24

526 23 0
                                    

24: Friendship

Nakatulog kami ulit at pagkagising namin ay 8:30 am na. Bumalik na ako sa room ko para maligo at makapaghanda papasok ng school.

Pagkalabas ko ay saktong kakalabas lang rin ni Saydie. Ang sexy niya sa uniform namin. Pero siguro mas bagay sa kanya yung panta kesa sa skirt.

Marami na naman siyang makukuhang atensyon sa mga lalaki. Ang tangkad pa naman niya.

"Sabay na tayo?" Tanong niya at agad akong tumango tapos sumunod sa likuran niya.

"Say-Saydie wag na," sabi ko nang kunin niya bag ko. Parehas pa naman kaming mabibigat ang bag. Hindi siya nagsalita basta kinuha nalang niya ang bag ko sa akin.

Dalawa tuloy dala niya.

"Salamat Saydie," sabi ko.

Why is she being like this? Kapag patuloy siyang ganito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kumain muna kami ng breakfast sa convenience store tapos sumakay na ng bus.

"Anong room ka ngayon?"

"A318," sagot ko.

"Hatid na kita," sabi niya. Natulala ako sandali dahil sa sinabi niya.

"Ah wag na!" Sigaw ko bigla.

Baka kasi anong isipin ng iba. Most of my classmates know who Saydie is. Mas marami nga silang alam kesa sa akin. Lalo na si Daphne.

"Why? Pupunta naman ako don, I need to see Professor Alma, nasa A314 siya."

"Ah hehe nahihiya lang ako, kasi kaya ko naman," sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at hinatid nga niya ako.

How I wish I can hold her hand.

"Thank you," sabi ko nang nasa tapat na kami ng classroom ko. Salamat naman at hindi ako late.

"What time is your last class?" She asked.

"6 to 8 pm," I answered.

"Okay. See you."

Umalis na rin siya agad. Pumasok naman ako ng room at nakita si Eya, hindi na kasi tumatabi sa akin si Daphne.

"Hi girl, ang blooming ah," sabi ni Eya at hindi ko naiwasang mapangiti. Ganito lang siguro kapag hinahatid ka ng crush mo.

I looked at Daphne and halted. Did she just raised a brow at me?

May problema talaga siya sa akin!

Nakita ko pa siyang nakipagusap sa mga bago niyang ka-close at nagtawanan pa.

"Hoy." Napalingon ako kay Eya dahil bigla niya akong tinapik sa braso.

"Alam mo bang sinisiraan ka ni Daphne? Like kahit ano lang pinagsasasabi sayo? Anong nangyari sainyong dalawa?"

Ganon ba? Tumingin ako kay Daphne at inirapan rin siya.

"Hindi ko alam," sagot ko.

"Bigla kayong hindi na nagsasama 'no? Marami kaming nakapansin," sabi niya at umupo na rin.

Buong klase ay si Daphne lang ang iniisip ko at kung ano ang problema niya sa akin. Hindi na ako nagtanong kung ano ang kinakalat niya tungkol sa akin dahil ako na ang magtatanong.










Hinintay ko lang na matapos ang first class namin. Hindi pwedeng mamaya at bukas ko pa siya tanungin. Dahil sobrang tagal na 'to. Naiinis na ako sa kanya.

Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon