doll shoes ay tumungo kami muli ni lola sa mansyon. Hindi na namin pinag usapan ang nangyari kahapon at pinalampas ko na lang iyon dahil hindi rin komportable si lola na pag usapan namin.

Pag karating pa lang namin ay ibinalita na agad ang maagang pag alis ng senyora patungo sa Maynila dahil nag ka problema daw sa kanilang Negosyo, mukhang matatagalan pa daw ang balik nito rito.

Karin greeted me while she was setting up the plates for the breakfast. Aniya ay maaga din daw gumising si Odette upang ipag utos na mag salo salo ang mga kasambahay sa pag kain ng almusal.

Kumunot ang noo ni Karin habang abala ito sa pag lalagay ng mga plato sa hapag. " Ayan ba ang bestida na suot mo kahapon? Wala ka na bang ibang bestida o kahit anong damit? " tanong nito sakin.

Ngumiwi ako. I have plenty of clothes, hindi nga lang babagay iyon sa mansyon na pupuntahan ko. Most of my clothes are pair of shorts and tshirts. Bukod sa hindi ako makabili ng mga bagong damit ay hindi ko din naman ito kakailanganin sa ngayon.

" Madaming magagandang damit na pinaglumaan si ma'am odette at mukha naman mag kakasya iyon saiyo kahit may hubog ng kaunti ang damit mo. "

Umiling ako bilang pag tanggi. Her style of clothes are way far from mine. Mamahalin at branded panigurado ang mga damit niya. Pag kakita ko palang sa kanya kahapon ay namangha na ko sa taste niya pag dating sa pananamit.

Bumaba si Odette nang matapos mag asikaso sa hapag. Her soft curls mid lenght jet black hair is on pony tailed, kumpara kahapon ay naka pang bahay lang ito ngayon. She's wearing a black leggings and a grey hoodie.

She has a features of senyora, pero ang ugali ay malayong malayo. Kung tutuusin ay hindi ko inaakala na ganito ang ugaling mayroon siya. Sa mga napapanood ko sa telibisyon, ay grabe ang mayayaman kung umasta sa kapwa mahihirap.

Pero gaya nga ng sinabi ko, ay hindi lahat ganoon ang ugali. May mga tao lang talagang nasilaw sa pera at matapobre.

" I have nothing to do today, mabuburyo ako maghapon kung dito lang ako sa loob ng mansyon. Karin and Soul? You might want to join me later sa beach? Diyan lang tayo sa pag baba sa rock formations. Maganda sana duon malapit sa mga Azarcon dahil mas mahaba ang dagat nila duon kaso mapapalayo tayo. " Aniya.

Nag katinginan kami ni Karin at bago pa ako maka sagot ay pumayag na ito. Bahagya akong nahiya dahil wala akong damit na susuotin. Good thing i brought my beans and nylons with me, baka duon na lang ako gumawa ng porselas ko dahil itong paparating na linggo ay balak ko tumulak sa bayan para mag benta.

" Oo nga pala ma'am odette! Walang pamalit si Soul, at tignan mo ang damit na suot niya ngayon. Parehas ng kahapon! " Turo ni Karin sakin na para bang nag susumbong na bata.

Lumipat ang tingin ni Odette sakin. Ngumuso ito at umiling habang pinagmamasdan ako. " Madami akong damit sa kwarto, karamihan duon ay hindi ko kakailanganin kaya yung iba ay pinamigay ko kay Karin. Mamaya mag halungkat tayo duon pag tapos maligo. "

Hindi ko alam kung paano tatanggi kaya wala na rin akong nagawa. Matapos ng almusal ay naghanda na silang dalawa para mag tungo sa dagat. Bago kami magtungo sa bulwagan ay tinignan muli ni odette ang suot ko.

" You won't want to wear a dress while walking through rock formations soul, madudumihan ang puti mong damit or worse baka mapunit pa. "

" Huh? " lito kong sabi.

Umiling ito sakin at hinawakan ang kamay ko para tumungo sa taas. Kung ano ang kinaganda ng interiors nila sa baba ay mas doble ito sa taas. Mahaba ang pasilyo patungo sa terrace at may mahigit limang pinto ang narito. Their walls were painted red and gold, ang kanilang sahig ay may mahabang pulang carpet. It's like a house of ancient royalty. The hallways is also full of gold antiques display.

The Whisper of Memories (Dela Costa series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon