Chapter 26

143 1 0
                                    

Chapter 26

Nasa hapag si Neri at kasabay na kumakain ang kanyang mga magulang, ganoon din si Yaya Flor. Hindi maiipagkaila sa kilos ng dalaga ang sobrang kasiyahan. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? Kung ang lalaking bigla na lang umagaw ng atensyon niya, boyfriend na niya ngayon.

"Anak parang kakaiba ang saya natin ngayon ah. Nakita lang kita kanina na kausap si Jose. Nagkausap naman nga ba kayo?" biro pa ng daddy niya na nagpanguso sa kanya.

"Syempre naman daddy. Kahit naman po hindi nagsasalita si love, syempre naman po nagkakaintindihan po kami," aniya ng biglang mawala ang ngiti sa labi ng daddy niya. Katulad din sa mommy niya at kay Yaya Flor.

"May problema po ba? Bakit po parang nawala ang ngiti ninyo?"

"Wala naman anak. Talaga bang love ang tawag mo sa kanya? Bakit hindi mo na lang tawagin na Kuya Jose," ani Nicardo na ikinabuntong hininga ng asawa.

"Wala naman po sigurong masama. Kahit naman po si love pumapayag," kinikilig pang wika ni Neri, pero hindi niya sasabihin sa magulang ang relasyon  na mayroon sila ni Jose. Mas gusto pa rin niyang ito ang umamin sa mga magulang niya ng relasyon na mayroon sila.

Nagpatuloy lang sila sa pagkain ng maalala ni Neri ang mga posibleng maging lolo at lola ni Jose.

"Mommy, daddy maalala ko po. Si Lola Leticia po at si Lolo Joseph, babalik pa po ba sila dito? May resulta na po ba doon po sa pagpapa-DNA test nila?" masayang wika ni Neri na may halong excitement.

"Anak paano kung maging magkamag-anak nga sila ni Jose?" malungkot na tanong ni Rozalyn na ikinabuntong hininga ni Nicardo. Napatigil naman si Yaya Flor sa pagsubo ng marinig ang tanong na iyon.

"Magiging masaya po mommy. Syempre naman po. Hindi lang sina Kuya Igo at Kuya Cy ang pamilya ni love. Tapos hindi naman pala isang mahirap si love dahil mayaman pong taga Maynila ang kamag-anak niya."

Lalo lamang natigilan si Nicardo at Rozalyn sa sinabi ng anak. Pero agad ding nginitian ang anak saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Sige kumain ka lang anak, masarap yang luto ko. May ginawa pa akong minatamisang kamote," ani Yaya Flor na siya ng nangsalita ng hindi na nagsalita ang mga magulang ni Neri. Ipinagsawalang bahala na lang iyon ng dalaga lalo na at sa tingin naman niya wala naman talagang problema, dahil wala namang sinabi ang mga ito.

Hapon na ng mga oras na iyon at nasa may garden si Neri at nakikipag-usap sa mga bulaklak at halaman na nandoon ng makatanggap siya ng mensahe galing kay Jose.

Love:

Dadalawin kita mamaya, okay lang ba?

Halos mapatalon pa sa tuwa si Neri. Mula ng maging sila ni Jose ay palagi na lang niya itong namimiss minu-minuto. Kaya naman hindi na rin talaga mawalay sa kanya ang cellphone niya dahil sa paghihintay ng mensahe galing kay Jose.

Love:

Walang problema. Open ang bahay para sayo. May gusto ka ba? Magluluto ako.

Excited pa siya sa pagsend at mabilis ding nakatanggap ng reply.

Love:

Cookies

Iyon lang ang sinabi ni Jose, pero halos tumalon ang puso niya sa tuwa. Mabilis siyang nangtungo sa kusina at nagtanong kay Yaya Flor ng mga ingredients na mabilis nitong inilabas mula sa may lagayan.

"Parang sobrang saya mo anak ngayon ah. Para kanino ba ang cookies na lulutuin mo?"

"Para kay love, yaya. Pupunta daw siya dito mamaya. Pero syempre,  para din sayo at kay mommyatdaddy, " masayang wika ni Neri na ikinatango na lang ni Yaya Flor. Tinulungan na lang nito ang dalaga, sa pamamagitan ng mga susukat ng mga tamang ingredients na kailangan nito.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon