Chapter 24
Maagang nagising si Neri, dahil gusto sana niyang bisitahin si Jose. Kaya naman mabilis siyang bumangon sa kama at nagtungo sa banyo.
Matapos ang kanyang morning routine ay patakbo pa siyang bumaba sa hagdanan. Medyo madilim pa noon at gusto niyang ipagluto si Jose ng pang breakfast nito.
"Daddy, mommy," mahinang sambit ni Neri ng mapansin ang mga magulang niyang nasa may living room. Napakunot noo pa siya sa dalawang matandang kausap ng mga ito.
"Good morning po," bati niya sa mga ito ng makalapit siya.
"Hi po? Sino po kayo? Ngayon ko lang po kayo nakita dito? Kamag-anak po ba namin kayo? Lolo at lola ko din po ba kayo? Sa side po ni daddy o sa side po ni mommy?" sunod-sunod na tanong ni Neri na ikinangiti ng dalawang matandang kausap ng mommy at daddy niya.
Maedad na ang mga ito, pero kitang-kita niya ang kaelegantehan ng mag-asawa.
"Ikaw ba si Neri? Naikwento ka ng mga magulang mo sa amin. Nakakatuwa ka naman. Napakagandang bata. Ako nga pala si Leticia at ito naman ang asawa kong si Joseph." pakilala ng ginang.
"Salamat po lolo, lola. Ako nga po si Neri. Pero saang side ko po kayo naging naging lolo at lola?" tanong muli ni Neri.
Tumikhim naman si Nicardo kaya nakuha nito ang atensyon ng anak.
"Ganito kasi anak. Hindi ko natin sila kamag-anak pero kapamilya na natin sila. Alam mo namang lahat ng mga mabubuting tao na nakakasalamuha natin pamilya na ang turing natin di ba?"
"Oo naman po daddy. Dito po ba sila mag stay? Namimiss ko din pong magkaroon ng lolo at lola. Lalo na po at hindi ko po naranasan na magkaroon ng lolo at lola. Dahil sabi po ninyo na bago pa ako ipanganak ni mommy ay lumisan sina lolo at lola. Sa sobrang lungkot sa nangyari kay Tita Ronelyn. Sayang lang hindi ko rin nakita si tita," wika pa ni Neri.
Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Rozalyn, at hinawakan ang kamay ng anak.
"Yang anak, may sasabihin kami ng daddy mo, pero sana wag mong sasabihin kay Jose hanggat hindi pa tayo sigurado. Hmm."
"Mommy? Ano pong kinalaman dito ni love? I mean ni Kuya Jose?"
"Natatandaan mo naman di ba ang kwento ng buhay ni Jose. Di ba hinahanap natin iyong lalaking sa pagkakaalam ni Jose nagawan niya ng kasalanan," ani Nicardo na ikinatango ng kanyang anak.
"Hindi pa namin nakikita ang batang iyon, pero sila ang nakita naming maaaring kamag-anak ni Jose," paliwanag ni Nicardo na ikinagulat ni Neri.
Napatingin naman si Nicardo sa asawa. Nalulungkot ito pero hindi nila pwedeng biglain si Neri. Nakausap na rin nila ang mag-asawa na wag munang sabihin kay Neri ang ugnayan ng mga ito sa kapatid ni Rozalyn na si Ronelyn.
"Talaga po!" napatango naman ang mag-asawa sa tanong ni Neri. "Ibig sabihin may posibilidad po na kamag-anak po kayo ni Kuya Jose? Sigurado pong matutuwa iyon pagnalaman niyang may pamilya pa pala siya," tuwang-tuwa wika ni Neri at nilapitan pa ang dalawang matanda.
Nagkatinginan naman si Rozalyn at Nicardo. Ramdam ni Nicardo ang panlalamig ng kamay ng asawa. Kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.
"May maiitulong po ba ako?" excited na tanong ni Neri na ikinatango ng dalawang matanda.
"Gusto sana naming kumuha ng DNA sample kay Jose na sinasabi ng mga magulang mo hija. Pero hindi naman pwede na basta na lang namin siya lalapitan. Baka naman mabigla siya," wika ni Ginang Leticia.
"Ganoon po ba? Sige po tutulungan ko po kayo. Gumising po ako ng maagap para po sana dalahan ng breakfast si Kuya Jose. Ako na po ang bahala. Sana nga po kayo ang kamag-anak ni Kuya Jose, para naman po hindi na po siya mag-iisa," masayang wika ni Neri na ikinabuntong hininga ni Rozalyn.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Joselito Dimaano
RomanceBlurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita...