Epilogue
Isang buwan ang mabilis na lumipas. Nakatayo lang si Jose sa may balkonahe ng bahay niya suot ang Barong Tagalog na siyang suot niya sa kanyang kasal.
Hindi katulad ng ibang ikakasal na ang suot ay three piece suit. Mas pinili ni Jose ang simple. Ang Barong Tagalog.
Napatingin pa siya sa bakuran ng kanyang bahay. Noong nakaraang tatlong linggo hindi pa ganoong kaliit ang winawalisan niya. Pero ngayon halos nasa sampung dipa na lang ang lapad noon mula sa pinaka kalsada.
Ang tatlong linggong hiningi ng lolo at lola niya na pagstay sa Maynila ay iyon na pala ang kanyang madadatnan.
Wala na ang dati niyang bahay. Pagbalik nila ni Alfredo galing Maynila isang malaking bahay na kulay gray at itim ang nadatnan niya. Pagpasok niya sa loob ay mayroon na itong limang kwarto, bukod pa ang dalawang kwarto para sa katulong kung mayroon man at ang isa na para sa kanya ang masters bedroom.
Hindi naman niya magawang makapagreact dahil wala na ang dating bahay niya. Noong araw ding iyon pumunta si Cy at Jose para ibigay ang isang malaking frame ng larawan ng dati niyang bahay. Kinuhanan daw ng mga ito ng larawan iyon at baka daw sumama pa ang kanyang loob na sa huling pagkakataon hindi niya nakita ang bahay niya. Mga g*go talaga.
Pero ang larawang nakaframe na iyon ng kanyang bahay ay inilagay niya sa pinaka living room ng bagong bahay na iyon. Wala na rin naman siyang inalala sa mga gamit ng bahay dahil kompleto na iyon ng umuwi siya.
"Ayos ka lang Jose?"
Napatingin siya kay Igo ng tanungin siya nito. Hindi naman niya alam ang isasagot. Sa totoo lang hindi siya okay.
Tumango na lang siya. Ayaw niyang mag-alala ang mga kaibigan.
"Nandito lang kami para sa iyo. Hindi namin alam ni Igo na may ganoon pa lang pangyayari sa Maynila ng lumuwas kayo ni Alfredo. Akala namin ay namimiss ka lang ng lolo at lola mo. Ipinagkasundo ka na palang ipakasal sa iba." wika naman ni Cy.
"Pero hiling pa rin namin na maging masaya ka. Sa totoo lang aaminin kong ako ang kumuha ng buhok mo para maipatest kung talagang magpinsan kayo ni Neri. And worst iyon ang huling mensaheng natanggap ko sa kanya. Positive daw na magpinsan kayo. Kinumusta ko din naman si Neri kay mayor kaya lang nagkulong na lang sa kwarto si Neri, mula ng malaman niyang magpinsan kayo."
Napahugot na lang si Jose ng malalim na paghinga. Kahit naman siya ay nasasaktan pa rin hanggang ngayon sa nalaman nilang sitwasyon ng kanyang minamahal. Pero wala naman sila parehong magagawa. Kung iyon ang nais ng tadhana.
Pagkalabas ni Alfredo na bahay ay hinayon na nila ang sasakyang nakaparada sa garahe doon. Si Alfredo ang magsisilbing driver ni Jose patungong simbahan.
Doon na rin kumakay si Cy at Igo. Wala kasi silang dalang sasakyan noong magtungo sa bahay ni Jose. Ang asawa naman ng dalawa ay nasa simbahan na. At naghihintay na lang sa kanila.
Pagdating nila sa simbahan ng San Lazaro ay nakita nila ang mga katrabaho nila sa palengke. Masayang bumati ang mga ito sa kanya. Alam naman ng mga ito ang ugali niyang tipid at pili lang magsalita kaya naman ayos lang sa mga ito na hindi sumagot si Jose.
Ilang sandali pa ay may lumapit na staff ng simbahan sa kanila.
"Request po ng magulang ng bride na kung maaari ay bigyan daw po ninyo ng isang kanta ang bride ninyo."
Napatingin naman si Igo at Cy kay Jose. Hindi mo ito basta-basta mapapakanta o mapapagsalita.
"Sige po kami na po ang bahala," ani Igo na bago nagpaalam ang staff ng simbahan.
"Alam namin na darating si mayor dahil kasal mo ito kaya naman, gawin mo ang request ng bride mo. Malamang kasama nila si Neri ngayon dahil kasal mo ito. Kahit ngayon lang. Kumanta ka sa kasal mo. Kahit para sa mahal mo nakaalay ang kanta mo at hindi sa bride mo."
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Joselito Dimaano
RomanceBlurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita...