07: Straight
Nagising ako na sobrang bigat ng ulo ko, sunod-sunod na rin ang tunog ng alarm sa cellphone ko. Pero ayaw ko pang bumangon dahil natatamad ako. Ano kayang nangyari kagabi? At paano ako nakauwi?
Nandito ako sa apartment ko, sigurado ako. Pero sinong nag-uwi sa akin?
Sinubukan kong uminat at natigilan ako dahil naramdaman kong may katabi ako. Napaupo agad ako at napalingon sa tabi ko.
"Saydie?"
Anong ginagawa niya dito? She's still wearing her uniform. Tapos ako? I'm just with my undies! Paano ako naghubad I mean paano-
Ah paano siya nakarating dito? Anong ginagawa niya dito?
Anong ginawa ko! Napasapo ako sa aking noo. Dahan-dahan akong tumayo para hindi ko siya magising. Hinila ko rin ng dahan-dahan ang kumot para takpan ang sarili ko.
Nakita ko ring nagkalat ang uniform ko sa paligid. Naparami ba ako ng inom kagabi? Pakiramdam ko kasi bumagsak lang ako agad.
"Aray!" Sigaw ko nang bigla akong mawalan ng balanse kakahilanng kumot. Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit sa pwet na naramdaman ko at pakiramdam ko natapilok ulit ang paa ko.
"Izzy?" Inangat ko naman ang tingin ko sa kanya, nakaupo na siya at kinukusot ang mga mata niya.
Hinila ko agad ang kumot para takpan talaga ang sarili ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya at tumayo. "Did you hurt yourself again?" Nakaluhod ngayon ang isang tuhod niya, para pantayan ako.
"Nawalan ako ng balanse," sagot ko.
"Let me help you."
"Wag na, tumalikod ka nalang."
"Nakita ko na 'yan kagabi," sabi niya bigla at pakiramdam ko pulang pula na ang tenga ko sa sinabi niya. Pero wala naman akong nakikitang reaksyon sa mukha niya.
She's just giving me a straight face.
"An-ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko at tumayo akong mag-isa habang hindi binibitawan ang kumot.
"You don't remember?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Anong katangahan na naman ginawa ko?
"Wala ka bang class today?" Tanong niya.
"Meron," sagot ko. Napatingin ako sa wall clock. 8:40 am na, may class ako sa 10 am.
"Hindi ka pwedeng pumasok?" Tanong niya at agad akong umiling. Kaya ko namang pumasok.
"Architectural communication kasi," sagot ko. Tumango siya bilang sagot.
"Sige, balikan nalang kita, let's go to the University together."
Tapos agad na siyang bumaba. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Ano ba kasing ginawa ko? Agad kong hinanap ang cellphone ko.
Gaile:
Girl! Haha
Gaile sent a video.
Pumikit muna ako ng mariin bago ko tinignan ang video. Puro ako ang laman ng gc namin.
"Saydie! Wag mo akong iwan!"
"Ayoko! Dito lang ako sayo!"
"Ayoko magpauwi sa iba!"
"Saydie bakit!"
Napasapo ako sa aking labi, nakayakap ako kay Saydie sa video na 'to at sumisigaw. Napasapo ako sa aking noo dahil sa kahihiyan.
Izzy:
😭😭😭😭
Josh:
Good morning! Babae na pala tipo mo ah!
Siya ba naghatid sa akin? Kasi pakiramdam ko nakatulog na rin ako kagabi eh. Pinatay ko ang cellphone ko at kumilos na.
Kinuha ko ang mga kalat ko at nakita ko ang jacket na pinasuot niya sa akin kagabi.
Mas lalong ayaw ko siyang makita ngayon!
Nagmadali akong makapagayos para makaalis na rin ako dahil ayoko siyang kasabay, nahihiya ako. Pagkalabas ko ng pinto muntik pa akong matumba kung walang humawak sa braso ko para mapigilan ang katawan ko na tuluyang mawalan ng balanse.
"Saydie." Nakangiwi kong pagtawag ng panglan niya.
"May oras pa ba't ka nagmamadali?" Tanong niya.
"Ah hehe."
Sa harapan pa talaga ng babae magiging tanga ka.
"Let's go?"
Tumango ako bilang sagot. Mabuti nalang tatlo ang uniform ko, kung hindi wala akong susuotin ngayon bawal pa naman kaming pumasok ng hindi nakasuot ang uniform namin.
"Ah Saydie."
Pagkababa namin ng hagdan ay tinawag ko siya.
"Sorry," sabi ko pagkalingon niya.
"For what?"
"Sa istorbo kagabi," sagot ko. Nakita niya ulit ako with just my undies. Ano ba naman Izzy!
"It's fine," sabi niya. Sumunod lang ako sa kanya sa paglalakad.
"Ah pwede na tayong makasakay dito," sabi ko nang makalabas kami ng gate dahil dumiretcho pa siya ng lakad.
"Daan muna tayo ng convenience store," sabi niya.
Hindi naman siya kalayuan sa amin. Pumasok kami at pinaupo lang niya ako. Bumili siya ng kape at cream cheese bun.
"Ah magkano lahat?" Tanong ko.
"Wag na," sagot niya at umupo sa harapan ko.
"Salamat," sabi ko. "Sorry ulit sa nakita mo sa akin kagabi."
"Alin don?" Natulala ako sandali.
"I've already seen twice with...just-"
Sumigaw ako ng mapaso ako sa kape. Salamat rin naman para tumigil siya sa pagsasalita.
"Are you okay?"
Nakangisi niyang tanong.
"Oh by the way, natumba ka kanina, walang masakit sayo?"
"Wala. Salamat."
Hindi ko ulit mapigilang mapatitig sa ganda niya. Ang linis niyang kumain. Maputi pa siya. Parang gatas. Ano kaya type niya sa isang babae?
Papasa ba ako?
Marami na siyang nakitang mali at katangahan ko, pasok pa ba ako? Pakiramdam ko nga palagi ko siyang and the way she rejected the kiss, wala talaga.
She's just being nice to me.
Though, hindi pa ako nagkakagusto ng babae. Ngayon lang. I'm so attracted.
Ano kaya pakiramdam kung maging girlfriend niya?
-