Chapter 37

194 1 0
                                    

Chapter 37

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jose ng makarating siya sa harapan ng malaking bahay.

Ikalawang beses niyang tatapak sa bahay na iyon. Ang una ay ang araw na ipinakilala niya sa lolo at lola niya si Alfredo. Tanggap ng mga ito si Alfredo bilang kaibigan niya. Syempre lalo na sina Igo at Cy. Pero hindi tinanggap ng mga ito si Alfredo bilang taga bantay ng mga ito. Mas tinanggap ng mga ito si Alfredo bilang makakasama niya sa probinsya. Kung nasaan si Jose, nandoon din si Alfredo. Magiging bantay pa si Alfredo ni Jose at ang magpapasahod dito ang lolo at lola ni Jose.

Ayaw pa sana noon ni Jose. Lalo na at hindi iyon ang plano niya. Pero dahil sa naaawa siya kay Alfredo, kahit ayaw niya tinanggap ni Alfredo ang offer ng lolo at lola niya, kasama niya. Pero kasama lang at kaibigan ang usapan nila ni Alfredo at hindi katulong na tulad ng sinasabi ng lolo at lola niya.

"Hindi ka pa ba magdodoorbell?" tanong ni Alfredo na ikinabuntong hininga ni Jose.

Wala siyang idea sa dahilan ng pagpapatawag ng lolo at lola niya sa kanya. Ang alam lang niya ay may mahalagang bagay na sasabihin ang mga ito.

"Apo!"

Napatingin naman si Jose ng naglalakad na papalapit sa may gate ang lola niya. Malawak ang ngiti nito na sumalubong sa kanya.

Pinagbuksan naman sila ng gate ng katulong. Nagmano naman si Jose sa lola niya. Ganoon din ang ginawa ni Alfredo.

Pagpasok nila ng living room ay nakita niya doon ang kanyang Lolo Joseph na may kausap sa telepono.

"Ako na ang bahalang kumausap sa kanya. Nandito na pala ang apo ko. Ako na ang bahala. Wag kang mag-alala. Madami ng nasayang na panahon. Kaya naman sa puntong ito kailangan ng maging maayos ang lahat. Oo ako na. Sige bye."

Rinig pang wika ng lolo niya sa kausap nito bago nito ibinaba ang telepono. Nakangiti itong sumalubong sa kanya. Nagmano din siya dito pati na rin si Alfredo.

"Alam kong wala kang idea sa pagpapatawag namin sayo apo. Kaya lang bilang lolo mo gusto ko pa ring masigurado ang future mo."

Nakatingin lang si Jose sa lolo niya, at naghihintay ng maaari nitong sabihin sa kanya. Kung ano man iyon, sa isip niya ay pagbibigyan na lang niya. Wag lang ang tumira sa Maynila. Dahil nasa probinsya ang buhay niya.

"Apo, gusto kong maging masaya ka, kaya lang alam kong ang minamahal mo ay hindi nakatadhana para sayo."

Natigilan si Jose sa sinabing iyon ng lolo niya. Hindi niya alam ang gusto nitong sabihin. Pero sa paninimula pa lang nito. Parang nagkakaroon na siya ng idea.

"Napagdesisyunan namin ng lola mo na ipagkasundo ka sa isang babae na sa tingin namin ay karapat-dapat sayo. Sana ay pagbigyan mo kami ng lola mo, na magdesisyon para sa pag-aasawa mo. Siguro naman ay walang masama sa nais namin para sa iyo apo."

"Apo pagbigyan mo sana kami ng lolo mo. Nararamdaman namin na mula ng mabigo ka sa una mong pag-ibig. Wala ka ng balak na palitan si Neri sa puso mo. Pero hindi naman pwede iyon apo. Matatanda na kami. Gusto sana namin ng lolo mo na bago kami pumanaw ay mayakap man lang namin ang aming mga apo sa tuhod."

Nakatingin lang si Jose sa dalawang matanda na nakikiusap sa kanya. Sa tingin niya ay wala namang masama sa kagustuhan ng mga ito. May choice pa ba siya? Ang tadhana nga ay hindi sila binigyan ng pagkakataong pumili ng desisyon para sa sarili nila. Kaya ano pa ang mawawala kung tatanggihan niya ang lolo at lola niya sa desisyon ng mga ito. Wala naman di ba?

Tumango na lang si Jose bilang sagot.

Nakatingin lang naman si Alfredo sa kanila. Minsan gusto niyang batukan ang sarili dahil sa nangyari kay Jose na napakatipid magsalita. Minsan hindi talaga nagsasalita. Katulad ng sa ngayon.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon