Chapter 35
"Pasok po kayo."
Dinig ni Jose na wika ni Alfredo kaya naman napatunghay siya at sandaling itinigil ang ginagawa.
Napatingin naman si Jose sa mag-asawang pumasok sa loob ng bahay kasunod si Alfredo. Kitang-kita pa ang pagtataka sa kanyang mga mata.
Napalunok naman si Rozalyn ng makita ang babaeng umuungol habang nakadantay sa hita ni Jose ang hita ng babae.
"Anong nangyari? hindi napigilang tanong ni Nicardo ng kay Alfredo nagbaling ng tingin.
"Sabi ko nga po, ako po ang dapat magpaliwanag. Pero maupo po muna kayo."
Inabutan naman ni Alfredo ng upuan ang mag-asawa at kumuha din ng kanya.
"Mayor, mayora, nga po pala si Chellay," pakilala ni Alfredo kay Chellay at kinawayan lang ang mga ito ng dalaga. Hindi kasi nito magawang makapagsalita dahil may kagat-kagat itong panyo.
"Pagkagaling po namin sa inyo," bulong ni Alfredo na hindi narinig ni Jose. "ay tutuloy na sana ako sa bahay na tinutuluyan ko sa palengke ng makita po ni Cy itong si Chellay na kaibigan nila." sabay tingin kay Chellay na naghahabol na naman sa paghinga dahil sa nadarama.
"Sumama po kay Cy si Chellay kaya napasama na rin po ako pabalik dito. Dumalaw siya doon sa bahay ni Igo, pero ayaw namang doon matulog dahil nahihiya daw siya. Ganoon din kay Cy. Kaya naman ang nangyari dito tumuloy kay Jose. Dahil nga dito magstay si Chellay ayaw naman noong dalawa na magkasama lang si Chellay at Jose sa iisang bubong kaya po nandito din ako. Dangan nga lang po at late na ang hapunan at pareho nga kaming galing kina Igo. Doon sa likod bahay naghanda ng pagkain si Jose. Tapos iyang si Chellay hindi tumitingin sa daan. Hawak ang cellphone ni Jose at may tumatawag daw, ay ayon. Nadapa po doon sa may malaking bato sa may likod bahay. Gasgas ang hita, binti lalo na ang tuhod."
Napatingin naman muli sila sa dalaga na umiiyak na naman ngayon. Para itong batang iginasgas ang sariling binti sa semento. Malalaki pa naman ang gasgas nito at sobrang namumula, at dumudugo na rin. Linis at may gasa na ang iba. Pero marami pa ding ginagamot si Jose. Naiiyak na rin ito dahil binuhusan ni Jose ng alcohol ang sugat nito.
Nagkatinginan naman si Nicardo at Rozalyn. Napangiti sila sa isa't-isa. Pero sa isip-isip nila ay para silang super supportive na magulang. Ng dahil lang sa narinig ng kanilang anak ay sumugod sila sa bahay ng isang lalaki para lang makumpirma ang totoo. Hindi lang iyon, ang pagkakaalam pa nila ay magpinsan ang dalawa. Pero sa posibleng pwedeng mangyari, nais pa rin nilang walang problema. Kung talagang may pag-asa ang kanilang nag-iisang anak at si Jose. Kaya naman nandoon sila ngayon.
Napailing na lang si Nicardo habang naiisip na paano kung ibang tagpo ang naabutan nila? Naramdaman na lang niya ang pagsundot ni Rozalyn sa tagiliran niya. Alam niyang nabasa nito ang nasa isipan niya.
"Aaah, Jose." napatingin sila kay Chellay ng magsalita ito.
"Nasasarapan ka ba o nasasaktan? Ungol mo kasi iba ang tunog."
"Wag kang epal na bwisit ka. Malamang nasasaktan. Ikaw ang buhusan ko ng alcohol. Napakasakit na nga at napakahapdi. Epal ka pa," ani Chellay na inirapan lang si Alfredo.
Napangiti naman ang mag-asawa sa nakikita nilang bangayan habang tahimik lang si Jose na nililinisan ang sugat ni Chellay. Madami kasi iyong kumapit na lupa kaya need linisan ng maayos.
"Konteng lambing naman sa paggagamot Jose. Mamamatay ako ng maaga dahil lang sa gasgas na iyan eh. Dapat talaga hindi na ako nahiya kay Shey ng alukin akong doon na matulog sa kanila. Ang sakit talaga," lumuluhang sambit ni Chellay habang napapaungol pa rin sa sakit.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Joselito Dimaano
Roman d'amourBlurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita...