Chapter 32
Madaling araw pa lang ay naghahanda na si Neri pauwi sa bahay nila. Kailangan niyang makausap ang ama at ina tungkol sa isang bagay. Ipapahatid naman ang dalaga nina Lolo Joseph at Lola Leticia sa driver ng mga ito.
"Sigurado ka apo na uuwi ka na sa inyo? Mamimiss ka namin?" ani Lola Leticia na niyakap pa siya.
"May kailangan lang po akong siguraduhin. Pero babalik po ulit ako dito at magbabakasyon po ulit. Salamat po sa inyo. Sayo din po Lolo Joseph."
Isang mahigpit na yakap pa ang kanyang iginawad sa dalawang matanda, bago sumakay sa kotse na siyang maghahatid sa kanya pabalik ng San Lazaro.Liwanag na ng makarating siya ng bahay nila. Pagkapasok pa lang ng gate ay napansin kaagad siya ng kanyang ina, na noon ay nasa may garden.
"Anak," masayang sambit nito ng makita siya.
Hindi malaman ni Neri kung nagtatampo pa ba siya o masama ang loob. Ngunit ng marinig niya ang boses ng ina ay bigla na lang niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
Doon niya naramdaman ang init ng pagmamahal ng mommy niya kaya naman bigla na lang bumigay ang kanyang mga luha.
Wala naman ibang masabi si Rozalyn ng makita ang anak. Sa ilang linggo nitong nawalay sa kanya ay parang ilang taon ng buhay niya itong hindi nakasama. Unang pagkakataon iyon na umalis ang anak ng hindi sila masaya. Dahil ramdam niya tampo at sama ng loob nito sa kanilang mag-asawa.
Pero ngayon base na rin sa yakap at pag-iyak ng anak. Ay hinihiling niyang mawala na ang tampo nito at sama ng loob sa kanilang dalawa.
"Anak patawarin mo kami ng daddy mo. Hindi naman namin ginusto na ganoon ang kalabasan ng paghahanap natin sa nakaraan ni Jose. Gusto lang naman nating lahat na mawala ang guilt sa puso niya na dala-dala niya. Pero hindi ko akalaing siya pala ang nawawala kong pamangkin. At kung ikukumpara sa edad niya. Siya talaga iyon anak. Isang taong mahigit na si JL ng mawala ito at hindi namin nakita. Ilang taon pa ang lumipas bago pa kami nagkakilala ng daddy mo. Tapos bago pa kita maipanganak. Patawad anak."
Napatingin naman sila sa may bungad ng pintuan ng biglang lumabas si Nicardo na ngayon ay nagpupunas na rin ng pisngi dahil sa mga luhang hindi nito mapigilan.
"Daddy," aniya at sinalubong na ito ng yakap. Kahit saan tingnan o daanin, napakasarap pa rin talaga ng yakap ng mga magulang mo na nagmamahal sayo. Na kahit magkaroon kayo ng samaan ng loob at tampuhan. Isang yakap lang nila sayo, mapapawi ang lahat ng sakit na kinikimkim mo.
"Patawarin mo kami anak," malungkot na saad ni Nicardo habang hindi pa rin binibitawan sa pagkakayakap ang anak. "Palagi mong tatandaan na nandito lang kami ng mommy po para sayo. Mahal na mahal ka namin, at gagawin namin lahat ng makakaya namin para mapasaya ka lang anak."
Yumakap din sa kanila si Rozalyn. "Ikaw lang ang baby namin kaya kahit malaki ka na, ikaw pa rin ang nag-iisa. Sobrang lungkot ko ng umalis ka na may sama ng loob sa amin ng daddy mo. Pero masaya ako anak sa pag-uwi mo."
Ang pangungulila nila sa isa't-isa ng ilang linggo na hindi sila magkakasama ay napawi ng yakap na iyon.
Lumabas din ng bahay si Yaya Flor at may dalang breakfast. Masaya ito na makitang masaya at maayos ng muli ang pamilyang kanyang pinaglilingkuran.
Doon na sila kumain sa may garden. Kahit papaano ay naging masaya ang kanilang agahan.
Humugot ng malalim na hininga si Neri bago humarap sa ama na nakatitig pala sa kanya. "Daddy, may tanong po ako. Ilang beses ko po pinag-aralan ang mga kwento po ninyo sa mga nangyari kina Tita Ronelyn at Tito Jake. Pakiramdam ko nga, sinapian ako ni Inspector Kōichi Zenigata eh."
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Joselito Dimaano
RomanceBlurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita...