Waves 3

209 4 0
                                    









Dalawang araw akong hindi nakapunta sa mansyon. I was busy helping mama sell fishes in the market and also in making bracelets. Nabalitaan ko kaso na dumami ang turista nung linggo kaya namalagi muna ako duon hanggang lunes.

Nalalapit na rin ang pasukan, gamit ang perang kinita ko sa pag titinda ay ibinili ko ng ilan pang gamit na kakailanganin sa school at yung natira naman ay inabot ko kay mama.

" Ilang araw kang wala, saan ka namalagi? " naka ngusong salubong sakin ni Odette. She was still wearing her pair of pajamas, her hair was pony tailed and she's wearing a hair ban.

I'm wearing a white skirts and nude top na binigay niya sakin. Napaka komportable sa balat suotin. Sabi niya ay branded daw ang damit na binigay niya sakin, yung iba daw ay pinag sawaan na niya kaya kesa daw itapon ay pinapamigay niya na lang.

Naalala ko ang mga huling pangyayari sa huling punta ko rito. I suddenly remembered Damon, ano kaya ang nangyari sa wife to be niya? Did they really called the marriage off? Gustuhin ko man mag tanong kay Odette kaso hindi niya naman alam na alam ko ang tungkol sa kapatid niya.

Gaya ng madalas kong ginagawa tuwing nagagawi ako rito ay tumambay muli ako sa ilalim ng puno. Hoping that i won't witness another drama from the couple. Tumulak kasi si Odette para sa isang photoshoot sa kilalang brochure ng mga make up. Aniya ay sinasamantala na daw niya habang wala ang mga magulang.

Pumait ang itsura ko nang maalala ko ang mga natapon kong beads dito at hindi na nabalikan pa. I was pre occupied because of what happened. Mukha naman wala si Damon ngayon kaya wala nang dahilan para kabahan pa.

How i wish that the cloudless sky will mean that nothing's going to ruin my day. Pero nag kamali ako, wala pang isang oras na nakatambay ako sa ilalim ng puno ay namataan ko ang pamilyar na pigura. He was wearing a dark blue slacks and a white long sleeve polo, bukas ang dalawang butones neto sapat na para makita ang hubog ng kanyang dibdib. He looks more mature and aggressive in his corporate attire. May kausap itong tauhan sa mansyon, nagulat ako nang balingan ako nito.

Kumunot ang noo niya at hindi na nakinig sa lalaking kausap. Pero kalaunan ay binawi rin niya ang tingin at naglakad patungo sa bulwagan. Nakahinga naman ako ng maluwag at ipinagpatuloy ang ginagawa. Mas maatim ko pa yata na insultuhin ako ng kanyang ina kesa na humihinga kami sa isang hangin!

Naburyo na ako sa pag gawa ng porselas kaya ibinalik ko na iyon sa lalagyanan. Bukas ay baka tumungo ulit ako sa bayan, ayoko naman samantalahin ang pag punta dito at baka isipin pa ng iba ay sinasamantala ko ang libreng pag kain nila.

Namataan ko muli si Damon na kasama na ang iilan sa mga trabahador at abala ito sa pakikipagusap. I think they are talking about business. Nabalitaan ko kay Karin na may mga kabayo daw sila dito, ang kuwadra kasi ay sa likod pa ng mansyon at hindi ko pa iyon napupuntahan.

Pero dahil narito si Damon hindi ako makapag explore ng maayos sa mansyon. Aantayin ko na lang si odette dumating para malaya ako makapag gala.

" Huy! Siesta na, hindi ka man lang ba magpapahinga muna sa kwarto ni Ma'am? Ipinagbilin ka din kasi niya sakin. " Ani Karin na may dala dalang tray na puno ang laman ng meryenda.

Naupo ito sa tabi ko at sinundan ang aking tingin. Napa singhap siya nang makita kung sino ang tinitignan ko at bahagyang ngumisi. " Ikaw ha! " aniya at sinundot ang tagiliran ko.

Sa mga sunod na araw ay napadalas ang pamamalagi ko rito. Paminsan minsan ay umaalis si Odette para tumungo sa kanyang shoot. Good thing her parents was still not home, hindi ko alam kung paano makikitungo lalo na sa senyora.

The Whisper of Memories (Dela Costa series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon