Chapter 25

121 1 2
                                    

Chapter 24

"Love!" malakas na tawag ni Neri kay Jose ng mapansin ni Neri na dumating si Jose sa may palengke.

Sobrang aga ni Neri ngayon dahil sumabay siya sa daddy niyang patungo doon. May pakain kasi ang kawani ng munisipyo sa mga taong nasasakupan ng mga ito. Kaya naman sa may palengke naisip ng mga konsehal doon na magpakain. Bukod sa nasa bayan ay madami talagang tao doon. Tindera man sa palengke, kargador, o empleyado ng mga tindahan mga mamimili at iba pa ay maaaring dumalo para mabigyan ng foodpacks, bukod pa sa mga groceries at bigas na maiipamigay. Mayroon ding mga school supplies para sa mga estudyante.

Napatingin naman si Jose sa babaeng tumawag sa kanya. Napangiti pa siya dahil unang bungad ng umaga ay maganda at makulit na dilag ang sumalubong sa kanya.

"Love, wala pang tao sa palengke, nandoon sila pumipila para sa food packs at groceries na pamigay nina mayor. Pero hindi mo na kailangang pumila, nagdala na ako ng pagkain para sayo. Ako nagluto nito. Adobo nga lang okay lang ba? May kasama pang kape," nakangiting wika ni Neri ng si Jose na ang nagbitbit ng lunch bag na dala nito.

Naupo muna sila sa may bench na nandoon. Natatanaw naman nga ni Jose na ang iilang tao sa loob ng palengke ay nag-aalisan pa.

Naalala naman bigla niya ang sinabi ni Cy kagabi lang.

"Yow, Jose," ani Cy ng tinawagan siya nito. Hindi naman siya sumasagot alam naman ni Cy na naririnig niya ang sinasabi nito.

"Kahit daw tanghali ka na pumasok, sabi ni Igo. Galing ako sa kanila kanina. Delay ang byahe ng truck bukas. Tapos ay may pakain sina mayor, sure na maiiwan ka lang sa loob ng palengke. Alam mo namang hindi ako makapasok pa ngayon sa trabaho.  Medyo hirap si Aize maiwan mag-isa. Wala dito si Yaya Sena. Kaya naman hindi kita masasamahan."

Puro tango lang si Jose kahit hindi naman siya nakikita ni Cy. Ang mahalaga ay naipaabot nito sa kanya ang nais nitong sabihin.

"Sige na Jose. Ikaw na ang magbaba ng tawag kung nakuha mo ang tawag ko."

Ilang segundo lang ang pinalipas niya ay ibinaba na niya ang tawag. Alam na ni Cy na naiintindihan niya ang itinawag nito.

Pero ngayong umaga, nandito siya sa palengke ng ganoong kaaga. Malay ba niyang nakalimutan niya ang tawag na iyon ni Cy. Pero sulit na rin dahil nakita niya ngayong umaga si Neri. Na halos mahigit isang linggo niyang hindi nakita. Sinabi kasi ng dalaga na busy ito doon sa asong nakilala nito sa daan, at dinala sa animal welfare. Nagkasakit kasi ang aso at nanamlay. Kaya naman habang hindi ito gumagaling ay binantayan nito.

"Love ubusin mo itong inihanda ko ha. Wala akong nalutong gulay kaya nilagyan ko na lang ito ng patatas at nagdala din ako ng ubas."

Inilabas ni Neri ang plastic container na kinalalagyan ng kanin, adobo at ubas. Kain ka na love," malambing pang wika ng dalaga  ng maiabot ang pagkain kay Jose.

Sinimulan naman ni Jose ang pagkain. Hindi talaga niya maipaliwanag ang saya sa kanyang puso tuwing kasama niya si Neri. Pero minsan nandoon pa rin iyong ugali niya na hindi mawala-wala sa kanya. Ang madalang na pagsasalita.

Napatingin naman si Neri kay Jose, ng iumang nito ang kutsara na may lamang adobo at kanin sa tapat ng bibig niya. Napangiti pa siya kay naman walang pag-aatubiling ibinuka niya ang bibig para kainin iyon.

"Alam mo ba love na parang indirect kiss na rin iyon. Kasi naman iyong kutsarang ginamit mo. Iyon din ang ginamit ko. Kaya naman, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kinikilig ako," ani Neri na hindi mapigilan ang sarili na kiligin.

Napangiti naman si Jose sa ikinikilos ni Neri, at napailing na rin.

"Gusto ko sanang hayaan na kita sa kilig na nararamdaman mo. Kaya lang, iyong ginamit kong pagsubo sayo kutsara. Tapos itong tinidor ang ginagamit ko pagkain " paliwanag ni Jose na ikinasimangot ni Neri.

Poorman Series: Joselito Dimaano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon