Chapter 30

125 0 0
                                    

Chapter 30

Nakaupo lang sa may balkonahe at nakatingin sa kalawakan ng kadiliman ng kalangitan. Kahit papaano ay may nakikita pa siyang mga bituin kahit nasa Maynila siya. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan, habang dinadama ang maalinsangang init at lamig ng hanging panggabi.

Halos nasa dalawang linggo na rin si Neri doon. Palagi pa nga siyang nakakatanggap ng mensahe mula sa nga magulang, pero hindi niya magawang sagutin maliban sa sinasabi niyang maayos lang ang lagay niya doon.

"Maayos ka lang ba dito apo?" tanong ni Lola Leticia na ikinangiti niya.

"Maayos lang po ako la. Hindi man po ako sanay dito at ngayon lang po ako nakarating sa lugar na ito. Pero pakiramdam ko ay dapat lang na sanayin ko ang sarili ko. Salamat pa rin po at hinayaan ninyo akong sumama sa inyo dito."

"Wala namang problema iyon sa amin apo. Mahalaga ay alam naming nasa maayos na kalagayan si Jose. Masaya na kaming makita siya kahit hindi man lang kami inimikan," malungkot ngunit natatawang wika ni Lola Leticia.

"Ganoon po talaga si love. I mean Kuya Jose po la. Sorry po ha. Alam ko pong mali, pero hindi ko po mapigilan ang nararamdaman ko kay Kuya Jose. Alam naman po ninyo ang kwento kung paano kami nagsimula, tapos natapos ng ganoon na lang."

"Wag ka ng malungkot apo. Kami ang dapat humingi ng tawad sa inyong dalawa. Kung hindi dahil sa kapabayaan namin. Malamang ay lumaki kayo ni Jose na magpinsan at hindi na umabot sa ganito. Kaya patawarin mo kami apo."

"Salamat po sa pag-intindi la. Pero pagsumama na po si Kuya Jose dito. Aalis na rin po ako. Gusto ko man pong makasama siya. Kaya lang need po naming magkalayo. Nagmahal lang naman po ako la, pero ang sakit."

"Naiintindihan ko apo, naiintindihan ko. Salamat sa pagsama mo at ngayon ay kahit papaano may makakasama kami ni Joseph dito sa bahay maliban sa mga driver at katulong. Pero sa tingin mo sasama dito si Jose. Hindi ko man kilala ang apo ko, sa tingin ko, hindi iyon titira dito. Baka pagnatanggap na niya kami ay dadalaw iyon dito. Pero hindi mananatili," wika pa ni Lola Leticia na ikinatango lang ni Neri.

Sa tingin niya ay ganoon din. Dahil sa personality ni Jose, mas masaya na ito sa simpleng buhay na mayroon ito. Ang mahalaga lang ay maging maayos ang kalagayan ng mga kakilala at kaibigan na malapit dito.

"Nasaan po si Lolo Joseph?" tanong bigla ni Neri.

"Nasa library. Nandoon at nagmumuni-muni kung paano daw niya mapapagsalita ang aming apo. Kahit ako man gusto kong marinig ang boses niya. Kaya lang bigo kami," ani Lola Leticia ng maalala nila ang tagpo, sa bahay ni Jose bago sila umuwi ng Maynila.

Flashback

Napabangon sa duyan si Neri at Jose ng marinig ang boses ng daddy niya. Nagkatinginan pa sila ng marinig ang yabag ng mga ito papalapit sa kanila.

"Si daddy," ani Neri na ikinatango ni Jose.

"Jose, Neri," tawag pa ng kanyang ama.

Naramdaman pa ni Neri ang paghigpit ng yakap sa kanya ni Jose, bago niya naramdaman ang paghalik nito sa kanyang noo.

"Love," sambit pa ni Neri na kahit papaano ay ikinangiti ni Jose. Sa ngiti pa lang na iyon kahit papaano ay gumaan ang kalooban ni Neri.

Inalalayan naman ni Jose si Neri na makababa ng duyan, tapos ay bumaba na rin ito.

Saktong nakatayo na sila ng makalapit at yakapin si Jose ni Lola Leticia.

"Apo ko," umiiyak pa nitong sambit habang yakap-yakap si Jose. Kasunod naman noon ay ang mahigpit na pagyakap rin ni Lolo Joseph dito.

Lumayo ng konti si Neri, para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Nilapitan naman siya ng mommy niya. Pero agad din siyang lumayo dito. Bagay na ikinabuntong hininga ng kanyang ina.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon