Chapter 33

128 2 0
                                    

Chapter 33

Nakahiga lang si Jose sa ginawa niyang duyan sa likod bahay, habang nakapikit ang mga mata. Mainit na ng mga oras na iyon, at malapit na ring magtanghalian. Pero dahil nasa may duyan siya ay hindi man lang siya nakakaramdam ng init. Malamig sa ilalim ng puno ng mangga.

Isang beses lang naman siyang isinama ni Bernie sa byahe at binigyan ulit siya nito ng isang linggo na pahinga.

Ilang araw na rin siyang ganoon. Hindi man masaya ang buhay niya pero kahit papaano ay tahimik at payapa.

Pag nasa bahay si Jose ay hindi man lang nito hinahawakan ang cellphone. Basta kung kailan lang ang sinabing pagpasok niya sa trabaho. Doon lang niya titingnan ang cellphone niya kung may mensahe. Para malaman kung need ba niyang pumasok ng maagap o hindi.

Naaagaw na ng antok ang diwa ni Jose ng makarinig siya ng boses ng mga nagtatalo.

"Lumakad ka na kasi, ang tanda mo na ngayon ka pa nahiya."

"Paano ay noong nagkita kami doon sa kabilang bayan, tinitigan lang ako. Hindi man lang ako kinausap. Paano ako hindi tatamaan ng hiya ngayon?"

"Sus, sinasabi ko nga sayo walang ibig sabihin iyon. Ang mahalaga magkausap kayo. Para naman mabawasan ang bigat ng kalooban ni Jose. Imagine kulang-kulang dalawampung taon niyang kinimkim sa kalooban niya ang bagay na iyon."

"Kaya nga naguguilty ako sa paghihiwalay namin. Kaya naman sobrang saya ko ng makita ko si Jose noong isang araw. Hindi ba talaga kayo galit sa akin?"

"Rodrigo ako kaya ang bumugbog sa isang ito. Sasamahan ka ba namin kung galit kami sayo. Mga bata pa kayo noon. Kaya naman itama na ninyo ang dapat itama mag-usap kayo para sa ikatatahimik ng naguguluhan ninyong damdamin."

"Tara na, sa likod ng bahay Cy. Sure akong nandoon si Jose. Baka ako ang magbigay ng pasa sa isang iyan."

"Grabe kayong dalawa, ramdam na ramdam na hindi kayo galit."

"Sus, drama. Tara na."

Dinig ni Jose na pag-uusap ng tatlong tinig. Alam niyang si Igo at Cy ang dalawa. Pero ang isa ay nahuhulaan na rin niya kung sino. Ayaw lang niyang umasa.

"Jose!" tawag sa kanya ni Igo ng makalapit ito sa kanya. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Pero ramdam niyang naupo na ang mga ito sa upuang nandoon.

"Jose," panimula ng kasama ng dalawa.

Nagmulat siya ng mata, bago naupo muna sa duyan. Nakita niya si Alfredo na sa tingin niya ay kinakabahan. Hindi man ito ganoon noong nagkita sila. Pero ngayon ay may halong pangamba.

"Jose, sana naman ay kausapin mo na ako ngayon. Sa totoo lang, naglakas loob pa akong kausapin ang dalawa mong kaibigan para lang masamahan nila ako dito ng makausap ka," paliwanag ni Alfredo na ikinabuntong hininga ni Jose.

Magsasalita pa sana si Alfredo ng biglang tumayo si Jose at iniwan sila. Napahugot naman ng hininga si Alfredo sa ginawang pag-alis ni Jose.

"Galit ba siya sa akin?" malungkot na tanong ni Alfredo ng makatanggap ng isang batok mula kay Cy.

"Ganyan ba ang drama ng guilty? Paano magagalit ang isang iyon, kung ang alam niyang siya ang nakabaril sayo at muntik ka ng mamatay." saad pa ni Cy.

"Masyadong mabait si Jose para magkaroon ng galit sayo. Pumasok iyon ng bahay kasi magtitimpla ng kape. Drama mo," sita ni Igo ng makita nila ulit si Jose na papalabas ng bahay na may dalang malaking tray na may lamang apat na tasa ng kape at nilabong saging na saba.

"See, masarap pa rin talagang mag-usap pag-umiinom ng kape." dagdag pa ni Igo.

"Kahit tanghaling tapat?"

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon