Chapter 22

162 2 0
                                    

Chapter 22

Madilim pa at hindi pa sumisikat ng araw.  Maaga lang talagang nagising si Jose. Wala pa rin naman siyang trabaho sa araw na iyon. Lalo na at may nakaharang pang mga puno sa daraanan. Pwede naman. Kaya lang kailangan mong lakadin mula doon hanggang bayan bayan.

Napatingin pa siya kay Neri na mahimbing na natutulog. Hinalikan muna niya ito sa noo bago siya tuluyang bumangon.

Mula sa sampayan ay pininaw niya ang mga damit nilang nabasa na nalabahan na niya noong nagdaang araw tapos ay tinupi na rin niya iyon. Namula pa ang pisngi ni Jose ng mapagtanto kung ano ang hawak niya. Ang underware ni Neri na kulay pink.

"Ako nga ang naglaba nito kahapon. Tinutupi ko lang eh," aniya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Madaming dahon at kahoy ang nakakalat sa harapan at likuran ng bahay niya. Hindi naman niya nagawang makapagwalis kahapon gawa ng dumating nga si Cy at Igo. Nang makaalis naman ang mga ito ay umulan namang muli.

Alas tres na ng hapon kahapon ng tumigil ang ulan. Wala pa rin namang kuryente kahapon kaya nagluto na lang siya ng mga oras na iyon.

Tuyo na sa labas kaya naman napagpasyahan na niyang magtimpla ng kape at doon na lang inumin habang nagwawalis. Wala namang kapitbahay na malapit sa bahay ni Jose kaya naman malaya siyang makakapagsiga pagkatapos niyang magwalis.

2 a.m. and the rain is falling
Here we are at the crossroads once again
You're telling me you're so confused
You can't make up your mind
Is this meant to be
You're asking me

Wala sa loob ni Jose na kumakanta siya sa mga oras na iyon habang naghahakot ng mga putol-putol na sanga ng kahoy. Iniwan muna niya ang pagwawalis dahil hindi naman madala ng walis tingting mga malalaking sanga.

But only love can say - try again or walk away
But I believe for you and me
The sun will shine one day
So I'll just play my part
And pray you'll have a change of heart
But I can't make you see it through
That's something only love can do

Hinahakot lang niya iyon sa isang malalim na hukay at doon niya iyon sisindihan ng apoy, mamaya. Dahil sa magdamag namang walang ulan, kaya naman nawala na rin ang tubig sa hukay na iyon, na siya rin ang gumawa.

In your arms as the dawn is breaking
Face to face and a thousand miles apart
I've tried my best to make you see
There's hope beyond the pain
If we give enough, if we learn to trust

Matapos maalis ang mga sagabal na sanga ay isinunod ng walisin ni Jose ang mga nagkalat na dahon. Sumisikat na rin naman amg araw kaya naman, mas maliwanag na ang kanyang ginagalawan. Kanina naman ay kahit may dilim pa, ay sanay naman siya sa harapan niya kaya kahit papaano aninag niya ang kalat.

But only love can say - try again or walk away
But I believe for you and me
The sun will shine one day
So I'll just play my part
And pray you'll have a change of heart
But I can't make you see it through
That's something only love can do

Malapit na siyang matapos sa kanyang ginagawa ng mapagtantong kumakanta pala siya. Napangiti na lang si Jose sa hindi niya maipaliwanag na sayang kanyang nararamdaman. Pati pagkanta ay hindi niya napansing nagagawa na niya ngayon.

Napatingin pa si Jose sa balkonahe niya at naalala ang kanyang kape, kaya huminto muna siya sa ginagawa. Habang nakasandal ang likuran niya sa may lamesa at humihigop ng kape ay pinagmamasdan niya ang paligid na unti-unti ng nasasabugan ng sikat ng araw.

Napaunat naman ang kamay ni Neri, ng dahan-dahan siyang magising. Napakunot pa ang kanyang noo ng mapagtanong naririnig niyang may kumakanta.

"May kuryente na ba?" tanong niya sa sarili ng mapagtanong wala na siyang katabi sa higaan.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon