04: Crush
Maaga akong nagising dahil maaga rin ang first subject namin. Pagkalabas ko ay nakita ko siya pero hindi niya ako napansin at nauna ng lumabas sa akin. Inaayos ko pa ang sapatos ko.
Kailan ko kaya ulit siya makakasabay?
Pumasok na ako ng University at siya lang ang tumatakbo sa isipan ko. Crush ko na ba siya? Gusto ko na ba siya? She's attractive. Kahit sino siguro magkakagusto sa kanya.
Babae man o lalaki.
Path fit ang unang subject namin kaya suot ko agad ang PE uniform namin.
"Girl alam mo ba sabi nila Saydie is not straight." Pabulong na sabi sa akin ni Daphne..
"Talaga ba?" Tanong ko kahit alam ko na. Narinig ko mismo sa kanya.
Pero ano kaya ang type niya sa isang babae?
"Ligawan ko kaya siya? O papayagan ko siyang manligaw sa akin?" Tanong bigla ni Daphne na ikinatulala ko sa kanya. Parehas kaming straight pero parehas na rin yatang hindi dahil kay Saydie.
"Tulungan mo akong magpapansin sa kanya," sabi niya bigla sa akin.
Ito na naman siya palaging nagpapatulong sa akin pagdating sa crush niya. Tapos mga next week iba na crush niya. Kahit sino lang crush niya at nakailang boyfriend na rin siya kumpara sa akin.
"Tulungan mo ako ah," sabi niya at nakita ko siyang pinindot ang follow sa ibabang pangalan ni Saydie sa SoCiant.
"Malay mo diba, kung walang swerte sa lalaki baka swerte sa babae," sabi niya. Lahat pa naman ng nagiging crush niya, nakukuha niya. 'Yon nga lang sa huli pinakamatagal na ang one month.
Ako naman, wala pang may nakakuha ng interest ko, noon...
...kasi ngayon, she got my interest. Para bang I wanted to know more about her.
"Oy, okay ka lang?" Napalingon ako sa kanya. "Nakikinig ka ba sa akin?"
"Hindi ko alam paano ka tutulungan," sabi ko.
"Support ka lang, at alam mo na dapat ako lang mapapansin niya walang iba."
"Baka wala kang pag-asa diyan," sabi ko. Hindi naman ako ganito sa kanya noon, agad ko siyang tinutulungan at sinusuportahan. Maliban lang dito. Hindi ko pa kasi masabi kung crush ko na ba siya o hindi pa? Hindi rin kasi ako mahilig magkwento tungkol sa love life.
"She's into girls daw, so may pag-asa ako," sabi niya at tumango nalang ako.
Paano pa kaya kung malaman niyang nasa iisang apartment building lang kami? Araw-araw na siguro siyang nasa room ko.
Pagkatapos ng path fit class ay dumiretcho na kami sa department building namin dahil may ipapasa kaming mga plates, nahuli na nga kami, pero hindi lang naman kami, marami kami.
Nang pumasok kami sa faculty office ay nakita namin si Saydie.
"Saydie, pakilagay nga 'to don." Inuutusan siya ng mga faculty.
"Baka she's one of Primston's scholars? Bet." Bulong na sabi sa akin ni Daphne habang pinipisil ang braso ko. Baka working student siya dito.
"Thank you Saydie, dear."
Parang natutuwa rin sa kanya lahat ng mga professor.
"Bilisan natin ilagay na natin 'to sa table ni Sir Aguana," sabi niya sa akin at hinila ako. "Para I have more time pa para magpapansin kay Saydie, siguro kailangan niya ng tulong 'no?"
Bago kami lumabas ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapansin si Saydie.
Hoping that she'll look on our way too. She always makes my heart flutter with her every move.
Lumabas kami at akala ko ay aalis na pero hihintayin pa pala niya si Saydie na lumabas.
"Hi crush!" sigaw ni Daphne bigla nang lumabas si Saydie. Natulala pa siya sa aming dalawa. Ngumiti lang siya but her smile was awkward tapos lumakad palayo.
"'Yon lang? Smile lang?" tanong ni Daphne.
"Baka nailang sayo," sagot ko.
Tapos ngumuso siya na parang bata.
–