Special Chapter

333 8 0
                                    

Special Chapter

Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng ikasal si Neri at Jose. Maayos naman ang kanilang pagsasama. Katulad pa rin noong nakaraan. Tahimik pa ring madalas si Jose, pero nandoon ang sobrang pagiging sweet nito sa asawa. Lahat ng pwede nitong gawin at ibigay ay ibininigay at ginagawa nito para kay Neri.

"Love," tawag ni Neri sa pangalan ni Jose ng bigla itong maalmpungatan sa kalagitnaan ng gabi. Kahit mahimbing ang tulog ni Jose sa tabi ng asawa ay talagang nagigising siya pagtinawag nito ang pangalan niya.

"Hmm,"

"Love gusto ko ng focaccia."

Napabangon namang bigla si Jose sa sinabing iyon ng asawa. Hindi siya pamilyar kung ano iyong sinasabi nito na focaccia.

"Love ano iyon?"

Naguguluhan pa rin na tanong ni Jose. Hindi talaga niya alam kung ano iyon.

"Tinapay lang iyon love, pero doon ko iyon nakain noong nandoon ako kina Lola Leticia noong nakaraan. Love gusto ko noon."

"Anong oras pa lang Neri. Alas dos ng madaling araw. Tapos maghahanap ka ng focaccia na sa tanang buhay ko ngayon ko lang narinig. May pandesal doon sa may tindahan. Gusto mo bang ibili kita?" malambing pang tanong ni Jose ngunit hindi niya inaasahan ang pagbalong ng luha ni Neri na hindi niya malaman kung ano ang pinagmumulan.

"Love, may nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong masama?" nagtatakang tanong ni Jose na mas lalo lang ikinaiyak ni Neri.

"Wala naman sige na matutulog na ulit ako." walang buhay na wika ni Neri na ikinakunot noo ni Jose.

Napatingin na lang si Jose sa asawa na sa halip na mahigang muli ay bigla na lang bumaba ng kama, at mabilis na lumabas ng kwarto. Sinundan naman niya ito ngunit huli na ng mapagtanto niyang kinuha ni Neri ang susi ng isang kwarto at nagtungo doon. Bago nito isinara ang pintuan at inilock iyon.

"Love!" Malakas niyang tawag sa pangalan ng asawa, ngunit sinagot lang siya ng iyak at paghikbi nito.

Hindi tuloy niya malaman kung ano ang dahilan ni Neri kung bakit ganito ang ikinikilos ng asawa. Ilang araw na niyang napapansin na may kakaiba sa asawa. Noong una ay nagpabili ito ng pandesal tapos ay nagpahanap ng pinya na maliit pero hinog na. Hindi niya malaman kung saan hahanap noon. Kaya ginawa niyang magpadala ng mensahe na kayang Tito Hacobo. Kaya naman iyon na lang ang gulat niya ng magpadala ito ng isang truck ng pinya na ikinatuwa ni Neri. Matapos makapili ng limang piraso ng kanyang asawa ay ipinagpilitan nitong ipamigay na sa iba ang natira. Kaya naman ipinamahagi niya iyon sa mga kasamahan sa palengke. Kay Igo at Cy pati na rin sa mga magulang ni Neri.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jose, bago naglakad patungong kusina. Naabutan niya doon si Alfredo na nakatingin sa isang tasa ng kape na bagong timpla.

"Nag-away kayo? Narinig ko kasing may bumukas ng pintuan at ang paglagapak ng isa pa. Tapos ay tinawag mo ang asawa mo," ani Alfredo na malungkot na nakatingin sa kape.

Napailing na lang si Jose saka naupo na lang sa isang upuan doon. Tumayo naman si Alfredo at ipinagtimpla ng kape si Jose.

"Bakit ka tulalang nakatingin sa kape?"

"Iniisip ko pa rin kung paano ka nakakatulog ng maayos gayong nakailang tasa ka ng kape sa maghapon. Tapos umiinom ka pa ng kape bago matulog. Ako noong uminom ako ng kape kanina hindi na ako makatulog, nagtimpla ulit ako ngayon. Pero natatakot akong pag-ininom ko ito lalo na akong hindi makatulog," madramang saad ni Alfredo na ikinatawa ni Jose.

Napangiti naman si Alfredo sa inasal na iyon ni Jose. Madalang lang itong tumawa ng ganoon. Pero palagi itong nakangiti sa harapan ng asawa.

"Pero maiba ako, bakit mukhang magkaaway kayo, first time iyon ha," ani Alfredo na ikinabuntong hininga ni Jose.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon