Chapter 9
My tears are pouring nonstop, hindi ko na kayang tignan siya ng diretso. I can feel his breath... ang malapit siya sakin ng ganito ay nakakatuwa ngunit parang tinutusok naman ang puso ko.
" Look at me.. "
Umiling ako, baka sa oras na tumingin ako sa kanya ay tuluyan na akong mang hina. That's how much he can affects me, matapos lang ng ilang buwan ko siyang kilala ay ganito na agad kalakas ang epekto niya sakin!
It's dangerous and terrifying, kaya sisiguraduhin kong ito na din ang huling makikita ko siya. I will never step in that mansion again. Never. Lalo na't ngayon ay napatunayan ko na kung ano ang kayang gawin sakin ng kanyang ina.
Huminga siya ng malalim at unti unti dinikit ang kanyang noo sakin kaya halos mapatalon ako dito.
Ngayon ko lang kikwestyunin ang sitwasyon ko. Lord, bakit ako? Bakit ako pa ang nakaranas ng hirap? What did i do so wrong to experience a life wrecking like this?
Pakiramdam ko ay wala na din namang silbi kung ipagpipilitan ko pang itanong sa kanya kung bakit galit na galit sakin ang senyora, dahil kahit malaman ko ang sagot ay hindi naman iyon mababago.
" I want to go home.. " Napapaos kong sabi.
He tilted his head and nodded. " Yes.. but take a rest first "
Umiling ako. " Take me home now! "
Sumilay ang masakit na ngiti sa kanya. This is the first time i saw him like this, it was heartbreaking pero wala naman akong magagawa. Kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi iyon pwede!
I was once a pure innocent girl, and it turns out like this one day. Nung mag isa ako ay tahimik at payapa ang buhay ko, nito lang nag kagulo nang makilala ko sila, siya!
" I want to take you home too, what do you want me to do? Tell me.. i will fucking cause a scene here.. " nanghihinang sabi nito.
Umiling ako. Shit! Ano ba talaga Solana? Bakit pati pag dedesisyon mo ay magulo na rin?!
Nang kumalma ay hindi na ako nakipag argumento sa kanya. Ganoon pa din ang pwesto namin at ang tibok sa aking dibdib ay ganoon pa rin kalakas. Hindi niya parin inaalis ang tingin sakin, para bang tinitimbang nito ang ekspresyon ko.
" You should go back, your fiancee might look for you. " Malamig kong sabi.
" Fuck that. " umiiling na sabi nito.
" You should go now.. "
" I don't want to because this could be the last time i will saw you.. not unless you will tell me what my mother says so i can deal with her. " Dire diretsong sabi niya.
Nabuhayan ako ng kaunti pero hindi ko sasamantalahin ang gusto niyang mangyari. Umiling pa rin ako, kada tinatanggihan ko siya ay nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata.
Gusto ko siyang aluin, pero sa oras na gawin ko yon ay baka kainin ko lang ang sinabi ko kay Senyora. Kinagat ko ang ibabang labi at tinanggal ang tingin sa kanya.
" You should go and see your fiancee, you should be celebrating with her right now.. hindi ako iyong kasama mo Damon, this will be suspicious. " pilit na tawa ang pinakawalan ko.
Magsasalita palang ito nang bumukas ang pintuan. Parehas kaming gulat ni Lincoln nang makita ang isa't isa pero agad din naman siya nakabawi. Umahon si Damon sa pag kakakulong sakin, hindi ko alam kung bakit may naramdaman akong kirot sa aking puso.
BINABASA MO ANG
The Whisper of Memories (Dela Costa series #1)
SachbücherSeptember 7 2023 - October 1 2023 Solana Rose Almodovar, is a woman of her words. She has a strong and passionate personality that makes her independent and intelligent in such a young age. She grow up in a family where survival is more important th...