Waves 10

201 3 1
                                    







Falling in love at the age of 16 was too young and innocent. They said that if you learned to love at that age, it was pure infatuation and uncomitted.

It's summer now, hindi katulad nung tag lamig. Mahapdi na ang buhanginan at pati ang sinag ng araw sa labas, but people still enjoys swimming in the sea because it comforts them. How i wish that pain can be easily washed away too.

Hindi ko maitatanggi na mali ang sinabi ng matatanda tungkol sa mga batang nag mahal at nag mamahal kagaya ko. Because for me, this wasn't uncomitted nor half-hearted at all.

" Soul anak ko, sasama ka ba samin ng papa mo mangisda? Nang hindi ka maburyo at mainitan dito. " Ani mama na sinusuklay ang basa at mahaba niyang buhok.

Kumurap kurap ako at tumango. I closed my text book and went to the bathroom to change my clothes. Maliligo na lang ako duon habang nangingisda sila. My skin was already tanned enough because i always soaked myself in the sea. Namumula na rin ang aking mukha dahil sa natamong sun burns.

When i turned 18, hindi ko inaakalang magiging liberated ako pag dating sa pananamit. I always wanted to show my skin whenever i'm swimming. My parents didn't mind after all at hinahayaan lang ako sa gustong gawin.

Tumungo na kami sa maliit naming bangka kasama ang dalawang kasamahan ni papa. I only wear a see through dress and a pair of bikini underneath. Habang ang mama at papa ay parehas naka long sleeve dahil sa matirik na araw.

Tinulak ng kanilang ibang kasamahan ang bangka patungo sa dagat at nang mag tagumpay ay sumakay na din ang mga ito.

Habang patagal ng patagal ay lumalayo kami at hindi ko na natatanaw ang bahay. Inayos na din nila ang kakailanganin sa pangingisda.

" Iha, dito na kami mangingisda. Maligo ka na kung gusto mo at mamaya pa naman tayo babalik sa pangpang. " Ani papa.

Tumango ako at hinubad ang aking sea through, revealing my blue and white stripes bikini. Tinanggal ko sa pag kakatali ang aking buhok at saka tumalon patungo sa tubig.

I completely drowned myself, the waters feels cool and calming. I found myself diving away from the boat. Abala naman ang lahat sa pangingisda at tanaw ko pa rin naman sila.

I don't understand how i always fell in love over and over to Dela Costa. Maybe it was because i'm not a city girl? At kung papapiliin man ako kung saan ako maninirahan ay dito ko pa rin gugustuhin.

I saw a yacht and people on it. Pinanliitan ko ng mata para makita kung sino ang mga yon. It was a bunch of rich people. Rinig na rinig mula dito ang kanilang halakhak at maingay na kwentuhan.

I was about to go nearer nang may makita ko ang isang pamilyar na pigura. After 1 year, he has still this huge impact on me. Pakiramdam ko kahit limang taon pa ang lumipas ay malakas pa rin ang pag haharumentado ng puso ko!

He's not wearing anything aside from the beach shorts. His shoulder were more broad and masculine than before, he also grew thin beard on his face that defines more of his features.

He's with some friends, sinubukan kong hanapin si Odette ngunit wala ito. Dismayado akong tinalikuran ang kanilang yate at lumangoy pabalik sa aming bangka.

Imbis na mag babad sa tubig gaya ng nakagawian ay umahon na agad ako. Kuryosong mga mata akong tinignan ni mama. I fetch my towel that was hung on the wooden chair.

" Nag sawa ka na agad? "

Umiling ako at dinampi ang twalya sa aking basang buhok. Muli ko tinanaw ang yate. Nalaglag ang panga ko nang makita siyang may kasamang babae, and it was not Celeste!

The Whisper of Memories (Dela Costa series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon