Chapter 12
"Daddy, mommy!" may kalakasang sambit ni Neri ng makabalik sila ng kwartong inuukupa ni Shey. Si Jose ang may dala ng kape para sa mag-asawa habang ni Neri ay nakaabrisyete dito.
Tahimik lang naman na tinanggap ni Nicardo ang kapeng iniabot ni Jose. Ganoon din ang asawa nito. Nagkatinginan pa silang lahat ng mapansin ang namumuong katahimikan pagkapasok palang nila.
"May nangyari po ba? Bakit po parang ang tahimik ninyo?" tanong ni Neri ng tumikhim si Nicardo.
"Uwi na muna tayo anak. Kailangan ko na rin ng pahinga."
"Oo nga anak, lumalalim na ang gabi. Need na ng daddy mo ng pahinga ganoon din ako." pagsang-ayon pa ni Rozalyn sa asawa.
Napatingin naman si Jose sa mga magulang ni Neri. Naramdaman niyang may kakaiba sa ikinikilos ng mga ito. Bumaling naman si Jose kay Rodrigo ng maglabas ito ng isang buntong hininga.
"Sige po." pagsang-ayon ni Neri sa mga magulang. Kung hindi naman siya nagpanic kanina ay hindi niya madadala sa ospital ang mga ito. Kaya wala siyang magawa kundi ang sumunod na lang.
"Love uuwi na kami." bulong ni Neri kay Jose na tinanguan lang ng huli.
Nang makaalis sina mayor kasama si Neri ay napatingin naman si Rodrigo kay Cypher at Jose. Sinabi niya sa mag-asawa na wag iparating kay Jose ang mga sinabi niya sa mga ito. Pero hindi naman niya alam kung paano sasabihin kay Jose ang nalalaman nila ni Cy. Ngayon guilty si Rodrigo sa sinabi at nalalaman niya.
Nakaupo lang si Jose sa isang sulok at ipinikit ang mga mata.
"Anong meron Rodrigo?" may diing tanong ni Cy ng hindi na rin nito mapigilan ang magtanong.
Mahina lang naman ang boses ni Igo habang sinasabi kay Cy ang nangyari noong wala ang mga ito. Halos hindi nga narinig ni Aize ang pinag-uusapan ng dalawa. Si Jose naman ay nasa malayong parte at pikit pa. Kaya sigurado silang hindi nito naririnig ang kung ano mang pinag-uusapan nila.
"Anong sabi nila?"
"Hindi ko nga alam, basta na lang natahimik. Kaya parang kahit ako, hindi ko alam ang saloobin nila." napasabunot pa si Rodrigo dahil sa kanyang ginawa.
"Aamin ka na ba?" tanong ni Cy.
"Hindi pa ito ang tamang panahon. Nandito pa tayo sa ospital. Kapapanganak pa lang ng asawa ko. Hindi ko yata kayang layuan tayo ni Jose." malungkot na wika ni Igo ng biglang nagmulat ng mata si Jose at naglakad papalapit sa kanya.
"Don't feel guilty for what you tell them about me. In fact I just want to say thank you. You and Cy accept me for who I am and what am I. Akala ko nga noon lalayuan ninyo ako ng malaman ninyong dalawa ang nakaraan ko. Dahil nakabaril ako ng kapwa ko. Tapos hindi ko pa alam kung ano ang nangyari sa kanya. Kung buhay pa ba siya. Pero itinuring pa rin ninyo akong kaibigan. Hindi ninyo ako hinusgahan kahit nagawa kong magnakaw noon para manatiling buhay sa poder nila. Salamat sa lahat. Wag kayong magulat. Matagal ko ng alam na alam ninyo." wika ni Jose na nagpagulat sa kanila.
"Paano mo nalaman?" sabay na tanong ni Rodrigo at Cy na may halong pagkagulat.
"Nararamdaman ko lang sa bawat titig na ipinapakita ninyo. Kaya alam kong matagal na ninyong alam ang buong pagkatao ko." napayuko naman si Jose matapos sabihin iyon.
Mula ng makarating si Jose ng San Lazaro, hindi na niya nagawang umiyak. Pero ngayon sa mga oras na ito, biglang lumabas ang tahimik niyang mga hikbi.
Naguguluhan man ay napatingin si Aize sa asawa na katabi ni Igo at Jose.
"Baby." tawag ni Cypher dito. Lumapit naman si Aize kay Cy. "Dito ka muna. Ikaw na muna ang bahala kay Shey. Dadaanan lang namin si Manang Lourdes at si Tito Henry na aalis lang muna kami. Pasabi kay Shey na babalik kami kaagad, pag nagising siya, Hmm." hindi man naiintindihan ang nangyari ay sumang-ayon na lang si Aize sa asawa.
BINABASA MO ANG
Poorman Series: Joselito Dimaano
RomanceBlurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita...