Chapter 23

150 2 0
                                    

Chapter 23

Sakay ng tricycle, nasa byahe na ngayon si Neri at Jose. Pauwi na si Neri sa bahay nila matapos ang ilang araw na ma-stranded sa ibang lugar ang mga magulang niya. Nagkaroon na rin ng kuryente noong ikatlong araw at naalis na rin ang mga nakadagmang na punong natumba sa daan sa tulong na rin ng mga punong barangay at mga kagawad nito.

Matapos makapagcharge ng cellphone ay nakatanggap na si Neri ng mensahe mula sa mommy niya na nasa bahay na ang mga ito. Kaya naman kahit ayaw niyang umuwi dahil alam niya sa sariling mamimiss niya si Jose ay hindi naman pwedeng hindi siya uuwi ng bahay nila.

"Love hindi ka talaga papasok sa loob?" tanong ni Neri ng makarating sila sa may gate ng bahay nila. Iling lang ang naisagot ni Jose, na ikinangiti ni Neri.

"Bumalik ka na naman sa pag-iling-iling mo. Pero mahal kita. Palagi mo iyong tatandaan ha," ani Neri at hinalikan pa si Jose sa pisngi.

Napangiti naman si Jose sa ginawa ng dalaga pero agad ding naglayo ng makarinig ng tikhim.

"Daddy!" gulat na sigaw ni Neri na ikinatawa ng kanyang ama.

"Hindi ka ba muna papasok sa loob Jose?" tanong ni Nicardo na iling at ngiti lang din ang sagot ni Jose.

Napatingin na lang dito si Neri. Napakamoody pa rin ni Jose sa pagsasalita pag may kaharap na iba. Kahit naman pag sila lang dalawa. Pero may pagkakataon din naman na bawat tanong niya ay sinasagot nito. Hindi man madalas pero may pagkakataon.

"Sige hijo ingat ka pag-uwi. Paggusto mong magtungo dito sa bahay, bukas ang bahay para sa iyo. Hmm," wika pa ni Nicardo. Sinagot lang naman iyon ni Jose ng pagtango. Yumukod pa si Jose bilang tanda ng paggalang at pagpapaalam.

Nilapitan naman ulit ito ni Neri at hinalikan ulit si Jose sa pisngi. Hindi alintana ng dalaga na nandoon sa tabi nila ang ama. Kumaway pa si Neri kay Jose habang papalayo ang tricycle na sinasakyan nito.

"Ehemm," tikhim ng daddy niya kaya napatingin siya dito. Nakita pa niya ang paniningkit ng mata nito.

"Hangin ba ako dito anak? Mukha ba akong bulag para hindi makita ang kasweetan mo sa binatang iyon? Kunting pakipot namang bata ka. Ma-stress sa iyo ang matandang tatay mo eh." wika pa ni Nicardo ng bigla siyang niyakap at hinalikan nang hinalikan ang pisngi ng anak.

Napatawa naman si Nicardo sa ginawang iyon ni Neri. Naalala pa niya noong limang taong gulang pa lang ito. Palagi itong naglalambitin sa kanyang leeg at hahalik ng hahalik sa kanyang pisngi, pag naglalambing.

"Bakit ang gwapo-gwapo mo ngayon daddy. Ilang araw ko lang kayong hindi nakita ni mommy, pero napakagwapo mo pong talaga. Kaya naman maganda ang anak mo kasi manang-mana sayo," ani Neri ng mapatingin pa sa may pintuan ng bahay nila at lumabas ang mommy niya.

"Mommy!" Sigaw pa niya at sinalubong ito ng yakap. "Mommy ang ganda-ganda mo po talaga. Pareho kayo di daddy na ang gwapo ngayon."

Napatawa naman si Nicardo ng makalapit sa kanyang mag-ina. Napakakulit talaga ng kanya anak. Kaya naman kung anu-ano na ang sinasabi nito.

"May gusto ka bang ikwento anak? Ilang araw din kayong magkasama ni Jose sa bahay niya. May tiwala ako sa inyo anak. Alam kong alam mo ang limit mo bilang isang babae. Oo nga at dalaga ka na, pero ikaw pa rin ang baby namin ng mommy mo. Nag-iisa ka lang kaya naman, iniingatan ka namin at ibinibigay ang lahat ng kaya naming ibigay sayo," paliwanag ni Nicardo kaya niyakap ulit ito ng anak.

"Sa loob po tayo, ikwento ko po sa inyo ang lahat. And sa tiwala po, magtiwala lang po kayo sa akin, lalo na kay Kuya Jose. Kahit po yata maghubad ako sa harap ni love, I mean Kuya Jose po. Hindi po siya lalampas sa bagay na iniisip po ninyo. Ganoon po niya ako iginagalang. Kaya po mahal na mahal ko po siya," aniya at hinigit pa papasok ng loob ng bahay ang mga magulang.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon