17: Questions
Naghanda ng garlic butter chicken at pinainit ko lang yung sabaw na binili ko at hinintay ko lang siya. Ang tagal naman niya.
Hinanda ko naman ang notebook ko at binasa ulit ang mga possible questions na binigay kanina ng teacher namin na pwede naming itanong sa partner namin.
Gaile:
Hoy! Nagtatampo na kami sayo!
Gaile sent a picture.
Tumingin naman ko sa cellphone ko at marami ng messages sila Josh, inuman pala namin ngayon.
Izzy:
May assignment ako eh, bawi ako bukas!
Josh:
Geh girl, be a good student!
Pinatay ko ang cellphone ko at sakto namang dumating na si Saydie. Magaling na ba siya, o okay na ba siya?
"Kumain na pala ako," sabi niya nang pumasok siya. Tumango naman ako bilang sagot. "I can wait." Umupo siya sa sofa.
Niligpit ko nalang ang mga hinanda ko.
"Hindi ka kakain?" She asked.
"Ah kumain na ako," sagot ko.
Agad naman akong pumunta sa kanya at nakita ko ring may dala siyang notebook at isang lapis.
"Hmm let's start?" Tanong ko.
"Sige."
Umupo ako sa tabi niya.
"Sino mauuna?" I asked.
"Ikaw?" Nakangiti niyang sagot.
"Okay ka na ba?" Tanong ko.
"Ah oo, ito nalang masakit." Itinuro naman niya ang labi niya. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya dahil sa hiya.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Ako na mauuna," sabi niya. "Amm what things scare you?"
Natulala ako sandali sa unang tanong niya.
"Ah getting hurt," I answered while not looking at her. Binuksan ko ang notebook ko at naghanap naman ako ng pwedeng itanong sa kanya habang wala siyang sinasabi.
"What is your biggest strength?" Tanong ko at tumingin ako sa kanya. Nakatingin na rin pala siya sa akin.
"I'm good at multitasking?" Natatawa niyang sagot sa akin.
"Working student ka diba? Paano mo napapagsabay mga plates natin, minor subjects tapos kailangan mo pang pumasok sa trabaho, tapos kasali ka pa sa isang dance troupe."
"Yeah I am,hmm, siguro masaya lang ako kung anong meron ako ngayon."
Napangiti naman ako at tumango.
"What's your biggest weakness?" She asked.
"Ah…hindi ko pa alam," sagot ko at napahawak sa batok ko.
"Okay. Tulungan kita?"
"Sana wala."
"We all have our own weaknesses."
"Bakit ikaw?"
"Meron."
"Ano?"
"What's your ideal you look like?"
Bigla siyang nagtanong ng panibago.
"Ang daya," sabi ko.
"Haha wala ka naman ring sinagot eh," sagot niya pabalik sa akin.
"Sino yung kasama mo kanina?" Tanong ko at nakita ko siyang natigilan. Umiwas ako ng tingin at napapikit ng mariin.
"Ah haha bukas nalang ulit, ano vacant mo bukas?" Tanong ko at tumingin ako sa kanya. Seryoso na ang tingin niya sa akin.
Sabi ko sa sarili ko, kiss and flirt at your own risk. Hindi mgiging kasalanan ni Saydie kung masaktan ako.
"She's a friend," sagot niya na hindi ko inaasahan. Akala ko kasi magagalit siya dahil nangengealam ako. "Just a friend."
"With benefits?" Tanong ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina.
Bakit hindi ko ba napipigilan ang bibig ko, galit ba ako.
"No. I have my standards."
Ah kahit lang pala kalandian may standard siya kung sino lang dapat.
"Hmm anong ideal mo pala?" Tanong ko, seryoso ka ba Izzy.
"Why are you asking?"
Natigilan ako sandali.
"I just want to know," sagot ko. "Nauuhaw ako." Tumayo ako at bigla naman niya akong hinawakan sa kamay.
It made me stop and look back at her then she suddenly pulled me into her lap.
Napahawak naman agad ako sa magkabilang balikat niya.
"I guess…you like me."
Malapit ang mukha ko sa kanya ngayon. Hindi naman ako uminom ngayon. Hindi ako lasing.
"What is your question again?"
Expected ba niya na makakapagsalita pa ako sa posisyon namin. My both legs over her.
"Gusto ko magaling kumanta." She whispered. Her breath tickled my ear.
She gently grabbed my face and kissed me. I closed my eyes and kissed her back slowly and gently while wrapping my arms around her neck.
Mainit pa rin siya.
"Izzy, I forgot I might infect you..."
She talked and I felt her smiling in the middle of our kiss.
Siya ang unang umiwas sa halik.
Are we flirting now?
She slowly caressed my arms. She's soft and gentle. Ngayon lang ulit ako nagpahawak sa ibang tao. Natakot na kasi ako, dahil kay Ezekiel.
"Good night Izzy," sabi niya.
"Good night Saydie."
"I need to get up," sabi niya at napagtanto kong nakaupo pala ako sa kanya. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko.
Tumayo rin siya at kinuha ang notebook niya. Parang ayaw ko siyang umalis.
"Maguusap pa rin ba tayo bukas?" Tanong ko bigla at nakita ko siyang natigilan sandali.
"Yeah, of course."
–