Chapter 9

134 3 0
                                    

Chapter 9

"Dito na ako sa bahay love." paulit-ulit na basa ni Neri sa text na ipinadala niya kay Jose ng makauwi siya ng bahay. Pero hanggang sa mga oras na iyon ay wala man lang itong reply. Nakakailang silip na siya noon sa cellphone niya pero wala talaga.

"Napakadaya mo talaga love. Wala man lang reply. Baka naman kasi busy lang talaga. Pero sabi mo magpadala ako ng mensahe pagkauwi ko? Nabasa mo ba? Baka naman di ba, tapos busy ka lang." pangungumbinsi pa ni Neri sa sarili.

Hapon na ng mga oras na iyon, pero kahit ang pamatay nitong tuwid na tuwid na letter K ay wala man lang dumating sa kanya.

"Wala ka bang load kahit piso?" nakanguso pa niyang tanong habang kinakausap ang mensaheng ipinadala niya kay Jose.

Bumaba siya ng garden at doon na lang naupo. Napabuntong hininga pa siya ng maisip na wala na talaga siyang pag-asa na replyan ni Jose.

"Anong akala mo sa inyong dalawa close na. As in dikit?" wika pa ng epal niyang isipan. "Bakit, hindi pa ba? Hinalikan na nga ako sa noo tapos isang tuwid na K lang walang reply?" naiinis na siya sa sarili sa mga oras na iyon.
"Kasi nga hindi kayo close?" sagot pa ng isipan niya. "Pero di ba, sinabi niyang sabihin ko sa kanya pagnakauwi na ako." bulong ng puso niya.

Napahawak na lang si Neri sa sentido kahit kasi ang puso at utak niya ay nagkakasagutan na.

"Busy kaya?" epal na naman ng isipan niya. "Hindi mo ba nakita iyong truck na ibababa nila ang laman?" dagdag pa nito.

"Bakit ko nga ba siya pinag-iisipan ng masama kung pwede ko naman siyang itext pagnakauwi na siya ng bahay niya." napatango pa siya sa sinabi. "Tama ganoon na lang ang gagawin ko." nakangiti pa niyang sabi ng makita niya ang Yaya Flor niya. Kinawayan niya ito at walang pag-aatubiling lumapit sa kanya.

"Yaya, magkape po tayo. Parang gusto kong magkape." pakiusap niya sa yaya niya ng tumango ito.

"Sige, magtitimpla ako, at sabay tayong magkape dito." sagot nito at hinayon ang kusina.

Ilang sandali lang naman at bumalik na rin ang yaya niya. Bukod sa black coffee ay may dala pa itong homemade cookies na sure siyang ang mommy niya ang gumawa.

Gabi na ng makauwi si Nicardo galing munisipyo. Napakadami nilang ginagawa ngayon. Lalo na ang pagtulong sa sangay ng departamento na namamahala sa pagpapasemento ng daan sa mga liblib na lugar para mas madali ang trasportasyon para makapasok at makalabas ang mga sasakyan. Higit pa doon na mas kinakailangan talaga iyon ng mga mamamayan.

"Bakit malungkot ka anak?" puna ni Nicardo sa anak. Masaya itong tingnan, ngunit mababakas sa mata ang kalungkutan.

Nasa hapag na sila noon habang hinihintay matapos sa paghahayin si Yaya Flor.

"Wala naman daddy. Sabi po kasi sa akin ni Kuya Jose ay magpadala daw ako ng mensahe sa kanya pag nandito na ako sa bahay. Pero gabi na, wala pa ring reply."

"Anak ang sinabi lang sayo magpadala ka ng mensahe pag nandito ka na sa bahay. Walang sinabing magrereply pa sayo." natatawanag wika ni Nicardo ng makatanggap ito ng kurot mula sa asawa.

"Roz naman!  Masakit." reklamo nito.

"Masakit?" tanong ni Rozalyn na mabilis na ilinatango ni Nicardo.

"Ayon masakit naman pala, pero kung maasar mo ang unica hija natin, para kang bata."

"Sorry na Roz. Ang cute kaya ng prinsisita natin. Kahit problemado, sa bagay na hindi naman dapat pinuproblema." ani Nicardo at muli na naman siyang kinurot ng asawa.

"Roz naman."

Napuno ng tawanan ang hapag ng magsimula silang kumain, dahil sa kakulitan ng mag-ama. Naikwento na rin ni Neri kung saan niya nakuha ang gasgas sa tuhod, siko at palad na labis na ipinag-alala ng ina. Napansin kasi nito iyon bago pa sila maupo.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon