Waves 20

171 3 0
                                    









We stopped infront of a 5 star hotel. I realized that he's not living with his family anymore. Parang mas lalo akong nakaramdam ng bigat sa damdamin nang marealize ko hindi sila maayos sa kanila.

He immediately step out the car and gave his car keys to the valet, saka naman ito tumungo sa akin para pag buksan ako ng pinto.

" Uh, are we meeting him here? " tanong ko nang makalabas at ginagala ang paningin ko sa kabuuan ng hotel.

He bit his lower lip and nodded. " But first, let's change your clothes. " anito at dismayado nanaman pinasadahan ng tingin ang aking suot.

Ngumisi ako at sinabayan itong maglakad. The clerks were all in line as we entered, they all bowed as we passed by them. Nangingiti naman ako dahil may manliligaw akong ganito, parang sinasamba ng lahat!

" Good evening sir Lardizabal. " Ngiting bati ng hotelier. She looks at my age. Maganda rin ngunit katamtaman ang kulay at medyo payat kumpara sa akin.

" Thanks Glyza. " anito sa baritonong tono.

I roamed my eyes as i was fascinated by the structure of it's interiors. Agaw pansin sa mga guest ang malaking 3 tiered na chandelier, isama pa ang nag kalat na ilaw para mas maliwanag pa lalo. The big cascading fountain in the middle adds up to its attraction. So he's living luxuriously huh?

The walls were painted brown, as the higlight colors were white and black. It almost look a sophisticated and stunning style because of the maginificent mix of the colors.

There are fiber glass wall art in a square frame, it was almost look like a cultural that has a little bit touch of earthy designs.

Tumungo na kami papasok sa elevator. Ang mga clerk ay naiwan na lamang sa labas at muli ay nag bow ang mga ito sa kanya bago pa man sumara ang hoistway door.

" Sana sa bahay mo na lang ako diniretso. " nahihiyang sabi ko. Hindi ko inaasahan na papupuntahin niya ako kung san siya nakatira ngayon.

Ibang iba ang itsura nito sa may studio apartmenet na tinitirhan ko. Pinagsiklop ko ang aking mga daliri na para bang nanliliit ako.

His brows knitted as he glance at me. " Is this too much for you? "

Pait akong ngumiti. " Hindi naman, naiisip ko lang na parang ang layo talaga ng buhay mo sa akin. "

I can't hide the bitterness in my tone, not because i'm envy or what. It's because i'm too far from the girls who are craving for him. Tapos, ako pa itong nililigawan.

He clenched his jaw and craned his neck. His eyes look at me full of amusement. " hmm, i will move out tomorrow, then? "

I frowned. " Saan? Hindi pa ba maganda dito? " naguguluhan kong tanong.

He crouch a little bit without stepping towards me, duon palang ay nakaramdam na agad ako ng pag kailang sa mga mata niyang nagsusumamo.

" No, i just don't want you to think that you're not good enough for me. You're more than enough, Soul. Hindi ikaw ang magdedesisyon noon kundi ako lang... at sapat ka sakin. " he said in a hurtful manner, like i hurt him because i thought of him that way.

Hindi na ako umimik, kahit papaano ay naalo niya ang nararamdaman ko ngunit paano iyong katotohanan na ganon ang inisip ko sa kanya.

The elevator stops at the right floor, hinayaan ko itong maunang maglakad at sumunod lang ako rito. Some guest are looking at him in a flirty way. Nakaramdam ako ng inis duon pero wala naman akong magagawa. He looks enchanting in his every move, i won't doubt it.

The Whisper of Memories (Dela Costa series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon