Chapter 28
Pababa ng hagdanan si Neri ng makita niya ang mga magulang na nasa living room nandoon pa rin ang mag-asawang Francisco.
"Good morning anak, kumain ka muna ng breakfast. Hinintay ka talaga namin. Tara na, hindi ka na rin nakakain kagabi," wika ng kanyang ina pero nilampasan lang niya ang mga ito at hindi man lang binati.
Masama pa rin talaga ang loob niya. Sa dinami-rami ng magiging magulang ni Jose. Bakit ang Tita Ronelyn pa niya.
Tao din naman siya na nagugutom kaya naman nagtuloy na siya ng kusina at nagtimpla ng kape. Hindi din niya pinansin ang Yaya Flor niya na naghahanda na ng pagkain.
Matapos niyang magtimpla ng kape ay kinuha na lang niya ang tinapay na nandoon at iyon ang dinala niya sa may garden. Nilampasan lang niyang muli ang mga magulang.
Matapos makapagkape ay iniwan na lang niya doon ang kanyang pinagkapehan at naglakad papalabas ng gate.
Masama ang kanyang loob kaya wala talaga sa loob niya ang magpaalam pa sa mga magulang.
Natanaw na lang nina Nicardo at Rozalyn ang anak na papalayo sa bahay nila.
"Anong gagawin natin Nic?" nag-aalalang tanong ni Rozalyn sa asawa.
"Wala tayong ibang kailangang gawin kundi ang hintayin na matanggap ng dalawa ang sitwasyon nila ngayon," sagot ni Nic na iginaya sina Lolo Joseph at Lola Leticia patungong kusina. Nakausap na rin nila ang dalawang matanda tungkol kay Jose, at kung bakit wala itong sinabi sa kabila ng mga nabunyag na rebelasyon.
Sakay ng tricycle, si Neri at binabagtas ang daan patungo sa lugar nina Jose. Pero hindi doon ang tungo niya. Alam niyang hindi din siya kakausapin nito. Kaya mas mabuti pang ang mga kaibigan nito ang una niyang makausap.
Nasa tapat na siya ng daan patungo sa bahay ni Igo kaya naman doon na lang siya pumara. Matapos makapagbayad ay nilakad na lang niya ang daan patungo sa babay nito.
Nasa may bungad pa lang ay nakita na agad niya si Igo habang nakaupo at nasa tabi nito ang stroller ng anak. Palabas mg bahay ay nakita niya si Shey na papalapit sa mag-ama nito.
Bago pa siya nabati ng dalawa ay mabilis niyang tinungo si Shey at niyakap ng mahigpit. Doon niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya kinikimkim pagkagising niya.
Nagkatinginan naman si Igo at Shey. Inalalayan naman ni Igo ang asawa at si Neri para makaupo sa mahabang upuan na nandoon.
Hinahaplos lang ni Shey ang likuran ni Neri na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Langya Dimaano! Bakit ba ayaw mong sagutin ang tawag ko? Pinagpatayan pa nga," reklamo ni Igo ng magbusy tone lang ang pagtawag niya. Ilang beses pa niyang inulit ang tawag pero hindi na iyon nagriring.
Tatawagan pa sana ni Igo si Cy ng mapansin ang pagdating ng mag-asawa sakay ng tricycle.
"Anong meron dito?" nagtatakang tanong ni Cy habang itinuturo si Neri na nakayakap kay Shey at umiiyak.
"Hindi namin alam. Basta na lang sumulpot si Neri dito at ayan. Niyakap na ang asawa ko at umiyak nang umiyak."
Nilapitan naman ni Aize ang dalawa. Siya ang humaplos sa likuran ni Neri na patuloy pa ring umiiyak ngayon. Umiling naman si Shey bilang sagot sa pagtitig ni Aize na nangangahulugan na kung ano ang nangyari.
"Nakausap mo na ba si Jose?" tanong ni Cy ng makaupo sila malayo sa tatlong babae. Ang anak naman nila ay kinuha muna ni Yaya Lourdes, para ipasok sa loob ng bahay.
"Hindi pa eh. Hindi ko alam kung pinagpatayan ako ng tawag or namatay ang cellphone ng isang iyon."
"Hintayin na lang natin na magkwento si Neri. Ang hirap kasing wala tayong alam. Lalo naman at siguradong hindi magsasalita si Jose." saad pa ni Cy.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Joselito Dimaano
RomanceBlurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita...