Chapter 27

112 1 0
                                    

Chapter 27

Nakatitig lang si Jose sa dalawang matanda na kanina ay nakayakap sa kanya. Nakaupo na sila ngayon sa couch na nandoon sa may living room.

Katabi niya si Neri sa pandalawahang couch. Ganoong din ang mga magulang ni Neri. Nasa harapan nila ang mag-asawa.

Napatingin naman si Jose kay Neri na nakatingin din sa kanya. Napangiti naman dito si Neri na talagang excited ibalita kay Jose ang nalalaman niya.

"Daddy, mommy, sabihin na po ninyo kung ano ang dapat ninyong sabihin at dapat naming malaman," nakangiti pa rin si Neri lalo na ang mag-asawang Francisco.

"Jose alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari. Sila si Mr. Joseph Francisco at si Mrs. Leticia Francisco na siyang kanyang may bahay. Nandito sila dahil hinahanap nila ang nawawala nilang apo. Sa kanilang paghahanap, ay natagpuan na nila ito," pahayag ni Nicardo na ang kalahati ay katotohanan.

Hindi niya pwedeng sabihin na siya ang naghahanap ng pinagmulan ni Jose, hanggang sa matagpuan nila ang simula. Gusto niyang mapatunayan na malinis ang record ni Jose, kaya naman hindi ito hinanap ng alagad ng batas, noon. Dahil kung talagang may kasalanan ito, kahit bata pa lang hindi titigil ang mga pulis sa paghahanap dito. Pero walang pulis na naghanap, wala ding criminal record. Kaya ang goal lang niya ngayon ay mahanap ang batang si Alfredo noon.

Napatingin lang naman si Jose kay Nicardo na nagsasalita. Hindi siya sanay na may ibang tao sa harap niya. Kaya puro titig lang ang naiibigay niya sa mga ito, kahit kay Neri.

"Alam kong nakapag-aral ka at matalino kang bata Jose. Basahin mo ito."

Ibinigay ni Nicardo ang resulta ng DNA test na ipinagawa ng mag-asawa. Nagtataka man ay inabot ni Jose iyon at binuksan. Napakunot pa ang kanyang noo ng makita ang resulta. Napatingin siya sa mga magulang ni Neri at sa mag-asawang matanda.

"Tama ang nabasa mo. Tunay na lolo at lola mo sila. Si Neri ang nakakuha ng DNA sample na galing sayo. Pasensya na kung hindi namin kaagad naipaalam sayo," wika ni Nicardo.

"Sorry love, gusto ko kasing masurprise ka pag nalaman mo. Hindi ko kasi alam na ngayon sila pupunta, sakto naman na patungo ka rin dito. Kaya naman hindi ko na sinabi. Sorry ulit love," ani Neri ng guluhin ni Jose ang buhok niya. Natuwa naman ang dalaga sa gesture na iyon ni Jose. Alam niyang hindi ito galit.

"Wag ka sanang magtanim ng sama ng loob kung bakit ngayon ka lang nila nakita. Kahit kami hinanap ka namin. Hinanap ka namin noong nalaman namin na may anak sila. Pero bigo kaming matagpuan ka noon. Lalo na at walang record ng pangalan mo. Maliban sa JL na sinabi ng mga naging kapitbahay ninyo noon ang pangalang ng batang anak ng dalawa at Yaya Len na siyang yaya ng bata," paliwanag ni Rozalyn na ikinakunot noo ni Neri.

"Mommy? Ano pong ibig mong sabihin? Bakit naman po ninyo hahanapin si love? Matagal na po ba kayong magkakilala nina Lolo Joseph at Lola Leticia? Bakit ngayon ko lang sila nakilala? Malayong kamag-anak po ba? Hindi naman po siguro masama kung pagdating ng future magkatuluyan kami ni love di po ba," tanong pa ni Neri sa mga magulang.

"Lolo? Lola? Hindi naman po masama iyon di ba? Kung sobrang layo na," aniya pa sa dalawang matanda. "Isa pa po ano po ba talaga ang nangyari sa mga magulang ni love? Bakit po wala sila dito?" naguhuluhan na niyang tanong na ikinabuntong hininga ng mga magulang niya at ng mag-asawang Francisco.

Flashback

Labing limang taon pa lang noon si Ronelyn ng makilala nito si Jake na noon ay nasa dalawampu't tatlong taong gulang na.

Taga Maynila si Jake na nabigo sa unang pag-ibig. Kaya naman para makalimot ay ninais nitong magbakasyon sa probinsya. Noong una ay nakaramdam si Jake ng pagkabagot. Wala na rin sa isip niya ang unang babae na kanyang minahal. Magpapasya na sana siyang umuwi ng Maynila ng makadaupang palad nito ang dalagitang si Ronelyn. Maganda ito at sa unang tingin pa lang ay nahulog agad ang loob ni Jake sa dalaga.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon