31

438 16 0
                                    

I DEDICATE THIS CHAPTER TO YOU. THANK YOU FOR PATIENTLY WAITING FOR MY UPDATES AND THANK YOU SO MUCH FOR THE READS , VOTES AND COMMENTS. THANK YOU FOR GIVING THIS STORY A CHANCE.

31: Nothing

Nagising ako na wala siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong umupo at hinila ko ang kumot para takpan ng mabuti ang sarili ko. Nagkalat kami kagabi. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay pulang pula pa rin ang mukha ko.

Nakita ko naman siya agad at nakasilip lang siya sa bintana. I breathed heavily when I saw her smoking a vape again.

"Saydie?" Pagtawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon sa akin. She gave me a smile and greeted me. "Good morning."

She's wearing a bathrobe. Naligo na ba siya? Ang daya ah. Hindi ko pa nga gustong kumilos at ewan ba kung nakailan kami kagabi at nakatulog ako dahil hindi kinaya ng katawan ko ang energy niya.

Umiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang mga ginawa namin. Nahihiya ako. Napasinghap naman ako sa gulat nang bigla siyang umupo sa gilid ko at nakaharap siya sa akin.

"How's your sleep?" she asked while grinning. I pushed her gently.

"Iniinis mo na naman ako," sabi ko.

She gently grabbed my face and kissed me on my forehead.

"Sorry pinagod kita, nakalimutan kong may pupuntahan pa tayo." Natatawa niyang sabi at napatingin naman agad ako sa oras.

"Ang chocolate hills," sabi ko na parang bata. Gusto kong makita 'yon.

"It's okay, nasabihan ko naman na si manong, pwede tayong pumunta don maya-maya," sagot niya.

"Pero, yung reservation natin?" tanong ko. Pupunta pa kami ng beach resort eh. Ayokong may mamiss kaming mga plano.

"Makakahabol pa naman tayo, hanggang gabi naman tayo don eh." Nakangiti niyang sabi.

Her smile gives me assurance, kahit papaano. Hindi ko maalala na baka mamaya masaktan lang ako.

Bumalik siya sa tabi ko at hinila niya ako palapit sa kanya at yinakap.

"Rest more."

Akala ko aangkinin na naman niya ako, pagod pa ako eh.

Nakapunta naman kami ng chocolate hills. For me, it was ineffable. The view did not disappoint us, it was half green and half chocolate. Kaya sobrang popular nito. Marami namang magagandang tanawin ang Alvarez, pero iba talaga ang nakita, lalo na't kasama ko ang taong gusto ko.

What if, mahal ko na pala siya?

Hindi ko yata kakayanin kong iiwan niya ako bigla.

"Are you ready?" Nagising lang ako kakaisip nang magsalita si Saydie. She's waring one piece suit. Exposing her skin like that, sobrang puti niya. Pagkatapos sa chocolate hills ay agad kaming dumiretcho sa resort.

Samantalang ako kampante akong magsuot ng two piece, eh ako naman itong hindi makinis ang katawan.

"You're beautiful." Napalingon ako kay Saydie at hindi ko napigilan ang aking ngiti at kilig.

May outdoor swimming pool kami sa labas. Naglakad pa kami papunta mismo sa dagat. Hindi kami agad naligo naglakad lang muna kami sa tabi ng dagat habang sinasalbuong ng mga paa namin ang maliliit na alon.

She again took a picture of me habang nasa likod ko ang dagat.Sabi niya maganda raw. Pero mainit na gusto ko na ring maligo.

"Okay na?" tanong ko nang tumayo na siya at nakatuon ang pansin sa cellphone. Marami siyang alam na anggulo eh na parang kahit nakasquat na siya para lang makakuha ng magandang litrato sa akin.

Lumakad ako palapit sa kanya nang mapansin kong may bigla siyang kinausap na mga lalaki.

"Stop staring at her."

Pagkalapit ko parang may sinabi siya pero hindi ko masiyado narinig.

"Saydie may problema ba?" tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya agad sa akin. Inayos ko rin naman ang robe ko.

"Nothing."

Nothing raw pero nakasimangot siya.

"Bakit? Anong ginawa sayo?" tanong ko. Alam kong maganda si Saydie pero naku kung may lalaki na mangbastos sa kanya hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Balak ko sanang tanungin ang mga lalaki kaso lumakad na rin sila palayo.

"Wala, can you just stop being beautiful?" bigla niyang sabi at hinintay ko naman na sabihin niyang joke lang. Pero hindi siya nagsalita at wala rin akong emosyon na nakikita sa mukha niya.

"Ah, in love ka lang sa akin." Natatawa kong sabi. Biro lang naman baka iwan niya ako kung seryosohin ko 'to.

"Joke lang," sabi ko agad. Inabot ko naman ang kamay niya at hinila pasabay sa aking tumakbo.

"Maligo nalang tayo!" sigaw ko.

"Wait! Let's go back first!"

Napasigaw ako nang hilain naman niya ako pabalik hanggang sa nagkulitan na kami at naghabulan.

Mga sandaling ayaw kong matapos.

FB: @Lisnaej/lisnaej

Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon