Chapter 11

152 2 0
                                    

Chapter 11

Nasa loob sila ng private room kung saan dinala si Shey at ang baby nito. Kasama nila doon ang si Daddy Henry, Yaya Lourdes, mag-asawa ni Cy, mga magulang ni Neri at si Jose na tahimik lang sa tabi ng dalaga.

Naninibago talaga si Neri kay Jose lalo na at hindi na ulit ito nagsalita. Tumatango na lang ulit ito at umiiling sa mga tanong niya.

Kausap ni Igo ang ang doktor na nagpaanak sa kanyang asawa. Kasama nito ang dalawang nurse na nag-aayos ng dextrose na nakalagay kay Shey. Kausap naman ni Daddy Henry at Yaya Lourdes ang pediatrician ng kanilang anak. Kung tutuusin ay may apat na ibang tao sa kwartong iyon.

Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Neri dahil hindi na naulit ang pagsasalita ni Jose. Mula ng maglakad sila may hallway hanggang sa makapasok ng kwartong iyon.

Ilang sandali pa at ipinagpaalam ng doktor na dadalahin muna si baby sa NICU (neonatal intensive care unit). Pumayag naman sila. Ang daddy ni Shey ang sumama para sa pagdadala doon sa kanyang apo. Itawag na lang daw pag nagising si Shey para madala ulit ang sanggol para mapabreastfeed.

Umalis na rin ang nurse at doktor na sumusuri kay Shey. Dahil nakatulog ito sa pagod, maya't-maya ang monitor dito para masiguradong nasa maayos itong kalagayan.

"Love, hindi pa kumakain. Kumain ka kaya muna. Or ako na lang ang lalabas. Alam kong pagod ka dadalahan na lang kita ng pagkain dito." bulong ni Neri habang hawak ang braso ni Jose. Akala niya ay hindi pa rin ito sasagot pero bigla itong nagsalita.

"Ayos lang ako. Kaya ko pa naman. Ang mahalaga, maayos lang ang lagay ng inaaanak ko at ang asawa ni Igo." sagot ni Jose kaya naman nagulat si Neri.

"Bakit hindi ka sumasagot kanina? Pwede ka naman palang magsalita." may halong pagtatampo nito kay Jose pero narinig naman ng ibang nandoon ang sinabi niya.

"Alam mo Neri ikaw lang ang nakapagpasalita dyan ng madalas. Isa pa, ayaw ni Jose na magsalita sa harap ng madaming tao. Hindi iyan nakikipag-usap sa iba. Pero napakaswerte mo, kasi kinakausap ka ng isang iyan maliban sa amin ni Cy." paliwanag ni Igo. "Isa pa sayang kasi kung mas maaga mong nakilala si Jose, narinig mo sana ang isang iyan na kumanta. Once in a lifetime lang mapakanta sa harap ng madaming tao ang isang iyan. Noong kasal namin ng asawa ko. At kasal ni Cy at ng asawa niya." dagdag pa ni Igo na ikinailing ni Jose.

Mangha namang napatingin si Neri kay Jose. Hindi niya akalaing kumanta ito sa kasal ng dalawang kaibigan. "Kailan ko kaya maririnig ang boses mo na kumakanta. Tapos ako ang kakantahan mo." kinikilig pang wika ni Neri sa isipan ng mapatingin siya kay Cy.

"Kung nagtitiwala at komportable sayo si Jose iimik yan pag gusto niya. Pero kung hindi, kahit pa maghapon at magdamag mo yang kausapin hindi yan magsasalita. Kung narinig nating lahat ang boses ni Jose ngayon. Ibig sabihin n'yan nagtitiwala at komportable si Jose sa ating lahat." ani Cy ng mapatingin silang lahat kay Jose na napapangiti at napapailing habang namumula ang pisngi.

"Sus, nahiya pa. Kung hindi ka namin kilala ni Cy na hudyo ka baka kahit kami ay magtaka." sabat ni Igo ng itaas ni Jose ang gitnang daliri nito.

"G*go!"

"Naku Dimaano. Pasalamat ka at wala dito ang anak ko. Hindi na pwede iyang mga salitaan na iyan baka marinig ng baby."

Natawa naman silang lahat sa sinabing iyon ni Igo. Napangiti naman si Neri sa nalaman niya. Ibig sabihin. Komportable at may tiwala sa kanya si Jose, kaya siya kinakausap nito. Ganoon din sa mga magulang niya na nandoon, na hindi alintana ni Jose, dahil umiimik ito.

"Pwede ko bang malaman kung bakit madalang kang magsalita? Bakit hindi ka komportable sa ibang tao?" tanong ni Neri na biglang ikinatahimik ng lahat.

Nakita niya ang sabay na pag-iling ni Cy at Igo, lalo na ang biglaang pag-iiba ng awra ni Jose. Hindi naman ito galit. Pero nararamdaman niyang hindi ito masaya sa tanong niya.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon