Waves 23

154 2 0
                                    








The sun poured through my window waking me up early in the morning. Nakaramdam agad ako ng sakit ng ulo pag ka-dilat. My head is throbbing hard, probably because of last night.

Tumungo agad ako sa aking maliit na ref at dinampot ang pitsel na naglalaman ng malamig na tubig. Wala naman akong gagawin ngayon kaya baka sa bahay lang ako buong araw.

Tumunog ang aking cellphone na nasa ibabaw ng mini drawer sa gilid ng kama. Dinampot ko agad iyon at sinagot ang kung sino mang tumawag.

" Hello? " sambit ko habang sinusuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.

" Soul. " Ani Pietro sa kabilang linya. I didn't change his name on my phone, pamilyar na agad sakin ang kanyang boses.

" Oh, napatawag ka? may problema ba diyan? "

" Uh, wala. Pero ngayon kasi ang flight ko patungo sa Manila.. " nahihiyang sambit nito.

I was shocked that i stopped combing my hair. " Talaga?! Anong oras ang flight mo kung ganon? "

" 10:00 am, pero nasa airport na ako ngayon. Hinatid ako ni mama at papa mo. " anito at narinig ko nga ang maiingay na sasakyan sa kabilang linya.

Sumulyap ako sa orasan. It's only 8:00 am. Mahaba pa ang oras at makakapag linis pa ako. Ang problema ko nga lang ay walang ibang kwarto na matutulugan si Pietro! I only have 1 bed too!

" Uh, Pietro? Okay lang ba kung hahanapan kita ng matutuluyan mo? Pasensya na, i only have 1 bed and i don't have a room to spare. " nakokonsenyang sabi ko, ako pa man din ang nag imbita sa kanya dito!

" Ayos lang, wala iyon sakin. May kaunting ipon naman ako dito. Saka tama lang yon, baka magalit ang boyfriend mo. "

Hindi ko pa boyfriend. Gusto ko sana sabihin sa kanya iyan kaso ayoko naman na parang umasa siya ulit, i can't bear to lose a friend like him.

Duon palang sa punto na selos na selos siya nuon kay Ramiel, naiisip ko na parang mawawala na siya sakin dahil sa mga inasta niya. Buti naman at narealize niya kung gaano kahalaga ang pagkakaibigan namin.

I smiled eventhough he can't see me. " Sige, i will fetch you later at the airport. Ingat sa byahe! " sabi ko at binaba ko na ang tawag.

Saktong pag patay ko ng tawag kay Pietro ay bigla naman nag ring ito ulit at nakita ko ang pangalan ni Damon.

" Good morning! " masiglang bati ko rito at kinalimutan na lang ang kaunting kahihiyan na sinabi ko sa kanya nung nasa bar kami.

Hindi agad ito sumagot kaya sinulyapan ko ang screen ko, it's still on call, pero bakit ang tahimik?

" Hello? Hello? " pag uulit ko, pero wala pa rin sagot kaya pinatay ko na ito at nilapag muli sa ibabaw ng drawer.

I was about go back in the kitchen to do my routine nang muli nanaman mag ring ito kaya iritado kong dinampot at sinagot.

" Hello? " i answered, a little bit annoyed.

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. " Why is it in another call? " malamig na tanong nito.

" Ang alin? "

He silenced for a few seconds. " Ikaw, naka in-another call ka. You're calling someone when i called you, sino iyon? " he said unpatiently.

" Ah si Pietro.. " i said normally.

" Pietro? Who's that? Someone in the bar last night? "

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I didn't introduced him to Pietro when we're in Bohol! Kahit nasundan pa ang bisita namin non ay hindi sila nag tatagpo kaya nakaligtaan ko na ipakilala!

The Whisper of Memories (Dela Costa series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon