Chapter 2

239 2 2
                                    

Chapter 2

"Ay daddy ko!" Gulat na sambit ni Neri ng biglang tumunog ang cellphone niya. Malakas iyon gawa ng usapan nila ng ama. Pagtumawag ito ay sasagutin niya kaagad kaya lalakasan niya ang volume noon.

"Sandali lang po manang ha, sagutin ko lang po ang tawag ni mayor," nanlaki bigla ang mata ni Neri ng mapagtanto ang sinabi. Sanay kasi siya na pagnasa labas siya ng bahay ay mayor ang tawag niya sa ama. "Hehe sagutin ko lang po ang tawag ni daddy. Palaging akala po yata ay nawawala ako," aniya na tinanguan ng tindera.

"Daddy naman. Pabigla-bigla ka ng tawag. Nag-iinterview pa ako eh," reklamo niya sa ama na ikinatawa nito.

"Anak, pauwi na sina konsehal sila na daw ang bahala dyan," naalarma naman si Neri sa sinabing iyon ng ama.

Tanghali pa lang ng mga oras na iyon. Napakadami pa niyang makakasalamuha. Kaya masayang-masaya siya sa ginagawa. Hindi siya makakapayag na pauuwin na lang siya basta ng daddy niya.

"No, daddy! Hindi ako papayag. Ako ng bahala dito," pigil niya sa ama. "Madali lang naman po, ito eh. Kaya ko na daddy," pakiusap pa niya.

Napabuntong hininga naman si Nicardo sa nais ng anak. "Pero Neri. Wala kang bantay."

"Sus daddy, I'm strong and independent woman na kaya. Wala ngang nakakilala sa akin noong kumain ako sa may karinderya dito sa may palengke."

"Kumain? Akala ko ba, nagpaluto ka ng breakfast sa mommy mo para hindi ka na kumain kung saan-saan?"

"Mahabang kwento daddy babye na. Mamaya na po ulit," aniya at mabilis na ibinaba ang tawag.

Muli niyang binalikan ang tindera na kausap niya. Sinasabi nito na kung maaari ay magtalaga ng isang tao para siyang magmintina ng kalinisan ng pampublikong palikuran. Mayroon namang tubig, pero dahil walang bantay. Naaaksaya lang minsan at hindi pa iyon nagagamit ng tama.

Isinulat naman iyon ni Neri sa notebook niya. May nakausap pa siya na itinuro ang butas na bubungan ng malawak na pamilihan. Maayos ang ibang parte, pero sa pwesto ng bagsakan ng gulay ay may malaking sira na iyon. Ayos sa sinabi ng isang magtitinda ng gulay.

Madami pa siyang natanong, nakakwentuhan hanggang sa umabot na ng hapon ay hindi pa siya nakakarating sa sinasabi ng mga tindera doon na sirang bubungan. Kaya iyon na ang isinunod niyang puntahan.

Nilakad ni Neri ang parte kung saan binabagsak ang mga gulay na ibinababa sa mga truck. Namangha pa siya sa parteng iyon. Malawak nga ngunit may malaking sira na nga ang bubungan. Pwede ding makabasa o makasira ng paninda paglumakas ang ulan.

"Kuya!" Tawag ni Neri sa isang kargador na dumaan sa harapan niya. May dala itong isang bundle ng talong. "Balik ka po sa akin mamaya. Magtatanong lang po ako about sa concern po ninyo dito sa palengke. Kung may pangangailangan po kayo o ano pa man," aniya at tumango lang ang lalaki.

Naupo muna siya sa may bench habang hinihintay ang lalaking nakausap niya. Nililibot pa ng kanyang paningin ang paligid ng mahagip ng kanyang paningin ang lalaking naka topless habang may nakalagay na bundle ng talong sa balikat.

Halos, mapalunok pa si Neri ng laway sa ganda ng katawan na nakikita niya. Bata pa siya, para sa mga magulang niya. Lalo na at siya lang ang baby ng mga ito. Pero hindi na siya menor. Nasa tamang edad na siya, kung tutuusin. Ngunit ngayon lang talaga siya humanga sa katawan ng may katawan.

"Jose? Oh my gosh Kuya Jose, ikaw nga!" Napatakip pa siya ng bibig at hindi makapaniwala. "Why your body is stunning? I can't take my eyes off of you," aniya na parang nahihipnotismo siya sa katawan ni Jose.

"Ano iyon?" muli pa niyang tanong at hinawakan ang dibdib sa tapat ng puso.

Hindi naman napapansin ni Jose ang dalagang nakaupo sa bench hindi kalayuan sa kanya. Jose is dedicated to his work. Wala siyang ibang napapansin sa paligid. Basta ang mahalaga sa kanya magawa niya ng maayos ang trabaho na nakatoka sa kanya.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon