Hindi ako binigo ni Lincoln. Napadalas nga ang punta niya sa mansyon ng mga Lardizabal. Paminsan minsan naman ay sinasabihan ko siya na wag pupunta sa sunod na araw dahil wala ako duon at baka mabigo lamang siya.
Kakauwi ko lang galing sa bayan, sumaglit ako roon para tulungan mag ayos ng mga paninda si mama at maya maya din ay tutulak ako papunta sa mansyon.
Panigurado ay kanina pa nag aantay si Lincoln duon dahil nasanay siya na maaga ako nandoon. Biglaan kasi ang alis ko kanina kaya hindi ko siya nasabihan.
Gaya din ng sinabi ni Odette, duon na nga tumuloy si Damon pansamantala. Duon din siya nag tatrabaho sa kanyang silid kaya kahit papaano naman ay hindi nag sasalubong ang landas namin.
" Tutulak ka ba sa mansyon ngayon iha? " Si papa habang nag huhugas ng pinagkainan.
" Opo, inaasahan po kasi ako ng kaibigan doon. " Tumango si papa nang hindi ako nililingon.
" Mag iingat ka don, ha? Kahit sabihin mong kilala mo ng lubusan ang mga naroon hindi mo pa din masabi kung aasahan mo sila pag nag ka problema. "
Hindi ko naintindihan si papa pero tumango na lang din ako. Hindi naman galit ang pamilya ko sa mga mayayaman, pero dahil na rin siguro sa ibang nakasalamuha namin na mahilig mang alipusta at mang api ay hindi namin maiwasan maging maingat din.
Nag paalam na ako kay papa para tumulak na papuntang mansyon. I'm wearing shorts and printed shirt, ang mahaba kong buhok ay itinali ko na lang. Mabuti pala at umalis na agad ako sa bahay dahil mukhang masama ang panahon, the waves are getting stronger so are the wind. Malakas na din ang hampas ng mga puno hudyat na mukhang uulan sabayan pa ng mga mahihinang kulog.
Nang makarating ako ay bumati agad ako sa mga naroroon. Sinalubong agad ako ni Karin. " Saan ka galing? Bat ngayon ka lang? " Tanong niya habang dala dala ang basket na may laman na iilang prutas na pinitas niya siguro sa puno.
" Pumunta muna ako sa bayan, Si Lincoln? " Tanong ko.
Ngumiwi siya. " Umuwi na kanina pa, pinauwi ni sir Damon. Napapadalas na daw ang punta niya dito eh. "
Kumunot naman ang noo ko. Bakit niya papauwiin ang kaibigan niya dahil madalas lang pumunta dito?
Nagsasalita si Karin pero walang pumapasok sa utak ko. Gusto ko siyang sugurin. Hindi dahil gusto ko si Lincoln, pero isa na rin kasi siya sa mga taong tinuturing kong kaibigan.
At para pahintulutan niya iyon kahit may karapatan nga naman siya dahil bahay niya ito ay hindi ko pa din maintindihan!
" Wala rin si ma'am Odette ngayon, tumulak papuntang Cebu kasi may shooting daw at baka sa makalawa pa dumating. "
Tumango ako, bukas ay baka hindi muna ako pumunta dito dahil si Damon lang naman ang makikita ko araw araw. Baka hindi niya lang basta pinaalis si Lincoln, baka di niya rin pabalikin!
Natagpuan ko siya sa kanilang sala. His blood shot eyes went to me, marahas niyang tinanggal ang butones ng kanyang polo at pinakawalan ang mabibigat na pag hinga. He seems tired and weak, probably because of work.
" Maiwan muna kita Soul, mag lilinis lang ako sa kusina. " Paalam ni Karin at hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nag martsa na siya paalis.
Ano ang gagawin ko ngayon dito? Gustuhin ko man umuwi pero huli na ang lahat dahil bumuhos na ang ulan. Aamba na sana akong tumalikod at maglakad paalis ng tinawag niya ako.
" Soul, can you sit here for a moment? Just because Lincoln isn't here... you will leave. " Halos namamaos na sabi niya.
" Uuwi na ako! "
BINABASA MO ANG
The Whisper of Memories (Dela Costa series #1)
ספרות לא בדיוניתSeptember 7 2023 - October 1 2023 Solana Rose Almodovar, is a woman of her words. She has a strong and passionate personality that makes her independent and intelligent in such a young age. She grow up in a family where survival is more important th...