Chapter 34

154 1 0
                                    

Chapter 34

"Kumusta si love?" bungad agad ni Neri kay Cy ng makarating ito doon. Napatakip din naman kaagad siya ng bibig ng maisip ang pangalang nabanggit kay Cy.

"Sorry Kuya Cy, kumusta po si Kuya Jose. Okay lang po ba siya?" nahihiyang tanong ni Neri na ikinangiti naman Cy.

"Iyong hindi nakakakilala sa inyong dalawa mag-iisip lang ng mali sa sinabi mo. Pero kami, wala kang maririnig na panghuhusga sa amin. Kaya wag ka ng mahiya. May ipakikilala nga pala ako sa inyo. Nasaan si mayor?" tanong pa ni Cy ng mapatingin si Neri sa kasama ni Cy.

"Nasa loob. Sino siya kuya?"

"Si Alfredo," tipid na sagot ni Cy.

"Sinong Alfredo?"

"Alfredo ng love mo," ani Cy ng hindi mapigilan ni Neri ang mapatili.

"Hindi nga, Kuya Cy?" ulit niya sa tanong na ikinatango ni Cy. Kahit matangkad si Alfredo ay pilit na niyakap ni Neri ang lalaking kaharap kahit halos hindi niya maabot ang balikat nito.

Napatingin naman si Alfredo kay Cy na tumatawa at umiiling. "Hayaan mo na lang wag mo lang hahawakan, at pag iyang dalawa na yang ay hindi talaga magpinsan. At nalaman ni Jose na niyakap ka niya," sabay turo kay Neri. "Ay yari ka talaga doon sa isang iyon."

Paliwanag pa ni Cy, kaya naman medyo ibinaba ni Alfredo ang katawan para hindi mahirapan si Neri sa pagyakap sa kanya kahit hindi niya nauunawaan ng lubusan ang sinasabi ni Cy.

Ilang sandali pa at narinig nila ang boses ng isang lalaki na nagpabitaw kay Neri sa pagkakayakap kay Alfredo at tinakbo ang lalaking papalapit sana sa kanila.

"Daddy!" sigaw pa ng dalaga.

"Sino iyon Cy?"

"Iyong lalaki, mayor dito. Anak naman noon ang dalagang yumakap sayo na girlfriend ni Jose?"

"Talaga, sa tahimik ni Jose, nagkaroon ng ganoong girlfriend? Mukhang madaldal eh," natatawang puna pa ni Alfredo na ikinatawa ni Cy.

"Pero nagtataka ako. Bakit parang broken hearted si Jose ay ang ganda naman ng girlfriend niya?"

"Ganito kasi yan. To make the long story short," panimula ni Cy. "Sa daming hirap na pinagdaanan ni Jose, na walang siyang kasamang pamilya ngayon nakita na nga niya ang pamilya ng kanyang ama. Iyong lolo at lola nga niya na ipapakilala sayo. Kaya lang ang nanay ni Jose, lumalabas na kapatid ng nanay noong girlfriend niya. Kaya naman hindi lang iyon mukhang broken hearted. Broken na broken talaga."

"Ganoon pala, ay ano naman ang kalokohan ninyo ni Igo, at kinuhanan ninyo ng buhok si Jose. Daig pa ninyo ang magnanakaw, hindi man lang kayo nahalata."

"Malalaman mo din. Mabuti nga at sumama ka sa akin."

Tinawag na rin naman si Cy at Alfredo ng daddy ni Neri. Inanyayahan nila ang mga ito papasok sa loob ng bahay.

Nasa may library sila ng mga sandaling iyon. Kaharap ang mommy at daddy ni Neri, pati na sina Alfredo at Cy.

Ipinakilala ni Cy si Alfredo na labis na ikinatuwa nina mayor. Naikwento na rin ni Alfredo ang nangyari noon kaya naman, mas nauunawaan na nila ang lahat ng ngayon.

Tama talaga sila ng hinala, na hindi si Jose ang may mali sa nangyaring iyon. Pero mas nagpapasalamat sila kay Yaya Flor na siyang nagbigay linaw sa naguguhan nilang isipan ng malaman nila ang nakaraan ni Jose.

"Nga pala, nasaan na iyong sinasabi mo? Hindi ba nakahalata si Jose?"

"Hindi po mayor, daig pang si flash ang mga kilos ni Igo eh," natatawang saad ni Cy.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon