Chapter 21

138 2 0
                                    

Chapter 21

"Daddy hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ni Neri ng hapon na iyon at hindi man lang siya nakukumusta ng daddy at mommy niya. Napatingin pa siya sa oras ng mapagtantong alas tres na iyon ng hapon. Kaya naman siya na ang tumawag sa mga ito.

"Hindi pa anak. Malaki ang pinsala na nagawa ng bagyo sa ibang lugar. Sira ang kalsada at may nasira pang tulay. Baka isa hanggang dalawang linggo pa bago kami makauwi ng mommy mo. Si Manang Flor naman ay hindi din muna makakauwi. Dahil may sakit ang kapatid niya. Sila lang dalawa ang nagtutulungan lalo na at nasa malayo din na lugar ang mga pamangkin niya."

"Ganoon po ba? Paano po ako?"

"Anak, doon kina konsehal, ipinagpaalam ka na namin ng daddy mo." sabat naman ng mommy niya na nararamdaman din niya ang pag-aalala sa kanya.

"Pwede po bang, dito na lang po ako kay Kuya Jose? Si Kuya Jose po ang tinawagan ko kahapon, kasi wala po akong ibang kakilala. Kanina pong umaga nandito po si Kuya Cy at Kuya Igo. Kung nag-aalala po kayo sa kalagayan ko, isa po si Kuya Jose sa dapat po ninyong pagkatiwalaan." paliwanag ni Neri sa mga magulang na ikinabuntong hininga ng mga ito.

"Alam naming mapagkakatiwalaan si Jose anak. Sayo lang talaga kami nag-aalala. Baka mamaya si Jose ang manawa sa kadaldalan mo." biro ng daddy niya.

"Hindi po kaya. Kilala na po ni Kuya Jose ang ugali ko at alam ko pong okay lang po sa kanya ang pagiging madaldal ko."

"Ganoon ba, basta mag-ingat ka dyan anak. Wala pa ring kuryente dito. Pero maayos ang kalagayan namin ng mommy mo."

"Wala pa rin po dito. Malolobat na rin po ang cellphone ko. Ingat po kayo dyan ha. Ayos lang po ako dito. I love you po, mommy, daddy."

"I love you too anak," sabay na wika ni Nicardo at Rozalyn at tinapos na rin nila ang tawag.

Masayang-masaya naman si Neri dahil may permiso sa mga magulang niya na magstay na muna kasama ni Jose. Wala din naman itong trabaho ng ilang araw. Dahil sa sinabi ni Rodrigo dito kanina.

Papasok ng kusina si Neri ng makita niyang nagluluto na si Jose.

"Bakit ang agap mong magluto love?" tanong ni Neri at nilapitan pa si Jose para masilip ang niluluto nito.

"Ano yang niluluto mo? Hindi ako pamilyar sa puti-puti na iyan? Iyan ba iyong hinihiwa mo kanina sa likod bahay?" curious na tanong ni Neri ng nakangiting tumango si Jose.

"So gulay yan? And, what is it?" tanong muli ni Neri ng itaas ng kulay puting sabaw na nasa mangkok.

"Gata yan. Uhmm, coconut milk. Magluluto ako ng ginataang langka. Kumakain ka ba nito?"

"Hindi ako sure love, pero ang bango at mukhang masarap. Kaya naman kakain ako niyan. Pero bakit sobrang agap mo namang magluto? Pang meryenda ba iyan?" na ikinailing ni Jose. "Di ulam nga natin iyan?" sabay tango naman ni Jose.

"Sabi ko nga, magaap ka lang talagang magluto ng hapunan. Pero love nagugutom ako sa meryenda." ani Neri na nagpatawa kay Jose.

"Wala pa ring kuryente kaya dapat maagap tayong kumain. Isa pa kung nagugutom ka, nagluto ako ng minatamisang saging gusto mo ba?" malambing na tanong ni Jose kaya naman napa-oo siyang bigla.

Iniwan naman ni Jose ang niluluto at ipinagsandok siya ng minatamisang saging. Para lang itong saging na may asukal kung titingnan niya. Pero may nakalagay na sago.

"Gatas?" aniya ng lagyan iyon ni Jose ng evaporated milk.

"Ang sarap," hindi niya mapigilang bulalas ng matikman ang pagminindal na iyon.

"Bakit ang sarap mong magluto saan ka natuto? Kahit iyong itlog na may misua masarap din."

Tuloy-tuloy lang ang pagsubo ni Neri habang hinihintay ang sagot ni Jose.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon