Chapter 20

144 2 0
                                    

Chapter 20

Napatingin si Jose sa labas ng bintana at napagtantong nagsisimula na ang pagsikat ng araw. Wala na ring ulan at malakas na hangin sa mga oras na iyon. Sinilip niya ang cellphone at alas sais na rin ng umaga.

Napatingin siya sa dalagang mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang tabi, habang nakayakap sa kanya. Wala man lang pag-aalala ito sa sarili na baka masama siyang tao. Pero napangiti talaga siya sa tiwalang ipinapakita nito sa kanya. Sabagay, wala naman siyang masamang balak sa dalaga. Bagkus ay ang nais niya ay ang lahat ng makakabuti dito.

Mas isiniksik pa ni Neri ang sarili sa kanyang katawan. Kaya damang-dama niya ang init ng katawan at braso nitong nakayakap sa kanya.

"Hay naku, ang batang ito talaga," aniya at dahan-dahang inalis ang kamay ng dalaga sa katawan niya. Tinabihan niya ito ng unan niya, para ito ang magsilbing yakap-yakap nito.

"Jose," tinig mula sa labas ng bahay. Napakunot pa ang noo niya ng marinig ang sunod-sunod na pagkatok at pagbanggit sa pangalan niya.

Malapit na siya sa pintuan ng mapagtantong si Cypher at Rodrigo iyon.

Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang mukha ng dalawang kaibigan na napakalawak ng ngiti. Itinaas pa ni Cypher ang supot ng pandesal na dala nito.

Tinitigan lang naman niya ang dalawa kaya nagsalita si Igo.

"Nag-alala kami sayo, lalo na at kagabi pang walang signal. Hindi ka naman namin matawagan ni Cy. Kaninang umaga ay nabungaran ko na itong mag-asawa at nangungumusta," ani Igo ng mas lawakan ni Jose ang pintuan. Napasilip pa siya sa pintuan ng kwarto niya. Mabuti na lang at naisara niya iyon pagkalabas niya.

"Nandoon kina Igo ang asawa ko. Doon daw muna siya at makikipagkwentuhan kay Shey. Lalo na at tuwang-tuwa sa baby ang asawa ko." wika naman ni Cy habang tuloy-tuloy patungong kusina.

"Kaya ng sinabi ni Cy na hindi ka pa niya nakukumusta ay sumama ako sa kanya patungo dito. Kahit naman sabihin mong may asawa na kaming dalawa. Hindi ka namin kayang pabayaan ng ganoon na lang lalo na at solo ka dito sa bahay mo. Tapos kagabi pang walang kuryente.  Mabuti na nga lang at madaming solar pannel na nilagay ang daddy ni Shey sa bahay. Kaya hindi nanibago ang anak ko kahit bumabagyo."

"Kaya naman ngayong alam namin ni Igo na nasa maayos ka lang na kalagayan ay panatag na kami. Di Igo?" tanong ni Cy na ikinatago ni Igo.

"Dati kasi pag ganitong panahon. Basta tumigil ang hangin at ulan, kumakatok ka na sa bahay ko. Tapos pag nakita mo ako na ayos lang, umaalis ka na kaagad. Alam ko namang sinisigurado mo lang na maayos ang lagay ko. Tapos ay pupuntahan mo naman si Igo." Dagdag pa ni Cy.

"Kaya nga, tapos makikita ko na lang kayo ni Cy sa bahay ko at magkasama pa kayong kumakatok. Ngayon ay kanina pang madaling araw, humupa ang bagyo ay wala ka namang paramdam wala pa ngang signal." ani Igo sa kanya.

"Kaya naman, pinutahan ka na namin. Tapos ay may lutong pandesal na sa tindahan, kaya bumili na kami, bago magtungo dito. Kaya naman pakapehin mo kami. Kape tayo." ani Cy na siya ng kumuha ng takure at naglagay ng tubig doon. Ito na rin ang nagsalang sa kalan.

Si Igo naman ay kumuha ng tatlong tasa at ito na ang naglagay ng asukal at kape doon.

Kumuha naman si Jose ng itlog at ipinakita sa dalawa.

"Yown, kaya love na love ka namin eh. Omelet ha," ani Cy na sinang-ayunan ni Igo.

"Oi Jose, lagyan mo ng sibuyas, masarap iyong palaman sa mainit na pandesal." dagdag ni Igo.

"Oo nga, mas masarap iyon, dagdag aroma pa," pagsang-ayon ni Cy.

Dinagdagan naman ni Jose ang itlog na lulutuin niya. Kumuha din siya ng medyo malaking sibuyas na siyang ihahalo sa itlog.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon